Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

DIS

No description
by

Marion James Tarnate

on 22 January 2017

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of DIS

"Human Rights are something you were born with. Human rights are your God given rights. Human Rights are the rights that are recognized by all nations of this earth"
- Melcolm X
ILAN SA MGA ANYO NG PAGLABAG SA KALAYAAN SA DISKRIMINASYON AT ANG MGA BATAS NA PUMOPROTEKTA DITO

ILANG MGA GAWAING DISCRIMINATORY
MGA PARUSA

Labag sa batas na ang sinumang tao, natural o juridical man, ay:

a.)
Magkait ng access sa serbisyo publiko, kabilang ang serbisyong militar, sa sinuman dahil sa oryentasyong sekswal at/o pagkakakilanlang pangkasarian;

b.)
Ibilang ang oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian, gayundin ang paghahayag ng oryentasyong sekswal, sa mga pamantayan sa hiring, promosyon at pagtatanggal sa trabaho, at sa pagtatakda ng sahod,treyning, insentibo, pribilehiyo, benepisyo o allowances, at sa iba pang tuntunin at kondisyon sa pagtatrabaho;

c.)
Ipagkait sa isang tao ang serbisyong medikal at iba pang serbisyong pangkalusugan na bukas para sa pangkalahatang publiko, nang dahil sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang ng nasabing tao;

d.)
Ipailalim ang sinuman sa anumang eksaminasyong medikal o sikolohikal upang alamin at/o baguhin ang oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao, nang walang malinaw na pagsang-ayon ng taong iyon, maliban na lamang kung ang nasasangkot ay menor-de-edad na wala pang sapat na kakayahang magpasya, at sa ganoong pagkakataon, kailangan ang pagsang-ayon ng kaukulang Family Court. Sa nasabing pangyayari, ang bata ay kakatawanin ng Solicitor General o ng kanyang awtorisadong kinatawan sa mga proceeding;


a.)
Ang mga taong mapapatunayang nagkasala ng anumang discriminatory practices na inhanay sa mga seksyong napahayag ay mumultahan nang hindi bababa sa Dalawandaan at Limampung Libong Piso (P250,000) ngunit hindi hihigit sa Limandaang Libong Piso (P500,000) o ikukulong nang hindi bababa sa isang (1) taon ngunit hindi hihigit sa anim (6) na taon, o papatawan ng dalawang nasabing parusa, ayon sa diskresyon ng korte.
b.)
Ang mga opisyal na direktang sangkot ay maaakusahan ng mga paglabag ng mga korporasyon, organisasyon, o kawangis na entidad.
c.)
Dagdag ring parusa sa mga nagkasala, ayon sa diskresyon ng korte, ang community service timesa anyo ng edukasyon sa mga karapatang pantao at exposuresa kalagayan ng mga biktima.

Monday, January 23, 2017
Group 1
Article No. 2 Freedom from Discrimination
KARANASAN MULA SA DISKRIMINASYON

Ang kahulugan ng Diskriminasyon ay upang tratuhin ang mga indibidwal o isang grupo ng mga tao naiiba dahil sa lahi, relihiyon, kasarian, edad, kapansanan, pisikal na kilos, nasyonalidad, at sekswal na oryentasyon.
Ang mga tao ay nakararanas ng diskriminasyon kahit saan man sila magpunta. Maaaring sa sariling lahi o pangdayuhan man. Ito ay isa sa mga bagay na masakit para sa karanasan ng isang tao ngunit hindi ito mawawala sa ating lipunan dahil sa iba’t ibang klase nating paningin sa ating sarili at sa ibang tao. Ang Pilipinas ay hindi makakatakas sa pang-aapi at diskriminasyon, lalo na sa mga tao na may kapansanan o kaya naman ay naiiba sila sa ibang tao. Ang diskriminasyon ay hindi nakakabuti sa ating lipunan dahil marami itong negatibong epekto sa isang indibidwal na makaresulta sa pagpatay o wala nang kumpyensa sa sarili.

UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS
Diskriminasyon batay sa lahi, kulay, relihyon o pananampalataya, kasarian, o nasyonalidad -
Civil Rights Act of 1964 
Diskriminasyong pansahod batay sa kasarian -
Equal Pay Act of 1963
Diskriminasyong batay sa gulang/edad –
Age Discrimination in Employment Act of 1967
Diskriminasyong batay sa kapansanan - una at ika-limang titulo ng 
Americans with Disabilities Act of 1990
Kung naniniwala kayo na nilalabag ang inyong karapatan dahil sa diskriminsayong pantrabaho -
Equal Employment Opportunity Commission
Diskriminasyon dahil sa lupang tinubuan, ninuno, kalinangan, o pananalita ng isang tao.

