Mr. Val B. Tumbali
Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang ito ay mabuhaghag.
Ginagamit ito sa paglilinis ng bakuran. Tinitipon nito ang mga kalat sa halaman tulad ng mga dahong tuyo, tuyong damo at iba pang kalat.
Kalaykay
Asarol
Ito ay ginagamit upang durugin at pinuhin
ang mga malalaking tipak na bato.
Ginagamit sa pagbubungkal
ng lupa sa paligid ng halaman.
Piko
Dulos
Regadera
Ginagamit ito sa pagdidilig.
Ito ay may mahabang lagusan ng tubig na may maliit na butas sa dulo.
Ito ay ginagamit sa paglilipat ng lupa.
Ginagamit din ito sa paghuhukay ng
butas o kanal sa lupa at pagsasaayos ng
lupa sa tamang taniman.
Pala
Kartilya
Lalagyan at panghakot
ng lupa at kagamitan.
Timba
Tulos at Pisi
Itak
Ang mga ito ay ginagamit na gabay sa paggawa ng mga hanay sa kamang taniman sa pagbubungkal ng lupa.
Tinutusok ang may tulos sa apat na sulok ng lupa at tinatalian ng pisi upang sundin bilang gabay.
Panghakot ng tubig na pandilig.
Pamutol sa mga sanga
at puno ng malalaking halaman.
Mga Kagamitan
sa
Paghahalaman
TANDAAN NATIN
Ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga kagamitan sa paghahalaman ay nagdudulot ng mahabang kapakinabangan at napapabilis ang gawain paghahalaman.
Gawin Mo
Lagyan ng tsek ( ) kung tama ang pangungusap at (X) naman kung mali. Isulat sa patlang.
__1. Maaaring gumamit ng lata ng gatas at bubutasan ko ito at gagawing pandilig kapag walang regadera na magamit.
__2. Ang dulos ay angkop gamiting pangbungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
__3. Ang regadera ay ginagamit pangbungkal ng halaman.
__4. Ang asarol ay ginagamit pambungkal sa lupa.
__5. Ang piko naman ay ginagamit upang hukayin at durugin ang lupa.