Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Prinsipyo at Simulain sa iba't ibang anyo ng pagsulat

No description
by

Andrea Getalado

on 5 November 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Prinsipyo at Simulain sa iba't ibang anyo ng pagsulat

Mga Batayang Prinsipyo at Simulain sa Pagsulat
Ulat ni Mark Magno
Ulat ni Kimberly Vitug
Ulat ni Ma. Elena Ocaña
Ulat ni Andrea Getalado
Prinsipyo at Simulain sa iba't ibang anyo ng pagsulat
Editoryal
Kahulugan
Ang Editoryal o ang Pangulong-tudling ay isang mapanuring ng kahalagahan ng isang napapanahong magbigay kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang ng mga mambabasa. Tinatawag din itong tinig ng pahayagan
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Editoryal
a. Kailangan ay may iisang ideya ito
b.Kailangan ay makatwiran at malinaw ito
c.Bawat katwiran ay dapat may patunay
d.Ito ay dapat makatotohanan
e.Kailangang nakalilibang at nakakawili ito.
f.Kailangan umiwas ito sa pagmumura at pagsesermon
Mga Uri
a. Nagpapabatid
b.Nagpapakahulugan
c.Pumupuna at nagbibigay reporma
d.Nagpaparangal at Nagbibigay-puri
e.Nagpapahalaga sa mga natatanging araw
f.Naglalahad na nababatay sa tahasang sabi
g.Naglilibang
Mga Bahagi ng Isang Editoryal
a. Panimula
b. Katawan
c. Wakas
Pagsulat ng Pangulong-Tudling
a. Magkaroon ng kawili-wiling panimula
b. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan ng maayos at malinaw.
c.Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran
d.Tapusin ng naaangkop
e.Tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at wakas
f. Huwag mangaral at magsermon
g.Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat
Balita
Ano ang Balita?
Ito ay maaaring pasulat o pasalita sa pangyayaring naganap na, nagaganap, o magaganap pa lamang
Mga Katangian
a. May ganap na kawastuhan
b. Walang kinikilingan
c. Kalinawan
d.Kasariwaan
e. Timbang Kaukulang diin sa bawat katotohanan
Mga Anyo
a. Tuwirag Balita
b. Balitang Lathalain
c.Balitang iisa ang paksa
d. Balitang maraming itinatamok
Mga Hakbang Sa Pagsulat ng Balita
a. Isulat ang Buod
b.Itala ang mga pangyayari ayon sa pababang Kahalagahan
c.Hanapin ang impormasyong itatampok sa balita
Mga Mungkahin Paraan ng Pagsulat
a. Isulat kaagad ang balita
b.Bigyandiin ang nangingibabaw na pangyayari
c. Maging tumpak
d. Iwasan ang magbigay ng opinyon
e. Banggitin ang Pinagmulang ng Balita
f. Ibigay ng buo ang mga pangalang nasa iyong balita
g. Ilahad ang mga nangyari ng walang kinikilingan
h. Ipakilala ang mga pangalang nabanggit
i. Iwasan ang paggamit ng mga kulay sa pangyayari na maaaring makasira sa asal at paniniwala ng mga nakikinig o mambabasa
j. Gumamit ng mga tiyak at payak na mga salita
k. Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkaibang talata
l. Iwasan ang mahahabang pangungusap
m. Gumamit ng mabisang pamatnubay gamit ang ASSaKaBa
n. Gamitin ang tukuyan kaysa balintayak maliban kung talagang kailangan
BLOG

Ang  blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.
Pamanahong Papel
Ito ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din itong term paper.

a) Fly Leaf 1 – ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.
b) Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.
c) Dahong Pagpapatibay – ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
d) Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.
e) Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
f) Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
g) Fly Leaf 2 – isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.


Definisyon ng mga Terminolohiya

>ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng
kahulugan. Maaaring itong:
Operational na Kahulugan – kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Conceptual na Kahulugan – istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.
-tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
Pananaliksik
tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


a. Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

b. Respondente – tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.

c. Instrumento ng Pananaliksik – inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat ha
d. Tritment ng mga Datos – inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON

a) Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.

b) Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.

c) Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.

KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang Panimula o Introduksyon

>ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.

B. Layunin ng Pag-aaral

> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. >Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

Kahalagahan ng Pag-aaral

> inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik




PANGHULING PAHINA
Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.

Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.

Pagsusuri sa Aklat
BALANGKAS NG PAGSUSURI
1. Panimula
a. Pamagat ng Katha
b. May akda
c. Sanggunian o aklat na pinagkunan
2. Buod ng Katha
3. Pagsusuri
Uri ng pampanitikan -Ito ay isang uri ng maikling kwento
b. Estilo ng paglalahad - daloy ng isipan


C. Mga Tayutay

a.Pagtatanong
b. Pagtanggi

2. Pagtatanong - ang pagpapahayag na ito ay ginagamit upang taggapin o di tanggapin ang isang bagay.
Pagtanggi - ang pagpapahayag na ito ay karaniwang ginagamitan ng panangging hindi upang bigyangdiin ang makabuluhan ang sang-ayon sa sinasabi.

D. Sariling Reaksyon
Mga Panain at puna sa:
A. Tauhan
B. Istilo ng awtor
C. Galaw ng mga pangyayari

Rebyu ng Pelikula

Panimula o Intruduksyon
A. Pamagat ng Kwento
B. May Akda
C. Direktor
2. Buod
3. Pagsusuri
A. Uri ng Pelikula
B. Kaanyuan ng Pelikula
1. Tema
2. Paksa


KASANAYANG DAPAT MALINANG SA PAGSULAT
1. Ang pagpapaliwanag o pagpapaunawa

2.Pag-iisa-isa o Enumerasyon


Paglalarawan
Kahulugan:
Ang paglalarawan ay isang paraan ng pang araw-araw na pagpapahayag na dapat nating matutunan. Ito ay nauuri ayon sa pakay o layunin ng pagpapahayag na inihahatid naman ng instrumentong ginamit natin sa paglalarawan.
May tatlong paraan ng paglalarawan
Batay sa Pandama – nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig.
Batay sa Nararamdaman – bugso ng damdamin.
Batay sa obserbasyon – batay sa obserbasyon ng mga nangyayari

Pagsasalaysay
Kahulugan:

Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning magkwento ng mga pangyayari.

May dalawang uri ng pagsasalaysay: pasalita at pasulat.

Isa sa mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat. Ito ang unang bagay na nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa

Mga Katangian
-Pangunahing tauhan sa salaysay
-Pinakamahalagang bagay sa salaysay
-Pook na may malaking kinalaman sa mga pangyayari
-Isipan o damdaming namayani sa salaysay.
- Isang mahalagang pangyayari sa kwento
-Katotohanang pinatunayan sa kwento.

Paglalahad
Kahulugan

-Ang Paglalahad ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang layunin o simulain.
- Pagbibigay ng direksyon at pagpapaliwanang ng mga hakbang.
- Natutugunan ng paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang usapin.
Anyo ng Paglalahad:

-Pagbibigay katuturan
-Pagbibigay direksyon
-Panuto o patnubay sa paggawa ng isang bagay
-pag-uulat
-Pagsusuring-basa o manunuri

Madaming iba’t ibang paraan ng paglalahad na nabibilang sa di-pormal na layunin tulad ng:

-Paghahalimbawa
-Paghahambing at pagtatambis
-Pag-uulit
-Pagpapahindi
-Pagsusuri
-Pagpapakilala ng sanhi at bunga
Paghahambing
Kahulugan:

Ang paghahambing ay dalawa o higit pa na salita na pinaghahambing o pinagkukumpara na isa ang tinutukoy.

Dalawang Uri ng Kaantasan ng Paghahambing
-Paghahambing na Magkatulad
-Paghahambing na Di Magkatulad
a. Pasahol
b. Palamang
Pagkakasunod-sunod
Kahulugan:

Ang pagkakasunod-sunod ay naglalayon ding ipabatid sa mga mambabasa ang isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon sa pamamaraang (a) sekwensyal, (b) kronolohikal at (c) prosidyural.