MGA RESPONSIBILIDAD

Dapat walang uri ng pagtatanggi sa lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan ng isang tao.
Ang bawat tao, hindi alintana ang kasarian, pinagmulan, katayuan sa lipunan, wika, edad, relihiyon, nasyonalidad, ay may pananagutan na pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan.
Walang pagtatanging gagawin batay sa katayuang pampulitika, hurisdiksiyunal o pandaigdig na kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng isang tao, maging ito ay nagsasarili, itinitiwala, di-nakapamamahala sa sarili o nasa ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya.


Article No. 4 Freedom from Slavery

Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang pangangalakal ng alipin.

Ang pang-aalipin ay isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o tintratro ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin na labag sa kanilang kalooban mula nang sila'y nabihag, nabili o sinilang, at inaalisan ng karapatan na magbakasyon, tanggihang magtrabaho, o tumanggap ng bayad (katulad ng sahod). Maaaring bumilang sa kamakailan lamang gamit ng mga katawagang "pang-aalipin" o "alipin" ang metaporikal at analogong mga gamit na nailalapat sa mga mababang anyo ng sapilitang trabaho.

BATAS LABAN SA TRAFFICKING RA 9208

Ito ay ang panghihikayat, pagbabyahe, paglilipat, pamamahala, pagtatago o pagtanggap ng mga tao, may pahintulot man o wala ng biktima, sa loob man, patungo o palabas ng bansa, sa pamamagitan ng pagbabanta o puwersa, o anumang uri ng pamimilit,  panlilinlang, pang-aabuso ng kapangyarihan o katayuan, pananamantala sa kahinaan ng iba, o ang pagbibigay o pagtanggap ng kabayaran o benepisyo upang makamit ang pahintulot ng isang tao na may awtoridad o superbisyon sa iba, na may layon ng pananamantala at pang-aabuso, kabilang ang prostitusyon, sapilitang paggawa, at pagbebenta ng parte ng bahagi ng katawan ng tao.  


Ang mga aktong itinuturing na paglabag sa ilalim ng batas:

Pangangalap, pagbabyahe, pagtataglay, pagbibigay o pagtanggap ng tao sa anumang paraan, na may pangako ng trabaho, lokal man o sa ibang bansa, para sa nakatagong layunin ng prostitusyon, pornograpiya, sapilitang trabaho o pang-aalipin.
2Ang pagpapakilala o pagpapares para sa kita o anumang uri ng materyal o ekonomikong benepisyo, sinuman, kabilang ang babaeng Pilipina, sa isang banyaga, para sa kasal na may layong makamtan, mabili, maipagbili o maipagpalit ang biktima at kalauna’y isangkot sya sa prostitusyon, pornograpiya, sekswal na pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.
Ang pag-aalok ng kasal, peke man o hindi, upang makamtan, mabili, maipagbili o maipagpalit ang biktima at kalauna’y isangkot sya sa prostitusyon, pornograpiya, sekswal na pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.

Ang pagbubuo ng mga tourism packages na naglalayong mag-alok ng mga tao para sa prostitusyon, pornograpiya o sekswal na pananamantala.
Ang pagbabayad sa tao para sa prostitusyon o pornograpiya.
Ang pag-aampon o pagtulong sa proseso ng pag-ampon para sa mga layunin ng prostitusyon, pornograpiya, sekswal na pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.
Ang pangangalap, pagtanggap, pag-ampon, paglilipat o pagdukot sa isang tao sa pamamagitan ng pananakot, puwersa o dahas upang tanggalan at ibenta ang bahagi ng katawan ng biktima.
Ang pangangalap, paglilipat o pag-ampon sa isang bata upang siya’y isangkot sa mga armadong pagkilos, sa loob man o labas ng bansa.

Ano naman ang qualified trafficking?

1.  Kung ang biktima ay bata—may gulang na mababa sa 18 o sinumang 18 pataas ang edad ngunit walang kakayahang alagaan ang kanyang sarili laban sa pananamantala sanhi ng anumang pisikal o mental na kondisyon;
2.  Kung ang pag-aampon ay ginawa sa ilalim ng “Inter-Country Adoption Act of 1995” na may layong isangkot ang biktima sa prostitusyon, pornograpiya, sekswal na pananamantala, sapilitang trabaho o pang-aalipin.
3.  Kung ang krimen ay isinagawa ng sindikato--isinagawa ng tatlong tao o higit pa na nagtutulungan o kung malawakan na isinagawa laban sa tatlong tao o higit pa;
4.  Kung ang may sala ay kamag-anak, magulang, kapatid, guardian, o taong may kapangyarihan sa biktima o kung ito ay opisyal o empleyado ng gobyerno;
5.  Kung ang biktima ay dinala sa prostitusyong sangkot ang pulisya o militar at Kung ang may sala ay miyembro ng militar o pulisya.
7.  Kung sanhi ng trafficking, ang biktima ay namatay, nasiraan ng bait, napinsala ang katawan, o nagkasakit ng HIV o AIDS.

