Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Katangian: tumutugon sa mga pangangailangan
HALIMBAWA:
Pasalita: pakikiusap, pag-uutos
Pasulat: liham-pangangalakal
Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) – pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya.
Iba pa – pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay-panuto, pag-uutos, pagpilit.
Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari/ maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.
Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako.
Ito rin ang wikang ginagamit para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag-iingay ng sanggol ( baby’s babbling), pag-awit ng isang mang-aawit at ang paglalaro ng malikot na isip ng makata. Mga larong pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang labis. Ilan lamang ito sa mga pagkakataong gamit ng imahinatibo ng wika upang aliwin ang sarili o ibang tao.
Katangian: nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.
Katangian: nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
HALIMBAWA:
Pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
Pasulat: liham sa patnugot
Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag-abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.
Katangian: kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba
HALIMBAWA:
Pasalita: pagbibigay ng direksyon, paalala o babala
Pasulat: panuto
Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp.
Samantala, sa Uses of Language (1977), binanggit ni Frank Smith ang kanyang mga sumusunod na puna: 1) Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa komunikasyon. 2) Ang kasanayan sa isang tugkuling pang-wika ay hind nangangahulugan ng kasanayan sa iba pa. 3) Hindi lamang isang tungkulin/gamit ng wika ang nagagamit sa isang pagkakataon. 4) Kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig at kailangan ng nagsusulat ang mambabasa. 5) Isa lamang alteratibo ang wika (pasalita at pasulat).
Kailangang pagtuunan ng pansin upang sanayin ang sarili sa bawat isang tungkulin sapagkat may mga pagkakataon na kailangang gamitin ang dalawa o higit pang tungkuling pang-wika sa isang sitwasyon.
Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.
Katangian: nagbibigay ng impormasyon o datos
HALIMBAWA:
Pasalita: pag-uulat, pagtuturo
Pasulat: Ulat, pamanahong papel