Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

LUPAIN NG TAGLAMIG

ARAL:

"Ang mga Kababaihan ay may Kalakasan , hindi dapat Maliitin katulad ng Geisha. Siya ay Nanindigan at Nagsumikap para sa kanyang Sarili."

SALAMAT.. :)

SA DIYOS ANG KAPURIHAN.. :)

Buod ng Akda:

Noon lipas na ang panahon ng panganib dahil sa pagguho ng yelo dumating na ang panahon ng pag akyat ng bundok sa kaluntian na tagsibol. Si Shimamura nabubuhay sa kawalan ng magawa ay nakatuklas na kung minsan nawawala ang katapatan nya sa sarili at malimit siyang nagpupunta ng bundok mag isa upang mabawirito ang kung anong bahagi nito. Bumaba sya sa nayon ng mainit na bukal pagkaraan ng 7 araw sa hangganan sa bundok. Sa isang katulong sa otel nagpatawag sya ng isang geisha. Ngunit okupado lahat ang lahat ng geisha dahil may selebrasyon roon. Nabanggit ng katulong ang babaeng nakatira sa bahay ng titser sa musika na tumutulong kapag may pagtitipong nagaganap. Nagusisa pa si Shimamura nagkwento ang katulong tungkol sa babaeng nakatira sa bahay ng titser sa samesen at sayaw. May kasama syang babae ngunit hindi geisha tumutulong lang ito sa pagtitipon. Pagkaraan ng isang oras dumatinng ang babaeng nakatira sa titser ng musika kasama ng katulong. Tumayo si Shimamura paalis na ang katulong ngunit tinawag ito ng babae. Nagbigay ang babae ng impresyon ng kasariwaan at kalinisan. Isa't kalahating oras ng simulan nilang pagusapan ang kabuki napansin niyang mas maraming alam ang babae kaysa sa kanya sa Kabuki. Nagkwento ang babae na parang wala ng bukas at sabik sya sa isang tagapakinig, inisip ni shimamura na ito ay isang baguhan. Natagpuan nya ang sarili nya sa babaeng iyon. Humanga si Shimamura sa babaeng iyon na higit pa sa pkikipagkaibigan. Hiniling ni shimamura sa babae na ikuha ito ng isang geisha , inaakala niyang lahat ng geisha ay kapareho ng babae. Sabi ng babae hindi ako pumasok dito para utusan ng ganyan. Nagalit ang babae sa hiniling ni Shimamura na ihanap sya ng isang geisha .

Teoryang Feminismo:

Ang Teoryang Feminismo ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae.

Pagka Peminismo ng Akda:

Pagka Feminismo ng mga Tauhan sa Akda:

Ang mga Tauhan ay nagpakita ng pagka Feminismo sapagkat sila ay nakikipaglaban sa paghuhusga ng ibang tao sa kanila katulad ng kay Komako. Makikita din natin dito ang maling pagturing sa mga kababaihan sa kanilang Lugar.

Iba pang Halimbawa ng

Teoryang Feminismo:

Makikita natin dito ang Hindi pagkapantay pantay na Pagturing sa mga Kababaihan at Kalalakihan dito.

-Kesa at Morito

-Kay Estella Zeehandelaar

Mga Tauhan sa Akda:

I. Linggwistika

-Shimamura ay isang Lalaking naghahanap ng Aliw at Kalinga ng isang Babae, kaya nangangailangan ng Geisha.

-Komako isa siyang Babaeng Malinis at Sariwa base sa paghahambing sa kanya sa Akda. Siya ay Inampon ng isang Titser. Siya ay naging isang Geisha o Isang bayarang Babae.

-Yoko siya ang Batang kasama ni Komako sa Bahay.

Konotasyon:

Denotasyon:

Bundok - Mga Problema o Pagsubok na hinaharap.

Bukang Liwayway - Nagpapakita ng Bagong Pag asa.

Ulan - Nagpapahayag ng Pagpapala.

Niyebe - Mga Pagpapalang Hindi mo Inaasahan.

