Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Paraan ng Paglinang ng Wikang Akademiko

No description
by Nicole Vitug on 3 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Paraan ng Paglinang ng Wikang Akademiko

Paraan ng Paglinang ng Wikang Akademiko
Ang salitang akademya ay may kaugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon na haligi sa pagtatamo ng mataas na karunungan. Kasama rito ang iba’t ibang elemento o komponent upang mabuo ito tulad ng mag-aaral, guro, administrador, kurikulum, silabus at iba pa.

Ang wikang Filipino bilang akademikong wika ay masasabi nating nakatutugon na sa pangangailangang pang-akademiko sa kasalukuyan. Subalit marami pa rin ang hindi matanggap ang katotohanang ito sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay nakikita pa rin ang prestihiyo ng wikang Ingles lalo na sa usaping pang-agham at teknolohiya.
Ang problema rito ay hindi ang wika, kundi ang mga taong gumagamit. Mahabang panahon din at ilang yugto tayong napailalim sa pananakop ng ibang bansa, kaya hindi nakapagtataka kung lumabas ang mga panunuligsa ng karamihan sa kakanyahan ng wikang Filipino na magamit sa mataas na antas ng diskurso.
Akademikong Filipino
Ayon kay Vivencio Jose, sa kanyang sanaysay mula sa aklat na Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan (1996), kung gagamitin natin ang Filipino para sa pambansang pagpapalaya, kailangang maging tagapaghatid at tagapagtaguyod ito ng mga ideya, konsepto, teorya, ideyal, layunin at sentimyentong mapagpalaya.

Sa pagpasok ng taong panuruan 2012-2013, epektibo na ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo sa mga paaralan sa bansa sa bisa ng House Bill 3719. Isa itong magandang hakbang upang magkaroon ng tuwid na landas ang edukasyon sa Pilipinas. Gayon man, kailangan pa rin ang pagtutulungan ng lahat- mula sa akademya, institusyong pangwika, mamamayang Pilipino at higit sa lahat, ng mga ahensya ng pamahalaan upang tiyak na magkaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon at mapaningning pa ang Wikang Filipino.
Ayon kay Salazar, mainam na tangggapin ang wikang Filipino at pag-ukulan ng ng sikap ang pagpapayaman nito.
ang paggamit ng wikang filipino ay patunay lamang ng kasapatan sa mga nangangailangan nito, dahil dito nagsimula ang pagdududa sa kakayahan ng ating wika at dahil dito ang pagkakaroon ng kaalaman sa Ingles ay itinuturing na karunungan.
See the full transcript