Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Si Nicolaus Copernicus ang Polish astronomer na
nagbigay ng rebolusyonaryong pagpapaliwanag
ukol sa alin sa araw at mundo ang sentro ng
Sansinukuban.
Ang kaisipang ito ay di niya kaagad inilathala sa dahilang
posibleng ito ang maging daan sa mga puna mula sa Simbahan at
nangangahulugan ng persekyusiyon, ekskomunikasyon o pagsunog ng buhay sa
pamamagitan ng Inquisition.
Dalawang siyentipiko ang sumunod sa pag-aaral at pagsusuri sa Teoryang
Heliocentric ni Copernicus.
ang nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan
ng matematika ukol sa posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na
di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito’ y tinawag niyang ellipse. Dinagdag pa niya na
ang mga planeta ay di pare-pareho sa bilis sa kanilang paggalaw nguni’t mabilis ang
kanilang paggalaw kung papalapit sa araw at mabagal kung ito’y palayo.
, Alemang astrologo na bumuo
ng pormula sa matematika upang mapatunayan ang
pag-ikot ng mga planeta sa araw
Nagkaroon ng mga pagtatanong si Kepler sa mga pinuno sa academics at
Simbahan ng panahon na iyon.
Si Galileo Galilei, Italyanong siyentipiko na naparusahan
ng Inquisition dahil sa kanyang pagtanggap ng Teoryang
Heliocentric ni Copernicus.
Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kanyang imbensiyon na teleskopyo at
naging dahilan ng kanyang pagdidiskubre sa kalawakan. Ang kanyang pagtanggap sa
teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y mapailalim sa isang
imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan.
Thinkers ang nagkaroon ng ideya na kung ang sistematikong batas ay maaring kasagutan sa paglikha ng sansinukuban at natural na kapaligiran, ito ay maari ring maging gabay upang ang pampulitika, pangkabuhayan at panlipunang pakikipagugnayan
ay maipaliwanag ng analitikong pangangatwiran.
ay ang paniniwalang lumaganap sa Europa na ang isang hari ay pinili ng kanilang diyos upang mamuno sa kaharian kaya binibigyan ng absolutong kapangyarihan sa kanyang
pamumuno.
gaya ni Hobbes na kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng
mga tao at ng kanilang pinuno. Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kanyang
natural na kalikasan ay may karapatang mangatwiran,may mataas na moral at
mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari.
ginamit ideya ng batas natural upang isulong ang
paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Sinulat niyang aklat na Leviathan noong 1651 ay
inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon
nito tungo sa magulong lipunan.
Ang Digmaang Sibil ay sumiklab sa pagitan ng mga taong
naniniwala na ang hari ay may absolutong kapangyarihan sa pamamahala at mga tao naming naniniwala na kailangang sila ay may karapatang pamunuan ang kanilang mga sarili.
Isang Olandes na
hukom ang nanawagan para sa pagbubuo ng isang
internasyonal na koda batay sa batas na natural. Naniniwala siya na ang pagkakaroon
ng ganitong kalipunan ng mga kautusan sa pagbabatas ay magiging malaking tulong sa
mga pamahalaan upang magkaroon ng kaayusan at sistema ang pamamalakad.
Thomas Jefferson- Siya ang sumulat ng karamihan sa bahagi ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng Estados Unidos. Ang kanyang sinulat na Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika na kanyang hinalaw sa mga ideya ni John Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at pamahalaan
Noong taong 1700 ay nabuo ang bagong pilosopiyang pangrelihiyong Deismo. Ang pilosopiyang ito ay naglalayon ng pagbubuo ng isang relihiyon na bumabatay sa pangangatwiran at batas na natural. Binibigyan din ng
pagkakataon ang mga tagasunod ng pilosopiyang ito na patuloy na magsuri ukol sa mga doktrinang matagal nang pinatupad at nagpalakas ng kapangyarihan ng Simbahan
sa panahong Midyibal.
Si Empresses Catherine ng Russia at Maria Theresa ng Austria ay parehong
nagsulong ng reporma ukol sa pagprotekta ng mga serfs at itaas ang uri ng kanilang mga pamumuhay. Sila din ang itinuturing na mga Enlightened Despots dahil sa pagsasama ng mga ideya ng Enlightenment at
pananatili bilang mga monarko sa kanilang mga kaharian
Baron de Montesquieu- ay naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan
Si William Penn ay isang Ingles na naglakbay patungo
sa kolonya pa noon ng Amerika upang itatatag ang
tirahan ng pangkatin ng mga Quaker sa Pennsylvania. Siya ay nagsulong ng nagsusulong naman ng
paniniwalang pacifismo.
Ang pacifismo ay naglalahad na ang paggamit ng pakikidigma
o karahasan bilang pamaraan para ayusin ang mga sigalot ay di kapaki-pakinabang.
Voltaire o Francois Marie Arouet- at isa ring Pranses ay nagsulat ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng Pransiya. Ito ang naging dahilan ng kanyang dalawang beses na pagkakabilanggo.Pinagpatuloy niya ang pagsusulat dito at patuloy niyang binigyan ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton.