Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Tekstong Impormatibo

No description
by

Maria Dulce Marilla

on 28 November 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Tekstong Impormatibo

Tekstong Impormatibo
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

nakikilala mo ang mga tekstong nasa uring impormatibo;
nabubuo mo ang halimbawang pangungusap na nagtataglay ng katangian ng tekstong impormatibo; at
nasusuri mo ang mga pahayag sa bawat tekstong impormatibo.
Ano ang tekstong impormatibo?
Ano-anong impormasyon ang makukuha rito?
Mga Sangguniang Babasahin
Almanac
Pagbasa ng Teksto
Iba’t ibang teksto ang makikita sa kasalukuyan. Iba’t iba rin ang ibinibigay at nilalaman ng mga ito. Basahin ang sumusunod na teksto. Matutukoy mo ba kung anong uri ito ng teksto?
Mga Sangguniang Babasahin
Mga Sangguiang Babasahin
Uri ng Teksto:
Libro, Libro, Ano ang Gamit Mo?
Iba’t iba ang idinudulot sa atin ng pagbabasa ng libro. May mga librong binabasa bilang pampalipas oras o pang-aliw. Mayroon din namang kadalasang tinatawag na mga sangguniang babasahin (reference materials). Mababatid sa mga sangguniang babasahin ang samu’t saring impormasyon hinggil sa iba’t ibang uri ng paksa.
-isang uri ito ng libro na taon-taong inilalathlala. Naglalaman ito ng iba’t ibang impormasyon gaya ng taya ng panahon, pagsikat o paglubog ng araw, pagtaas o pagbaba ng tubig (tide), at iba pa.
Atlas
naglalaman ang sangguniang ito ng kalipunan ng mga mapa
Diksiyonaryo
-naglalaman ang sangguniang babasahing ito ng mga salita ng isang wika. Ang mga salitang ito ay may kasamang kahulugan, paraan ng tamang pagbigkas, at iba pang impormasyon. Karaniwan din itong nakaayos nang paalpabeto.
Pagbasa ng Teksto
Iba’t ibang teksto ang makikita sa kasalukuyan. Iba’t iba rin ang ibinibigay at nilalaman ng mga ito. Basahin ang sumusunod na teksto. Matutukoy mo ba kung anong uri ito ng teksto?
Libro, Libro, Ano ang Gamit Mo?
Iba’t iba ang idinudulot sa atin ng pagbabasa ng libro. May mga librong binabasa bilang pampalipas oras o pang-aliw. Mayroon din namang kadalasang tinatawag na mga sangguniang babasahin (reference materials). Mababatid sa mga sangguniang babasahin ang samu’t saring impormasyon hinggil sa iba’t ibang uri ng paksa.
Mga Sangguniang Babasahin
Mga Sangguniang Babasahin
Mga Sangguniang Babasahin
Tekstong Impormatibo
Ensiklopedya
– karaniwan itong binubuo ng tomo o volume ng mga libro hinggil sa mahahalagang impormasyon patungkol sa sari-saring paksa. Karaniwan din itong nakaayos nang paalpabeto.
Thesaurus
– naglalaman ito ng mga salita at ang kasingkaluhugan ng mga ito.
Sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, hindi pa rin nawawala ang mga sangguniang babasahin. Patuloy pa ring ginagamit ang mga ito hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng mga guro at iba pang propesyonal.
Isang uri ng tekstong
impormatibo
ang iyong binasa. Nagbibigay at nagtataglay ang ganitong uri ng teksto ng tiyak na impormasyon patungkol sa bagay, tao, lugar, o pangyayari. Ito rin ay kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa. Masasabi ring ang tekstong impormatibo ay hindi nagbibigay ng opinyong pabor o sumasalungat sa posisyon o paksang pinag-uusapan. Samakatuwid, ang kadalasang tono ng tektong impormatibo ay obhetibo (objective).
Tekstong Impormatibo
Halimbawa:
Para sa katanungang Ano:
Katanungan: Ano ang sangguniang babasahin?

Sagot: Ang sangguniang babasahin ay iba’t ibang libro o babasahing ginagamit ng mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ito rin ay ginagamit ng mga propesyonal.
Para sa katanungang Sino:
Katanungan: Sino si Thomas Edison?

Sagot: Si Thomas Edison ay isang Amerikanong mangangalakal at imbentor. Marami siyang naimbentong bagay at isa na nga rito ang bombilya.
Para sa katanungang Paano:
Katanungan: Paano nabubuo ang ulap?

