Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
lawig
Ang mga Maranao ay karaniwang mga magsasaka at may iilang mangingisda. Ang silangang bahagi ng lawa ng Lanao ay mayabong para sa paglilinang ng bigas. Ang mayabong na lupa ang nagdadala ng ibat-ibang uri ng mais, mani, kamote, kape, kalamansi, at klase-klasing uri ng tropikal na prutas. Magaling din silang maghabi ng tela at banig, paglililok ng kahoy, tanso, pilak, at ginto. Kilala din sila para sa pagbebenta ng banig na dayami, ibat-ibang gamit sa bakuran, kumot, at ilang uri ng produktong metal.
Maraming mga Maranao ang mahigpit na tumutol sa isang sentralisadong pang-gobyerno ng Pilipinas at may ibang lantaran na nagrerebelde laban dito. Gusto nila ang pederal na uri ng pamahalaan, na may maraming rehiyonal na pagsasarili. Bilang kahalili, gusto nitong humiwalay at makapagtatag ng pansariling pamahalaan bilang isang malayang Muslim na bansa.
Maraming nayon ng mga Maranao na may iilang pamilya ang naninirahan sa iisang bubong. Isang tipikal na tahanan ng mga Maranao ang bahay na walang dibisyon sa loob. Sa magkabilang dulo ng pader ng bahay ay mga higaan na may pasilyo pababa sa gitna. Sa bawat higaan ng bahay ay may isang pamilyang sumasakop. Sa likuran ng tirahan ay isang kusinang para sa lahat ng pamilyang nasasakop ng bahay.
Ang Wikang Maranao ay isang wikang Awstronesyo na ginagamit ng mga Maranao sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa Pilipinas.
Ang mga Muslim sa Mindanao ay binubuo ng ibat-ibang pangkat o tribo. Isa na dito ang pinakapopular at pinakamalaking tribo ng mga Muslim ang mga Maranao.
Pangunahing naninirahan ang mga Maranao sa lawa ng Lanao, ang ikalawang pinakamalaking lawa sa pilipinas. Ang salitang Maranao ay nangangahulugang mga “tao ng lawa” at galing ito sa wikang Austronesian. Tinatayang aabot sa 90% ang bilang ng mga ito na naninirahan sa Lanao del Sur, ang ibang natira ay matatagpuan sa Lanao del sa bahagi ng Lanao del Norte, Cotabato, Zamboanga, at Bukidnon. Ang sentro ng pangangalakal, pangkultura, at pang-edukasyon ng mga Maranao ay sa Marawi City o dating tinatawag na Dansalan. Ito ang kabisera ng Lanao del Sur.
Kasaysayan..
Good Morning! - Mapiya kapipita
Welcome! - Bolos ka
Thank You - Madakel a salamat
Good Bye! - Modas ako
Ang mga Maranao ay unang naninirahan sa kabundukan, pero ang impluwensya nito ngayon ay kumalat na hanggang sa mga tao sa baybaying lugar. Sa mga malalaking pangkat ng mga Muslim sa Mindanao, ang mga ito ang pinakahuling naging Islam. Sila ang takbuhan ng mga Muslim kung may aktibidad laban sa mga Espanyol, Amerikano , at hapon, at kahit na ang Republika ng Pilipinas sa panahon ng batas militar.