Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Panitikan sa Panahon bago dumating ang Kastila

Fil 13-11 TF 3:00-4:30
by Carlo Toquero on 23 June 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Panitikan sa Panahon bago dumating ang Kastila

Karaniwang pasalindila
Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno
Nagpapatunay na may sibilisasyon /kabihasnan na ang mga katutubo sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila
Matatagpuan din sa mga palayok, banga, kawayang bumbong atbp. kung nakasulat
Mga Bahagi ng Panitikang Filipino
Bago Dumating ang mga Kastila

Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Indones
Ang ating mga ninuno, kilala sa mga katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mga karunungang-bayan kabilang ang Alamat noon pa mang 1300 AD.
Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang pangkat ng mga Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na binubuo ng mga mitolohiya, alamat, kuwentong bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya’y sumasamba sila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila sa pamahiin.
1. Panahon ng mga Alamat at mga Katangian nito
Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain, sawikain, kasabihan at palaisipan. Karamihan ang mga ito’y nanggaling sa mga Tagalog at hinugot sa mga mahahabang tula. Ang mga unang salawikain at sawikain ay may pagkakatulad sa ma tula ng Indiya, Indonesya, Burma at Siyam. Ito’y nagpapatunay lamang na noong unang panahon ay nagdala ang mga bansang nabanggit ng impluwensiya ng kanilang panitikan sa Pilipinas.
2. Mga Kaalamang Bayan
BUOD
Malaki ang naiambag ng ating mga kalapit bansa sa panitikang Filipino. Ang mga unang nanirahan sa Pilipinas ay mga Ita na walang masasabing kultura kundi ang pagpana ng kanilang makakain at ilang awitin. Ang mga bansang nandayuhan at nag-ambag ng kanilang panitikan sa Pilipinas ay ang Indonesya, Malaysia, Indiya, Tsina, Persya, Malacca, Kambodya at Arabia.
Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Malay
Ang mga Malay ang sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan. Sila din ay may pananampalatayang pagano tulad ng mga Indones. Mayroon din silang mga dalang alamat, kwentong-bayang at mga karunungang bayan. Tinuruan din nila ang ating mga ninuno ng alpabetong tinatawag na Alifbata o Alibata. Naisatitik ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato ang ilan sa mga alamat sa pamamagitan ng mga matutulis na kahoy, bato o bakal ng dahil sa Alibata. Higit na lumaganap ang ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang "Maragtas" at "Malakas at Maganda" sa panahong ito.
Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Indyano
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula o ang "Panchatantra", unang dulang epiko o ang "The Clay Art" ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa, ang dakilang tulang epiko o ang "Mahabharata" at "Ramayana" at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig o ang "Bhagavad Gita" ang nagpayaman sa panitikan ng mga Indyano sa ating bansa.
Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Intsik
Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik.
Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Bumbay
Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan at liriko. Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga ito’y, guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.
Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Arabe at Persyano
Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat.
Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Kambodyan
Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay naging napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo Tsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa.
Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Malacca
Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah. Sinasabing ang karaniwang pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.
a. Ang Bulong
Ang bulong ay isang uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mga unang Pilipino. Isa pang pagbulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang nuno sa punso.
Sumpain siya at paluwain ang kanyang mga mata
Pamagain ang kanyang buong katawan
Hanggang siya ay mawalan ng hininga
Bulong ng mga Tagalog kung ang bata ay nabubungian ng ngipin. Bago ihulog ang ngiping nabungi sa pusali ay bubulonh ang bata ng ganito...
Dagang malaki, dagang maliit
Heto ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan mo ng magandang kapalit
b. Kasaysayan ng Alamat
Bago pa dumating ang mga Kastila ay mayaman na ang mga Pilipino sa alamat. Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyang kinasasalaminan ng mga matatandang kaugaliang Pilipino at nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng isang bagay, pook o pangyayari. Ang pangyayari’y hindi makatotohanan at hindi kapanipaniwala.