PARUSA SA PAGLABAG SA RA 9208

Ang sinumang mapatunayang nagkasala sa ilalim ng Sec. 4 ng RA 9208 ay mapaparusahan ng pagkakulong ng dalawampung (20) taon at magbabayad ng multang hindi bababa sa isang milyong piso (P1,000,000.00) ngunit hindi tataas sa dalawang milyong piso (P2,000,000.00).
Ang sinumang mapatunayang nagkasala sa ilalim ng Sec. 5 ng RA 9208 ay mapaparusahan ng pagkakulong ng labinlimang (15) taon at magbabayad ng multa na hindi bababa sa limandaang libong piso (P500,000.00) ngunit hindi tataas sa isang milyong piso (P1,000,000.00).
Sa kaso ng qualified trafficking, ang may sala ay mapaparusahan ng habambuhay na pagkabilanggo at magbabayad ng multa na hindi bababa sa dalawang milyong piso (P2,000,000.00) ngunit hindi lalampas sa limang milyong pisyo (P5,000,000.00):
Ang sinumang bibili o magbabayad ng serbisyo ng biktima ng trafficking ay mapaparusahan sa unang pagkakataon ng anim (6) na buwan na community service at magbabayad ng multa na limampung libong piso (P50,000.00). Para sa mga susunod na pagkakataon, ang parusa ay pagkakulong ng isang (1) taon at pagmumulta ng isandaang libong piso (P100,000.00).

Mga Proteksyon ng batas para sa biktima ng trafficking

Upang mapangalagaan ang karapatan ng biktima, ang pagdinig sa kaso ng trafficking ay confidential. Mahalaga ang privacy ng biktima at akusado sa anumang antas ng imbestigasyon ng kaso.
Hindi rin maaaring parusahan ang biktima para sa mga krimeng nagawa lamang bilang pagsunod sa mga kagustuhan ng may-sala.
Mapasailalim sa witness protection program kung kinakailangan.
Iba pang suportang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan:  Lugar na matitirhan (DSWD), Counseling (DSWD), Libreng serbisyo panlegal (DOJ/POEA), Mga serbisyong medikal at sikolohikal, Mga programang pangkabuhayan, Pagtulong sa edukasyon ng batang biktima


KARANASAN

Tumakas si Rowena Uychiat mula sa pagmamalupit ng kanyang amo at humingi ng tulong sa Mission for Migrant Workers (MFMW), isang organisasyong umaayuda sa kapakanan ng mga migranteng manggagawa sa Hong Kong, at affiliate ng Migrante International.
Sa isang press conference sa Hongkong, sinabi ni Uychiat na isang biyuda at tubong Cadiz, Negros Occidental, na nagpunta siya sa Hongkong noong ika-22 ng Hulyo noong nakaraang taon at namasukan bilang domestic worker kay Yui Anna Hoi Yin, isang Hongkong national mula sa Kowloon. Si Uychiat na may dalawang naiwang anak sa Pilipinas ay nagtrabaho ng siyam na buwan kay Yin.
Isinalaysay niya kung anu-anong pasakit ang dinanas niya sa kanyang amo. “Paulit-ulit akong binubugbog, sinisigawan, tinatawag na inutil (stupid), at minumura,” ani Uychiat. Bukod pa ito sa pagtatrabaho niya ng 21 oras kada araw, mula 6:00am hanggang 4:00am.
Ayon pa kay Uychiat, may balanse pa daw siya sa kanyang pinasukang ahensiya. “Nakapagbayad na ako ng Php 50,000 (HK$9,100) sa recruitment agency ko bago pa ako umalis ng Pilipinas,” aniya.
Nakatakas lamang si Uychiat mula sa kanyang mga amo noong Abril 25 habang nagbabakasyon ang mga ito. “Tinulungan ako ng Mission For Migrant Workers, at nasa pangangalaga nila ako ngayon,” sabi ni Uychiat na nagsampa rin ng kasong “common assault” sa Sham Shui Po Police Station. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ng polisya ng Hong Kong ang kaso at hindi pa nakakasuhan ang kanyang amo.



MGA RESPONSIBILIDAD

Dapat ay huwag nating abusuhin ang ating karapatan.
Bilang isang boss o amo sa kanyang mga manggagawa ay dapat i-trato niya ito bilang tao at hindi bilang isang pag mamay- ari.
Alisin ang nakaugaliang panlalamang at panghuhusga.
Lahat tayo ay ginawa ng Diyos at may pantay- pantay na Karapatan. Walang ibang nag mamay-ari sa buhay natin kundi ang Diyos lamang.
At wala din tayong karapatan upang angkinin at alipinin ang isa tao

Ano nga ba ang Diskriminasyon?
Full transcript