Prezi

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in the manual

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Sanaysay

No description
by ivee de asis on 19 July 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Sanaysay

SANAYSAY
Basahin ang pahayag at ibigay ang kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino
lolo, halika ka po, sumabay na po kayo sa pagtawid..
Naku, diyan mo na lang itapon iyang basura at wala namang nakatingin..
Huminto tayo at ating ilagay ang ating kanang kamay sa ating dibdib. Sumabay tayo s apag-awit ng pambansang awit.
Sabihin mo nga sa matandang iyan na tumigil na siya.

Lihim na mga Salita, Tuklasin
Ako ang simula ng Buhay
At simula pa rin ng Umagang kayganda
Gitna ng buHay na kongkreto
At simula ng Araw-araw na biyaya
At katapusan ng bagaY
Natuklasan mo ba kung anong salita ako?
Tama, ang salita ay buhay

Ako ang simula ng katotohanan
At katapusan ng tapat na pagsinta
Ako ang matatagpuan sa unahan ng ligaya
Ngunit nasa gitna ng kawalan
Ako ang simula ng yaman ng bawat bansa
At simula rin ng alab ng puso
Ako ang katapusan ng pag-asa
Ngunit simula ng nabuhay na pangarap
Hulaan mo ang salita

Simula ako ng elementog pinag-uusapan
At katapusan ng mabagal na pag-unlad
Ako ang nasa unahan ng ulap na bughaw
Ako pa rin ang simula ng katahimikan
Nasa gitna ng malakas na tawanan
Ako ang nasa unahan ng simula
At simula pa rin ng yukong walang humpay
Ako ang katapusan ng musikang kulang sa tono
At wakas ng nanay na 'di matagpuan
Hulaan mo ang salita
Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y Realonda ( Jose P. Rizal )
Ibigay ang kanyang Talambuhay, pagkatapos sagutan ang ss:
Ang Katamaran ng mga Pilipino
ni: Dr. Jose P. Rizal
Tanong:
Tungkol saan ang Sanaysay?
Isa-isahin ang dahilan ng sinasabing katamaran ng mga pilipino. Isulat sa notbuk ang sagot.
Sa iyong palagay, makatwiran ba ang mga puna ng sumulat tungkol sa kalagayang panlipunan sa kanyang panahon?
Sa iyong palagay, bakit isinulat ng bayani ang Sanaysay?
Sa kasalukuyan, naniniwala ka bang tamad ang mga pilipino?
Ipaliwanag :

Ang pangunahing sanhi ng katamaran ng mga pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon.
Ang sipag at tiyaga ng mga pilipino ay nawal dahil sa maling sistemang ipinairal ng mga Español.
Ang hindi mabubuting ugali ng mga Español ay nagpalala sa katamaran ng mga pilipino.

Ang mga kalagayang panlipunan tulad ng:
Pirata, mandarambong - sinalakay
Gobernador - abusado
Sistema ng edukasyon - baguhin
Malupit na sistema - palitan
SANAYSAY
-
Sinasabing ang sanaysay bilang akdang pampanitikan ang huling nakita ng liwanag sa larangan ng panitikan. Ito ay naglalahad ng opinyon, at pananaw ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa.

Uri ng Sanaysay:
Pormal - tumatalakay sa seryosong paksa, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan. Gumagamit ng uri ng wika na mataas o istandard.

Di - Pormal - magaan ang tema nito tulad ng paghihintay ng bus, kahit na ang tulog. lengguahe ay tulad ng nakikipag - usap lamang.


Tiyak na Uri ng Sanaysay:
May 12 natatanging uri ng sanaysay:
pasalaysay
naglalarawan
magpadili-dili
kritikal o mapanuri
didaktiko o pangaral
nagpapaalala
editoryal
maka-siyentipiko o agham
sosyo-politikal
pangkalikasan
bumabalangkas sa isang tauhan


Tanong:
Natuklasan mo ba kung paano mahuhulaan ang mga salita?
Tuklasin mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng pangunahin at pantulong na kaisipan sa pagbuo ng sanaysay?
Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon?
Gawain blg. 1
Matapos mong basahin ang mahalagang tala sa buhay ng pambansang bayani, subukin mong isulat ang mga kaisipang naibahagi nito sa pamamagitan ng pagdurugtong ng pahayag:

Nabatid ko na ang buhay ni Dr. Jose Rizal ay __________________
Hindi maikakaila ang marubdob na pagmamahal niya sa bayan dahil ________________________
Bilang mag-aaral, nais kong __________________
Panuto: Suriin ( batay sa tiyak na uri ng sanaysay ) ang mga mungkahing pamagat ng sanaysay.

1. Si Papa at Mama
2. Bakit Nagkakaroon ng Climate Change?
3. Ang Laki sa Layaw: Aral ng Buhay
4. Ang Pulitika sa Pilipinas
5. Isang Gabing Pagninilay
TAKDANG - ARALIN BLG 16

Humanda sa pagsulat ng Sanaysay.
Magdala ng isang Editoryal na matatagpuan sa isang Pahayagan.
Magdala ng Papel na may Disenyo
See the full transcript