"Alamat ng Hayop na Nagka-pakpak para Lumigaya ang Dalaga"
"Ang Alamat ng Bigas"
"Ang Alamat ng Bundok ng Pinatubo"
"Ang Batik ng Buwan" - Cebuano
"Ang Unang Unggoy" _ Bikol
"Ang Pinagmulan ng Makapuno" - Apayao
Ang panitikan sa panahong ito ay:
a. Ang Bugtong
Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito’y binibigkas ng patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
Halimbawa:
Baboy ko sa pulo,
Balahibo'y pako
-Langka
May binti walang hita
May tuktuk walang muka
-Kasoy
Narito na si Ingkong
Bubulong-bulong
-Bubuyog
b. Ang Salawikain
Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal. Ito’y patulang binibigkas na may sukat at tugma. Ito ang nagsilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilos noong panahon ng ating mga ninuno.
Halimbawa:
Ang lumalakad ng matulin
Kung matinik ay malalim
Pag may isinuksok
May madudukot
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin
c. Ang mga Sawikain
Ang sawikain, bagaman patula rin at may sukat at tugma ay iba kaysa salawikain sapagkat’t ito’y nagpapahayag ng katotohanan at nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao.
Halimbawa:
Daig pa ng maagap
Ang taong masipag
Ngayon kakahigin
Ngayon tutukain
Utos na sa pusa
Utos pa sa daga
d. Ang Panunudyo
Ang mga kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng ibang tao. Ito’y patula rin.
Halimbawa:
Tiririt ng maya
Tiririt ng ibon
Ibig mag asawa
Walang ipalamon
Bata batuta
Sumuot sa lungga
Kinain ng daga
Ikaw'y isang lalaking maliksi
Susong gumagapang
Hindi mo mahuli
Isa, dalawa, tatlo
Ang tatay mong kalbo
Isa, dalawa, tatlo
Ang tatay mong payat
Halimbawa:
Kung ang aking bigas ay ninakaw ng sinuman...
Halimbawa:
e. Ang Palaisispan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Kahit na sa paaralan ngayon ay ginagamit na ang palaisipan sapagka’t ito’y isang paraan upang tumalas ang isipan ng mga mag-aaral.
Halimbawa:
Sa isang kulungan, ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan, ngunit lumundag ang isa. Ilan ang natira?
Ang isang matsing ay nagbabantay sa isang puno ng manggang hitik na hitik sa bunga. Walang makakuha ng mga bunga sapagka't napakabagsik ng matsing. Paano ngayon ang ginawa ng isang binata upang makakuha ng mangga?
May isang hari na ayaw paligawan ang kanyang anak na prinsesa kaya't ipinagpagawa niya ng isang mataas na kastilyong walang makakapasok kung hindi siya. Pinabantayan niya lahat ng mga pintuan sa mga tanod na bunot na lahat ang mga espada. Paano ngayon ang ginawa ng isang prinsipe upang kanyang maitanan ang prinsesa?
f. Ang mga Unang Dulang Filipino
Ang unang dulang Pilipino ay patula rin ang usapan. Nang dumating ang mga Kastila ay may nadatnan na silang mga dulang ginaganap sa iba’t-ibang pagkakataon. Ang mga ito’y ginaganap na kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa kani-kanilang mga pinuno at bayani.
Halimbawa:
a. Mga unang dula
1. "Warang Otang" at " "Wayang Purya"
-Dula ng mga Bisaya. Isang dula ng pananampalataya. Ang usapan ay patula at may kasamang awit at sayaw. Inilalarawan sa dulang ito ang kapangyarihan ng kanilang bathala sa pagpaparusa.
2. "Embayoka" at "Sayatan"
- Dula ng mga Muslim sa Hulo at sa Lanaw. Ito'y isang dulang pagtatalo na kahawig ng balagtasan ng mga Tagalog. Karaniwan ay isang lalaki at isang babae lamang ang nagsisiganap. Hanggang ngayon ay pinalalabas pa ang dulang ito sa Mindanao. Ang sayatan naman ay isang dulang may awitin, tulaan at sayawan.
3. "Bulong"
-Ito ay maari ding isama sa uri ng dula sapagkat ito'y may diyalogo. Ang dula ay hindi lamang itinatanghal kundi ito'y talagang ginaganap sa tunay na buhay na kaugnay ng pananampalataya, pamahiin o paniniwala at panggagamot.
Tayo'y may kinagisnang mga tulang paawit kagaya ng:
kundiman
kumintang
oyayi
talindaw
diana
suliranin
dungaw
dalit
Halimbawa:
b. Mga Epikong Pilipino
"Bantugan" ng mga Muslim
"Indarapatra" at "Sulayman" mula sa Maguindanao
"Bindasari" ng mga Malay
" "Parang Sabil" mula sa Sulu
"Daramoke-A-Babay" na karugtong ng Bantugan
Ang mga alamat ay laganap din. Naniniwala ang ating mga ninuno sa mga ispiritu at iba pang mga anito, kaya't ang mga alamat ay sagana sa mga kababalaghan. Ilan sa mga alamat ay ang mga sumusunod:
Alamat ng Hayop na Nagkapakpak para Lumigaya ang Bulaklak
Ang Alamat ng Bigas
Ang Alamat ng Bundok ng Pinatubo
Alamat ng Bundok Mayon
Ang Batik ng Buwan
Ang mga unang tulang Filipino ay binubuo ng mga Epiko, Salawikain, Bugtong at Kasabihan. Ang mga ito'y hindi nasusulat. Ito'y mga saling bibig lamang mula sa ating kanunununuan hanggang sa ngayon.
Sa dulang patula ay mayaman din ang ating bansa. At ang unang dula'y ang "Wayang Orang" at "Wayang Purwa" ng mga Bisaya, ang "Embayoka at Sayatan" ng mga Muslim at "Bulong" ng mga Tagalong.
Inihanda nina:
Carlo Dae Toquero,
Manilyn Bautista,
Rhency Manalaysay,
Quejay Baga
See the full transcript