Ang Interaksyon ng Suplay at Demand
By: Rene Cadayona Jr and Jason Clyde Mendoza
Ang Ekilibriyo
Ekilibriyo
Kakulangan (shortage)
Kalabisan at Kakulangan: Epekto ng Tunggalian ng Suplay at Demand
Ang PRESYO NG BILIHIN sa pamilihan ang nagtatakda kung ano ang magiging reaksyon ng mamimili at prodyuser o negosyante. Kung matatandaan, nakasaad sa batas ng demand na kapag mataas ang presyo ng bilihin, ang dami ng demand ay mababa. Kapag mababa naman ang presyo ng bilihin, ang dami ng demand ay mataas.
tumutukoy sa sitwasyon na kung saan ang dami ng suplay sa pamilihan ay mas mababa kaysa sa dami ng demand
ang sitwasyon na kung saan ang demanda ay katumbas ng suplay sa isang takdang presyo
Ekilibriyo sa dami
Kalabisan (surplus)
ang tanging dami na kung saan nagkasundo ang mamimili at prodyuser o negosyante
ang sitwasyon kung saan ang dami ng suplay ay mas mataas sa dami ng demand
Ekilibriyo sa presyo
ang tanging presyo na kung saan nagkasundo ang mamimili at produsyer o negosyante
Sa batas ng suplay naman, nakassad na kapag ang presyo ng bilihin ay mataas, ang dami ng suplay ay mataas. Kapag mababa naman ang presyo, mababa rin ang dami ng suplay.
Ang kalabisan at kakulangan ang dalawang sitwasyon na maaaring mangyari habang nagtutunggalian sa pamilihan. Sa pamilihan ay may hindi nakikitang salik na nakatutulong para magkasundo ang mamimili at ang prodyuser o negosyante. Tandaan na kapg mataas ang presyo ng bilihin, hindi nito nahihikayat ang maraming mamimili na bumili. Kung kaya, tumataas ang suplay sa pamilihan na nagiging dahilan ng kalabisan. (surplus) sa mga produkto.
Ang ekilibriyo ay ang sitwasyon kung saan ang demand ay katumbas din ng suplay sa isang takdang presyo. Ibig sabihin, nagkakasundo ang prodyuser o negosyante at ang mamimili sa presyo at dami ng kalakal o serbisyong isusuplay at bibilhin. Kung saan ang kakasundo ang mamimili a t ang prodyuser o negosyante sa isang tanging presyo, mayroong ekilibriyo sa presyo (equilibrium price).