Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Paggalaw ng Mundo

No description
by

Karla Louisse Barnachea

on 29 June 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Paggalaw ng Mundo

Ang Rebolusyon o Pagligid ng Mundo sa Araw
Habang umiikot ang mundo sa sarili nitong aksis, lumiligid naman ito sa araw. Ang pagligid ng mundo sa araw ay tinatawag na rebulosyon. Tulad ng rotasyon, ang rebolusyon ay mula kanluran pasilagan.

Ang isang buong rebolusyon ng mundo ay umaabot sa 365 1/4 na araw. Isang buong taon ang tagal ng isang kumpletong pagligid na ito.

Mapapansin na ang bilang ng araw ng isang buong rebolusyon ay may labis na 1/4.
Natutuhan ko
May dalawang uri ang paggalaw ng mundo: ang rotasyon o ang pag-ikot nito sa sariling aksis, at ang rebolusyon o ang pagligid nito sa araw.

Ang rotasyon ang dahilan ng pagkakaroon ng araw at gabi.
Phase 1
Phase 2
Phase 3
Mga Paggalaw ng Mundo
Thank you!
May mga paggalaw ang ating mundo. Napatunayan ito sa mga pag-aaral ng mga siyentista tungkol sa kalawakan. Taliwas ito sa mga sinaunang paniniwala na ang araw ang gumagalaw at lumiligid sa mundo.

Batay sa mga pag-aaral na isinasagawa, ang mundo ang lumiligid sa araw. Bukod dito, umiikot din ang mundo sa sarili nitong aksis. Kung nakakita ka na ng isang trumpo, ang pako nito ang katumbas ng aksis ng mundo.

Ang aksis ng mundo ay naglalagos mula sa dulo ng Timog Polo hanggang Hilagang Polo. Ngunit hindi ito nakikita. Bagkus ito ay isa ring likhang-isip, tulad ng mga guhit sa globo.

Ang Rotasyon o Pag-ikot ng Mundo
Ang pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis ay katulad ng pag-ikot ng isang trumpo. Hindi nga lamang ito kasimbilis ng pag-ikot ng trumpo.

Ang paggalaw na ito ng mundo sa kanyang aksis ay tinatawag na
rotasyon.
Nagmumula sa kanluran ang rotasyon, papuntang silangan.

Ang isang kumpletong rotasyon ng mundo ay umaabot sa 24 na oras. Katumbas ito ng isang araw.
Araw at Gabi
Ang pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis ang dahilan na pagkakaroon ng araw at gabi. Sa pag-ikot na ito, may mga oras na isang bahagi lamang ng mundo ang naaarawan. Maliwanag sa bahaging ito dahil araw dito.

Kapag ang isang bahagi ay nakaharap sa araw, ang kabilang bahagi naman nito ay hindi nasisinagan ng araw. Madilim sa bahaging ito dahil gabi na rito.
Ang Temperatura Kung Araw at Gabi
Ang antas ng init ng kapaligiran ay tinatawag na temperatura. Maaari itong bumaba o tumaas ayon sa natatanggap na init mula sa araw.
Ang lahat ng nasisikatan ng araw ay umiinit. Habang tumitindi ang sikat ng araw, tumitindi rin ang init na natatanggap ng nasisikatan nito. Sumisingaw sa paligid ang init na ito, na siyang dahilan ng pagtaas ng temperatra kung araw.
Habang lumulubog naman ang araw, bumababa na rin ang temperatura. Kaya pagdating ng gabi, higit na malamig na ang nararamdaman kaysa sa araw.
Sa paglalim ng gabi, nawawala na ang lahat ng init na natanggap mula sa
araw. Ito ang dahilan kung bakit lalong alamig sa bandang madaling-araw.
Tuwing ikaapat na taon, ang labis na ito ay
pinagsasama upang makabuo n isang araw. Idinaragdag
ito sa bilang ng araw ng buwan ng Pebrero, kaya tuwing
ikaapat na taon ay nagiging 29 ang kabuuang bilang ng
araw sa buwang ito.
Makikita sa larawan ang rotasyon at
rebolusyon. Ito ang dalawang uri ng paggalaw ng mundo. Hindi natin nakikita o nararamdaman ang mga paggalaw na ito dahil sa bilist lawak ng mga ito.
Full transcript