Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

MGA KONTRIBUSYON NG MGA PANGULO SA WIKANG PAMBANSA

No description
by

Karen Lomboy

on 25 June 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA KONTRIBUSYON NG MGA PANGULO SA WIKANG PAMBANSA

MGA KONTRIBUSYON NG MGA PANGULO SA WIKANG PAMBANSA
RAMON MAGSAYSAY
Noong ika-23 ng Setyembre 1955, idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon bilang Linggo ng Wika. Ang selebrasyon nito ay palaging nagtatapos sa kaarawan ni Quezon, ang taong unang nagsulong ng paglikha ng isang pambansang wika.Higit niyang pinalawig ang paggamit ng Wikang Pambansa at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.

FERDINAND MARCOS
WAKAS :)
a 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.

Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

MANUEL QUEZON
CORAZON AQUINO
Agosto 12, 1988- Inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 upang pagtibayin ang pagdideklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Agosto 13 hanggang 19 kada taon

Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

FIDEL RAMOS
ATAS NG PANGULO NG PILIPINAS

PROKLAMASYON BLG. 1041

NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG

TUWING AGOSTO 1-31 BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

SAPAGKAT, ang pagpapahalaga sa isang katutubong wikang pambansa ay pinatutunayan ng pagkakaroon ng kaukulang probisyon sa Saligang-Batas ng 1898, 1973 at 1987;

SAPAGKAT, ang isang katutubong wikang panlahat ay mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa;

SAPAGKAT, ang katutubong wikang nagsisilbing batayan ng nililinang, pinauunlad at pinagyayaman pang wikang pambansang Filipino ayon sa itinakda ng Saligang-Batas ng 1987, ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa Himagsikan ng 1986 tungo sa pagkakamit ng Kasarinlan na ang ika-100 Taon ay kasalukuyang ipinagdiriwang at ginugunita ng sambayanang Filipino;

SAPAGKAT, ang dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong Agosto 19, 1878;

DAHIL DITO, ako, si FIDEL V. RAMOS, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, sa pangunguna ng mga pinuno at kawani sa sector ng pamahalaan, mga pinuno at guro sa sector ng edukasyon, mga kinatawan ng pakikipag-ugnayang pangmadla, mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang organisasyong pangwika, pang-edukasyon, pangkultura at sibiko, at mga organisasyong di-pampamahalaan.





Full transcript