Sagot: Nabubuo ang ulap mula sa pagsingaw ng tubig mula sa ibabaw (crust) ng daigdig. Kapag ang nasabing singaw ng tubig ay naiipon sa atmospera, ito ay mabubuo at magiging ulap.
Mga Paalala
Gumamit ng mga tekstong impormatibo na buhat sa mga respetado o mapagkakatiwalaang mga sanggunian.
Kaugnay ng batas hinggil sa Intellectual Property Rights, banggitin ang sumulat o ang sangguniang pinagmulan ng tekstong impormatibong gagamitin.
Buod
Ang tekstong impormatibo ay nagtataglay ng tiyak ng impormasyon patungkol sa bagay, tao, lugar, o pangyayari. Hindi ito naglalaman ng opinyon kung kaya ang tono nito ay kadalasang obhetibo.


Pagsusulit
Si Mohandas Karamchand Gandhi, mas kilala bilang si Mahatma Gandhi, ay nanguna sa kilusan sa pagpapalaya sa India mula sa pananakop ng Britanya.

Sa anong katanungan sumasagot ang impormasyong ito?
a. sino

b. paano
c. saan

d. kailan
Sa pagtatanim ng palay, kinakailangan munang ihanda ang lupang pagtataniman. Pagkatapos nito, ihanda ang binhi at paggawa ng punlaan. Kinakailangan ding lagyan ng abono ang punla. Sa pagpapatubig, kinakailangang panatilihing mamasa-masa ang lupa nang isang linggo. Huwag ding kalimutan tanggalan ng damo ang palayan sa loob ng unang 40 araw.

Sa anong katanungan sumasagot ang impormasyong ito?
a. paano

b. kailan
c. saan

d. sino
Isa sa mga katanungang sinasagot ng tekstong impormatibo ay ang saan.

Isa ang Rio de Janeiro sa magagandang lugar sa mundo. Saan matatagpuan ang Rio de Janeiro?
a. Alaska

b. Indonesia
c. Brazil

d. Malaysia
Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng tekstong impormatibo?
a. Ang thesaurus ay sangguniang babasahin na naglalaman ng kasingkahulugan ng isang salita.
b. Ang atlas ay naglalaman ng mga mapa.
c. Pareho lang ang gamit ng diksiyonaryo at thesaurus.
d. Ang almanac ay naglalaman ng mga tala patungkol sa nagdaan at kasalukuyang panahon.
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagbibigay ng tiyak na impormasyon?
a. Hindi lahat ng umuurong sa laban ay natatawag na duwag
b. Nagdidilim ang kalangitan, marahil ay uulan.
c. Ang pahayagan ay isang babasahing naglalaman ng napapanahong impormasyon.
d. Maayos magdala ng damit si Tina kaya maraming umahanga sakanya.
Alin sa sumusunod na pangungusap ang
hindi
nagbibigay ng tiyak na impormasyon?
a. Ang Taj Mahal sa India ay ipinatayo ni Emperador Shan Jahan para sa kaniyang asawa.
b. Malaki ang naitutulong ng Social Media sa kabataan sa pagtuklas ng karunungan.
c. Ang agham o siyeniya ay isang sistematikong proseso upang makabuo o makapagtamo ng isang bagong kaalaman.
d. Si Charles Darwin ay isang siyentipiko na tanyag sa kaniyang Theoof Evolution.
Alin sa sumusunod ang
hindi
katangian ng isang tekstong impormatibo?
a. Ang isang tekstong impormatibo ay sumasagot sa mga tanong na gayang sino, ano, o paano.
b. Ang tono ng isang tekstong impormatibo ay kadalasang obhetibo.
c. Ang tekstong impormatibo ay mayaman sa impormasyon na makukuha ng mambabasa.
d. Ang tekstong impormatibo ay malaman sa opinyon ng manunulat at likhang-isip lamang.
Alin sa sumusunod na pangungusap ang tekstong impormatibo?
a. Nararapat na mag-aral ang estudyante ng iyang aralin kahit na walang pagsusulit.
b. Maraming nabibighani sa taglay niyang kagandahan.
c. Ang piramide ay matatagpuan sa Egypt.
d. Malaki ang impluwensiya ng social media sa pagkatuto ng kabataan sa kasalukuyan.
Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagtataglay ng tekstong impormatibo?
a. Si Vincent Van Gogh ay ipinanganak noong ika-20 ng Marso 1853 at namatay noong ika-29 ng Hulyo 1890.
b. Ang ilan pa sa mga naipinta ni Vincent van Gogh ay ang Irises, The Potato Eaters, at Starry Night Over The Rhone.
c. Si Vincent van Gigh ay kilala sa kaniyang obra na The Starry Night.
d. Nagawa niya ang mga obrang ito dahil sa angking galing sa pagpinta na sadyang gustong-gusto niyang gawin.
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang tekstong impormatibo?
a. Si Zeus ay ama ni Hercules.
b. Matatapang ang lahing Griyego.
c. Mahirap matalo sa labanan ang may dugong Griyego.
d. Walang katulad ang lakas ni Hercules.
Full transcript