Mga panandang ginagamit sa pagsusunod-sunod: una, sa simula, noon, samantala, saka, maya-maya, hanggang, huli, nang magkaganon, pagkatapos.

Pagbabalangkas
Kahulugan:

Ang pagbabalangkas ay maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto hingil sa paksa.

Mga Uri:

1. Balangkas sa Pangungusap- buong pangungusap.

2. Balngkas sa Paksa – parirala o pangunahing salita lamang.

Mga Mahahalagang Hakbang sa Pagbabalangkas
1. Basahin ang buong materyal.
2. Piliin ang pantulong na kaisipan na bumubuo sa bawat pangunahing kaisipan.
3. Huwag isama ang mga impormasyong hindi saklaw sa paksa.
4. Gamitin ang balangkas na ninanais para sa paksa.

Patalastas
Lathalain
Kahulugan

Ang Lathalain ay isang akdang batay sa misteryong sangkap sa pamahayagan na tinatawag na pangkalahatang kawilihan-isang pangyayari na nakagaganyak sa atin dahil masasalamin natin dito ang ating sariling buhay
Layunin ng Lathalain:

a. Magpabatid
b. Magpabatid at magbigay-aral
c. Magturo
d. Mag-aliw
Mga Katangian ng Lathalain:

a. May kalayaan sa Paksa
b. Walang tiyak na haba
c. Maaaring napapanahon o di-napapanahon
d. Laging batay sa Katotohanan
e. Ginagamitan ng makabagong pamatnubay
f. Nasusulat sa patas na kawilihan
g. Maaaring pormal o di-pormal
h. Maaaring isulat sa una, pangalawa, at ikatlong panauhan
i. Maaaring gamitan ng katutubong kulay at idiomatikong pahayag

Mga Uri ng Lathalain:

a. Lathalaing Pabalita
b. Lathalaing Nagpapabatid
c. Lathalaing Paano
d. Lathalaing Pangkatauhang-Dagli
e.Lathalaing may makataong kawilihan
f.Lathalaing pansariling karanasan
g. Lathalaing Pangkasaysayan
h. Lathalaing Pang-aliw
i. Lathalaing Pakikipanayam
j. Lathalaing Paglalakbay
k. Lathalaing di-pangkaraniwa
l. Lathalaing Pang-agham
m. Lathalaing Pang-isports

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Lathalain

a. Pumili ng paksa na may malawak kang kabatiran
b. Gumamit ng makabagong patnubay na angkop bilang panimula
c. Maaaring gumamit ng anekdota, dayalogo, etc.
d. Gumamit ng malinaw na paglalarawan at paglalahad
e. Ang mga siniping sabi na nais gamitin ay ilagay sa unahan
f. Gumamit ng mga payak na salita at paikliin ang mga talata
g. Iwasan ang pagiging masalita
h. Magbigay ng mga halimbawa upang mas luminaw at kapani-paniwala ang sinasaad
i. Tapusin sa pamamagitan ng pag-uugnay sa panimula.
j. Gawing makatawag pansin ang pamagat
Mga Uri ng Pamagat
a. Katanungan
b. Isang salita o kataga
c. Parirala
d. Deskripsyon
e. Isang pangungusap
f. Simbolismo
g. Inday Style
Mga Uri ng Panimula
a. Stakato Style
b. Isang Awitin
c. Isang Sulat
d. Isang salitaan
e. Isang Quote
f. Inday Style
Mga Maaaring Pagkunan ng mga Nilalaman
a. Sariling Karanasan
b. Pakikipanayam
c. Pagbabasa
Konklusyon
Kailangang tumatak ito sa utak ng mga mambabasa
Islogan
Sanaysay
Kahulugan

Ito ay isang akdang nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa isang bagay
Mga Uri ng Pamatnubay
a. Summary lead
b. Pamatnubay na nakakagulat
c. Pamatnubay na Naglalarawan
d. Naghahambing ng Dalawang Pangyayari
e. Patanong
f. Masidhing Paglalarawan
g. Siniping Pamatnubay
Mga Katangian ng Mahusay na Balita
a. Ganap na Kawastuhan
b. Timbang
c. Walang Kinikilingan

