Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
BY: GROUP 2
LABSO, JHAEMIE
SALUNGA, JERTRUDE
DAYRIT, JOHN KELVIN
CRUZ, CHRISTIAN
CUNANAN, REGINE
GULONG, MARY JANE
MASBANG, NATHANIEL
BANTA, YNA
TABLING, ALBERT
Hindi nagpapanic-buying
Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niya ang pagpapanic-buying ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.
Ang pag-eendorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo ng ginamit.
Sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo?
Bumibili ka ba ng mga produkto dahil mayroon nito ang iyong mga kaklase?
Ang Matalinong
Mamimili
Mga Pamantayan sa Pamimili
Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan.
Sumusunod sa Badyet
Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan
Binibigyan mo ba ng pansin ang kapakinabangan at kasiyahang nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo?
Anuman ang iyong dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo,kailangan mong isaalang-alang ang value for money.
O bumibili ka dahil ang produkto ay sale kahit hindi mo naman kailangan?
May Alternatibo o Pamalit
Makatwiran
Hindi Nagpapadaya
Mapanuri
Lahat ng konsyumer ay nakakaranas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kumpara sa mga luho lamang.
May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maaari ding nabago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili.
Sinusuri ang produktong bibilhin.Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa.