Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Sa 19 nilang pagsasama sila ay nagkaroon ng anak na labing isa, 5 lalaki at 6 na babae. Bagama't 7 anak nila ay pumanaw noong sanggol pa lamang.
Sa pananatili sa Bataan, marami siyang tungkuling ginampanan, Siya ay naging tagapagsulat at tagapagsalin sa hukuman, naging tinyente mayor at hukom panakahan siya. Sa kaniyang panunungkulan, ginamit niya ang ospital sa pangalang Franco Narvaes Baltazar.
Hindi naglaon at isa nanamang masaklap na pangyayari ang naganap. Isang sumbong ang isinampa sa kaniya ng isang mamayang nangangalang Alferez Lucas dahil umano'y pinutol ni Kiko ang buhok ng isang babaing alila niya. Nagkaroon ng pandinig sa hukuman. Sa haba ng paglilitis nalustay ni Kiko ang kayamanan ni Juana. Pero sa kabila nito nakulong parin siya, lubhang maimpluwensya parin si Lucas.
Napiit ng anim na buwan si Kiko sa piitan ng Balanga, Bataan at pagkatapos inilipat siya sa Maynila. Siya ay nakalaya noong 1860 sa makalipas ang apat na taon simula nung nakulong siya. Sa kanyang paglaya dinatnan niya ang kaniyang pamilya na naghihirap kaya't siya ay nag hanap ng paraan paraan maka ahon sa kagutuman ang pamilya, Siya ay tumatanggap ng gawain sa pagsasalin ng mga kasulatang Kastila upang makadagdag kahit konti sa kaniyang kinikita.
Unti-unti iginugupo na siya ng katandaan at panghihinaan ng katawa. Si Kiko ay yumao noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74 na taon siya ay sumakabilang buhay.
Samantalang, nagkasunong sa Udyong, Bataan ang naganap noong ika 15 ng Mayo 1892 at sa pangyayaring iyon naparamay ang pagputok ng 2 baul na may nilalamang 100 mga dula, komedya, awit at korido ni Balagtas. Maliban lang sa ibang mga komedyang isinaulo ng mga mamamayan at sa mga nakalap ng mga sipi ng unang edisyon ng Florante at Laura at isang napaligaw na sipi na La India Elegante y El Nito Amante ay wala ngayong mabakas na iba pang akda ni Balagtas.
Gayunman, napatala sa aklat ng kasaysayan ang ilan sa mga kinatha ni Balagtas ay ang mga sumusunod: Almansor at Rosalina, Auredato at Astrome, Bayaceto at Dorslica at Claus (Salin sa tagalog mula sa Latin)
Isang bagay lamang ang tiyak na naisulat ni Kiko, natatanging Florante at Laura sapagkat ito'y nabibilang sa ilang klasikong obra ng literatura
Katulad din sa sinundang ikalawang yugto, ang huling kabanata ng buhay ni Kiko ay lipos ng tagumpay at pagkabigo, ng luwalhati at siphayo, ng tamis at pait.
Hindi masyado nakapagpatighaw sa sugat ng puso ng Kiko ang Florante at Laura. Nakalaya nga siya pero may gumigiit sa kaniyang isipan na nasa dakong Pandakan kung nasaan si Selya at nakahilig sa kandungan ni Nanong Kapule. Kaya't kailangan niyang lumayo. Salamat naman at may dumating sa kanyang alok na na puwesto ng isang katulong sa tanggapan ng hukom pumayapa sa Udyong, Bataan. tinanggap niya iyon at mula nga noong 1840 ay pumayapa siya sa Bataa.
Sa Udyong nakita naman ni Kiko ang isang dalagang maganda na si Juana Tiambeng, niligawan niya ito at di naman siya nabigo.
Palad na yata ni Kiko na sa tuwiing iibig ay may sagabal. Mahigpit ang pagtutol ng mga magulang ni Juana sa kanilang relasyon dahil na din sa agwat ng edad ni nila dahil si Kiko ay 54 taong gulang na habang si Juana ay 31 pa lamang, si Kiko ay marilata at si Juana naman ay galing sa mayamang pamilya. Sa bandang huli ay pumayag na ang mga magulang ni Juana na magpakasal sila. Sila ay humarap sa dambana noong ika- 22 ng Hulyo 1842
Sa loob ng bilangguan, ibinuhos ni Kiko ang kaniyang panahon sa pagsusulat upang maaliw. Dahil ayaw niyang mabuhay sa kalungkutan. Mas madamdamin ang kaniyang mga isinusulat ngayon dahil ito at napag-ukulan ng buong panahon.
Habang nasa loob pa ng bilangguan, siya ay naka isip ng napakagandang ideya, ito ang Florante at Laura. Mula noon di siya tumigil sa pagsulat. Nang siya'y makalabas ng bilangguan noong 1838, tapos na ang Florante at Laura, at ito ay unang nalathala sa mumurahing papel Tsina o papel de Paja de Arroz. Ito ay naibigan ng mga tao at binili sa halagang lima hanggang 10 piso ang bawat sipi.
Sa isang pagtitipon, si Maria ay tumogtog ng alpa at umawit. Dali dali namang lumikha ng tula si Kiko. Buong pusong inihandog ni Kiko sa babaing kaniyang minamahal ang kaniyang tula, dilit walang iba kundi si Maria.
Si Maria ay tinawag ni Kiko na Selya dahil mahilig sa musika si Maria. Ang Selya ay hinango ni Kiko sa Santa Cecilia na patron ng musika. Sila ay nagkaunawaan nina Selya noong si Kiko ay 47 na at si Selya ay 30 na.
Si Nanong Kapule ay gumagawa ng paraan upang mapaalis si Kiko. Sa tulong ng kaniyang salapi siya ay kumuha ng mga saksi na magpapatotoo sa kaniyang mga paratang kay Kiko. Ang masaklap pati ang mga magulang ni Selya ay naniwala sa bintang kay Kiko sa pamamagitan na rin ng pagsusol ni Kapule.
Hinatulan si Kiko ng husgado ng pagkabilaggo. Nanaig ang kayamanan laban sa katotohanan.
Nakaramdam ng pagpintig ng unang pag-ibig si Kiko noong makilala si Magdalena Anna Ramos (MAR) galing Gagalangin, Tondo. Siya ay naging inspirasyon ni Kiko upang maging manunulat.
Tuwing ikalawang linggo, nagpapa ayos siya ng tula kay Huseng Sisiw/ Jose dela Cruz. Isang araw nabigo si Kiko sa paglapit kay Huseng Sisiw. Pagka't may ginagawa siyang tula para kay Magdalena. Sumama ang loob ni Kiko at naging hamon ito sa kaniya. Naisip niya na na kung kaya ni Huseng Sisiw, ya niya rin.
Hindi nagtagal, ang mga tula ni Kiko ay mas kinagigiliwan na kaysa sa mga tula ni Huseng Sisiw. Hindi lang si Magdalena ang napa-ibig niya kundi na rin sina Lucena at Biyanang ay naging katipan niya rin.
Minsan sa pamamasyal ni Kiko sa Ilog Beata, nakilala nya ang isang dalagang pakiwari niya'y siyang kabuuan ng kaniyang pangarap na makataling-puso. Ang babaing ito'y si Maria Asuncion Rivera. Si Maria ay maganda at hindi nakakapagtakang maraming humahanga sa kaniya at isa na dito si Mariano Kapule na isang mayamang lalaki na isa ring naging mahigpit na kaagaw ni Kiko.
Palibhasa'y di palakibo, kinausap ng masinsinan si Kiko ng kaniyang mga magulang. Natalos nila ang nais mangyari ng anak. Ninais nito na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Maynila dahil nakikita niyang wala siyang magandang kinabukasan kung mananatiling sa lalawigan ng Panginay.
Ikinatwiran ng magasawa na sila ay mahirap lamang. Isang kahig, isang tuka, ngunit sinai ni Kiko na may naisip na siyang paraan upang siya'y makapag patuloy ng pag-aaral.
Lumuwas ang mag ama sa Maynila noong 1799. Pumunta sila sa kanilang kamag-anak na si Trinidad na malugod silang tinanggap.
Naging alilang kanin si Kiko at binigyan siya ng pagkakataong makapagaral tula ng nais niya. Nagaral siya ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Georgrafia, Fisica at Doctrina Christiana. Dahil buo naman sa kaniyang sarili ang pag-aaral, hindi siya nahirapan upang ito'y matutunan. Bukod pa sa nahihiya siyang malaman ng pamilyang kaniyang tinitirahan na hindi siya nagaaral ng mabuti. nais niyang maisulit ang patitiwalang ipinagkaloob sa kaniya.
Nagtapos siya ng pagaaral ng Canones noong 1812 sa Colegio de San Jose. Nagaral din siya ng Filosofia, Teologia at Humanidades sa pagtuturo ni Padre Mariano Pilapil.
Si Francisco Balagtas dela Cruz, Ipinanganak sa Panginay, Bigaa Bulakan noong Abril 2, 1788, noong Abril 30, 1788.
Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Balagtas at si Juana dela Cruz. Sina Felipe, Concha, at Nicolasa ang mga nakakatandang mga kapatid ni Kiko. (palayaw ni Balagtas).
Bata pa si Kiko ginagawa na niyang makabuluhan ang kaniyang buhay sapagka' naniniwala siyang ganito ang bawat sandali. Mabait, masipag, at magalang, ito ang lkautubong ugali niya na bukod pa sa siya'y kinagigiliwan di lang ng kaniyang mga magulang kundi narin ng kaniyang mga kaibigan.......
Maikling Talambuhay ni Francisco Baltazar (Balagtas)