Kahalagahan ng Balita
a. Nagbibigay impormasyon
b. Nagtuturo
c. Lumilibang
d. Nakapagpapabago

Mga Sangkap ng Balita
a. Aksyon o Pakikihamok
b. Nakagaganyak ng mga Tao
c. Kakaiba
d. Nagaganap sa Kasalukuyan
e. Naganap sa malapit na pook
f. Pagsulong
g. Romansa o Pakikipagsapalaran
h. Bilang o Estatistika
Dalawang Uri ng Sanaysay


Pormal
at
Di-pormal
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sanaysay
a. Pokus sa Proseso
b. Pokus sa "Thesis Statement"
c. Pokus sa "Conseptual Framework"
d. Pokus sa Istruktura
e. Pagsulat ng Panimula
f. Pagsulat ng Katawan
g. Pagsulat ng Konklusyon
h. Pokus sa mga gamit sa Pagsusulit
i. Poks sa Wika
Kahulugan:
Ito ay ang isang paraan ng pag-aanunsyo ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba't-ibang anyou ng komunikasyong pangmadla
Unang anyo ng Patalastas:
-bibig

Ikalawang anyo
-nakalimbag na patalastas
Mga Layunin:

a. Makapagbigay impormasyon
b. Magbigay direksyon
c. Maghikayat
Apat na Hakbang sa Paggawa ng Patalastas ayon kay Morris
a. Alamin kung sino ang bibili ng produkto
b. Alamin ang mga pangangailangan ng mga mamimili na maaaring tugunan ng produkto
c. Suriin kung anong katangian ng produkto ang dapat bigyang diin
d. Gawin ang patalastas
Dalawang Paraan ng Presentasyon ng Patalastas
-Positive Appeal
-Negative Appeal
Sumasagot sa mga tanong na:

Ano:
Sino:
Saan:
Kailan:
Bakit:
Paano
Kahulugan:

Ito ay isang maikling pahayag ng isang tiyak na paksa o isyu
Mga Anyo

Patula at Tuluyan
Katangian:

-Madaling Maunawaaan
Paano gumawa ng Islogan?

a. I-analisa ag tema
Hal: kapaligiran, polusyon
b. Gumamit ng mga salita na konektado sa tema (mas maganda kung magkakatunog)
Pagsasaliksik
Kahulugan

Ito ang ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.

Mga Paraan ng Pananaliksik:

A. Paglararawan (Descriptive Method) B. Eksperimental na Paraan
Uri ng Paglalarawang Paraan:

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.
Lawak ng Sarbey
  
2.1. Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.

2.2. Sarbey – ilang bahagi lamang ng populasyon.
3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.
Teknik sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental
  3.1. Longitudinal o Mahabang Panahong Paraan – Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.   
3.2. Kros-Seksyunal na Paraan (Cross-Sectional Method) - Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.
4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) – Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.
5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) - Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis)
6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.
7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies)
Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.
B. Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:
1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.
2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.
3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusulat.

PAGSUSURI

Ito ay ang proseso ng paghihimaymay ng isang paksa o sustansiya upang maging mas maliliit na mga bahagi, upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito.

PAGLALAGOM

Ito ay ang ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na maikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ito ay hindi nagtatagalay ng pansariling opinyon.

Paghihinuha
Kahulugan

Ito ang nagpapakita ng paggawa ng mga pahayag na nabuo mula sa mga obserbasyon at mga pahiwatig ng may-akda.

Ito ang prediksyon sa mangyayari gamit ang mga impormasyon at mga pangyayari- mga clues (himaton) o tanda,bakas,palatandaan.- madalas ginagamit ito sa kwento at nobela. Paghihinuha at paghula sa kalalabasan ng pangyayari
HALIMBAWA NG PAGHIHINUHA AY:

- Baka
- Tila
- Wari
- Marahil
- Siguro
PAGMUMUNGKAHI

Suhestiyon o pagbibigay opinyon sa isang naturang usapin.

Inihanda nina:

Getalado, Andrea A.
Magno, Mark Matthew
Ocaña, Ma. Elena
Vitug, Kimberly Anne
Full transcript