Bukal - Pagdaloy ng Ginhawa.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

Malalim na Salita o Hiram na Salita

mula sa Akda:

Bundok - Isang malaking kumpol ng lupa at bato, na umuusli pataas na maihahambing sa tamang antas ng lupa o sa paligid na kapatagan.

Bukang Liwayway - Pagsikat ng Araw.

Ulan - Tubig na bumabagsak mula sa ulap.

Niyebe - Kulay puting tulad ng ulan na bumabagsak sa Kalangitan. Kalimitang makikita o Mararanasan sa mga Lugar ng nasa taas ng Ekwador.

Bukal - Anyong tubig na karaniwang pinagliliguan tuwing tag-init. Tinatawag rin itong Hot Springs. Ginagawa itong pangggamot sa ilang karamdaman at sa rayuma lalo na ng matatanda.

Pagkilala sa may Akda:

Paksa ng Kwento:

Rogelio Sikat

Yasunari Kawabata:

Kapanganakan: 14 Hunyo 1899

Osaka, Japan

Kamatayan : 16 Abril 1972 (edad 72)

Zushi, Kanagawa, Japan

Trabaho : Writer

Nasyonalidad: Japanese

Etnisidad: Japanese

Pagkamamamayan: Japanese

Panahon: 1924–1972

Henero: Novels, short-stories

(Mga) Parangal: Nobel Prize in Literature 1968

Ang Paksa ng kwento ay Kalungkutan, Pagkasidhi ng imposibleng pag-iibigan, kalunos-lunos na kaparangan sa kagandahan at pag-iibigan, ang tradisyonal na tema ng ''mono no aware'', ang kamalayan ng kagandahan at kapanglawan sa pansamantalang imahe ng kalikasan, buhay at kaugnayan ng bawat tao. Ang ''Lupain ng Taglamig'' ay isinalin mula sa orihinal na nobelang ''Yukiguni''. Ang kwento ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang magkaibang tao--isang lalaking masasabing kabilang sa mga nasa gitnang uri at isang geisha na may mababang sosyal na katayuan.

Obi - Isinusuot sa Bewang o mahahalintulad din na Sinturon.

Geisha - Isang Babaeng Bayaran.

Kabuki - Isang Sayaw na may halong drama na Itinatanghal sa mga Tanghalan o Teatro.

Kimono - Pambansang Kasuotan sa Japan.

Samisen - Isang Instrumento sa Japan na Katulad ng Isang Gitara.

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1939-1996) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Pinagmulan ng Pamagat ng Akda:

Ang Pamagat ng kwento ay ibinase sa tagpuan ng kwento, sa isang lalawigan sa Japan na nakakaranas ng matinding taglamig tuwing Disyembre. Ang tagpuan ng kwento ay sa maniyebe na kabundukan sa Kanluran ng Japan.

Si Edward Seidensticker ay isang kilalang iskolar at tagapagsalin ng mga literaturang Hapon. Siya ang nagsalin ng ''Yukiguni'' sa wikang Ingles at pinamagatan itong '"Snow Country.'' Maliban sa pagsasalin, nagsusulat din siya sa Japan. Ipinanganak siya sa Castle Rock, Colorado at nag-aaral ng wikang Hapon sa University of Colorado. Pinag-aralan din niya ang literaturang Hapon sa Harvard University at University og Tokyo.

Samantala, ang nagsalin ng nobela sa wikang Filipino ay si Rogelio Sikat. Siya ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

Ito ay isinulat upang ipakita ang pag-iibigan sa dalawang magkaibang tao. Ang orihinal na akda sa wikang Hapon nito ay isinulat batay sa istraktura ng Haiku. Ang Haiku ay isang uri ng tulang Hapon na binubuo ng 17 na pantig, may tatlong linya na may pagkasunod-sunod na 5, 7 at 5. Ang akda ay tungkol sa pagmamahal, pagnanasa, kagandahan, pagkalungkot at kawalan. Ang ''Lupain ng Taglamig'' ay masasabang kwento tungkol sa babae at lalaki, mayaman at mahirap, bayan at lalawigan, tradisyon at pagbabago, kanluran at silangan, at ang panandaliang paglitaw ng bagay-bagay. Ang akda ay may pinaghalong sangkap ng kultura at kalikasan.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi