Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

MGA HUWARAN NG ORAGANISASYON NG TEKSTO

No description
by

April Joy Omaña

on 14 July 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MGA HUWARAN NG ORAGANISASYON NG TEKSTO

Sa pagbibigay kahulugan, kailangang maisama sa kahulugan ang mga bagay o mga salitang kaugnay o nauukol dito. Maaari rin itong sundan ng mga halimabawa o uri upang mabigyan ng higit na linaw ang salitang binibigyang kahulugan.
Sa pang araw-araw na pakikipag-usap, ang mga salitang karaniwang ginagamit ay nagkakaroon ng mahigit sa isang kahulugan. Ang pagpapakahulugan sa isang salita ay may dalawang dimensyon: (1) denotasyon at (2) konotasyon.
MGA URI NG DEPINISYON
DENOTASYON AT KONOTASYON
1. Maanyong Depinisyon (formal definition)
2. Depinisyong Pansanaysay (essay of definition)
1.Denotasyon. Ito ang karaniwang kahulugan ng salita na hinango mula sa diksyunaryo.
HALIMBAWA:
* Malutong ang kinain kong mangga.
* Malaki ang batong tumama sa ulo ng bata.

2.Konotayson. Ito ang kahulugang naiiba sa
karaniwan, tumutukoy ito sa pansariling kahulugan ng isang tao.
HALIMBAWA:
* Malutong na halakhak ang isinagot ni Jose sa tanong sa kanya ng reporter.
* Itaga mo sa bato ang iyong pangako sa akin.

$1.25
Friday, July 18, 2014
Vol XCIII, No. 311
1. DEPINISYON
HALIMABAWA:
MGA KASO NG PAGGUHO NG LUPA
MGA HUWARAN NG ORAGANISASYON NG TEKSTO
Ito ang pinakamadalas na gamiting uri ng ekspositori. Sa pamamagitan ng paggamit nito naibibigay ang mga kahulugan ng isang salita o bagay sa tulong ng ibang salita na may kasingkahulugan nito. Ang mahusay na depinisyong kasingkahulugan ay laging gumagamit ng higit na madali at pamilyar na salita kaysa sa salitang binibigyang kahulugan.

HALIMABAWA:

• maligalig – malikot
• minamata – minamaliit
• mandarambong – magnanakaw
• walang humpay – walang tigil
• nalulumbay – nalulungkot
• suhay – tukod
HALIMBAWA:
Ang paglalahad ay isang pamamaraan ng pagpapaliwanag. Binibigyang-katuwiran nito ang mga kaisipang sinasaklay ng karunungan ng tao. Ilan sa mga halimbawa ng uri ng paglalahad ay ang balita, panuto, sanaysay, tala, pitak at pangulong-tudling o editoryal.
Ito ay pagbibigay-kahulugan sa pamamagitan ng makatwirang paghahanay ng mga salita at mga katagang nagbibigay ng higit na malaki at malinaw na kahulugan. Kinapapalooban ito ng tatlong sangkap o bahagi. (1) ang salitang (term) binibigyang-kahulugan; (2) ang pangkat o kaisipang kinabibilangan o kaurian nito (genre); at ang kaibahan (difference) o mga katangiang ikinaiiba nito sa mga kauri nito.
MGA HALIMBAWA:
1. Ang sugnay (salita) ay isang lipon ng mga salitang (kaurian) may simuno at panaguri (kaibahan)

2. Ang alamat (salita) ay isang kathang nagsasalaysay (kaurian) ng pinagmulan ng bagay, lugar o pangyayari (kaibahan).
Ito ay pagbibigay-kahulugan na ginagamitan ng higit na paliwanag at mga salitang nakapupukaw ng damdamin at kawilihan upang matukoy at maunawaan ang isang salita o kaisipan. Ang depinisyong pansanaysay ay gumagamit ng paglalarawan, pagtutulad, paghahambing, pagsusuri at kung minsan ay sanhi at bunga.
MGA HALIMBAWA:
Ang edukasyon ang pinakamahalagang bagay na maaaring matamo ng isang tao. Ito ang yamang hindi mananakaw ninuman. Sinumang nilalang ay maaaring magkamit nito anuman ang kalagayan niya sa buhay.
2. PAGSUSUNOD-SUNOD (ORDER): SIKWENSYAL, KRONOLOHIKAL, AT PROSIDYURAL
MGA URI NG PAGSUSUNOD-SUNOD:

* Sikwensyal na Pagsunod-sunod:

Ito ay maayos na pagsunod-sunod na naaayon sa magkakaugnay na detalye o pangyayari. Ang mga salitang una, pangalawa, susunod at iba pa ay karaniwang ginagamit. Ang mga halimbawa ng tekstong ginagamitan ng sikwensyal na pagkakasunod-sunod ng mga detalye o pangyayari ay mga balita, dula, maikling kwento at iba pa.

HALIMBAWA:

1. Nadaplisan ng Hezbolla rocket ang isang pinay sa Northern Israel habang inaalagaan ang amo.
2. Nasawi ang amo ng pinay at ang anak nito sa pinakawalang rocket ng Hezbolla.
3. Dinala ang pinay sa isang hospital sa Northern Israel upang doon magpagaling.
4. Inilikas ng Embahada ng Pilipinas ang 4,000 manggagawang pinoy sa Israel upang huwag nang madamay o masaktan sa kaguluhang nagaganap doon.

2. Kronolohikal na Pagsunod-sunod:

Ito ay pagsunod-sunod ng mahahalagang pangyayari o impormasyon mula sa pinakaunang nangyari hanggang sa kasalukuyan. Isang magandang halimabawa nito ay ang kasaysayan ng isang lugar o isang mahalagang pangyayari.

1990 – Isang lindol ang nagdulot ng pagguho ng lupa na naglibing ng buhay sa 36 na tao sa Sitio Aw-awa sa Barangay Pinayag, Kayapa, Nueva Viscaya.
1999 – Natabunan ng gumuhong lupa ang ilang pamayanan sa Mt. Diwata sa Compostela Valley na kumitil sa buhay ng dose-dosenang mamamayan doon. Gumuho rin ang lupa sa ilalim ng Cherry Hills subdivision sa Antipolo City, Rizal na ikinamatay ng 32 katao.
2003 – Umabot sa 150 katao ang namatay sa pagguho ng lupa sa San Ricardo at San Francisco, Southern Leyte.

2004 – Sa lalawigan ng Aurora, may 100 tao ang natabunan ng lupa mula sa mga bundok sanhi ng malakas na bagyo sa mga bayan ng Dinggalan at 5 katao sa Barangay Villa Maria sa bayan ng Maria Aurora.
2006 – 4 na katao ang nalibing nang buhay nang matabunan ng gumuhong lupa ang Barangay Agas-agas sa Sogod, southern Leyte. Nasundan ito ng pagguho ng lupa mula sa bundok ng Barangay Guinsaugon sa bayan ng Saint Bernard, Southern Leyte na pumatay sa mahigit 1,000 katao.

3. Prosidyural na Pagsunod-sunod
Ito ay tumutukoy sa isang sistema o proseso gaya ng mga paraan sa pagluluto ng spaghetti o paggawa ng bag, o mga wastong pagtatanim ng mga orchids

PAGLULUTO NG ESPESYAL NA PUTONG GALAPONG
Mga Sangkap:
• 2 puswelong bigas
• 2 kutsarang lutong kanin
• 2 kutsaritang baking powder
• 1/3 puswelong asukal na puti
Paraan ng Pagluluto:
Ibabad ang bigas ng 6 na oras o magdamag. Gilingin ng kasama ang lutong kanin. Lagyan ng ¼ puswelong tubig o kung nakalapot ng galapong ay dagdagan pa ng tubig hanggang maging ½ puswelong tubig ang maidaragdag. Isama ang asukal at baking powder. Haluin hanggang magpantay ang pagkakalapot. Isalin sa mga hulmahan at isalang sa pasingawan (steamer). Kailangan pakuluin muna ang tubig sa pasingawan bago ipatong ang pasisingawang galapong. Lutuin ng mga 20-25 minuto.

ENUMERASYON O PAG-IISA-ISA
Ito ay pagsasaayos ng mga detalye mula sa simula hanggang sa katapusan ayon sa maayos na pagkakasunod-sunod nito. Sa Pag-iisa-isa, maaaring hindi magkakasunod ang mga kaisipan o detalye lalo na kung ito ay hindi tumutukoy sa proseso o hakbang, subalit kung ang isang aytem na gagamitan ng pag-iisa-isa ay tumutukoy sa proseso o hakbang, kinakailangang tiyakin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.

HALIMABAWA:

ANG MASAMANG EPEKTO NG LABIS NA PANINIGARILYO SA KATAWAN NG TAO

1. Paglagas ng buhok
2. Pagkakaroon ng katarata
3. Kanser sa balat
4. Sakit gaya ng empaysima, sakit sa puso, osteoporosis
5. Komplikasyon sa pandinig
6. Ulser sa sikmura

PROBLEMA AT SOLUSYON:
Ito ay nagpapahayag ng isang problemang nangangailangan ng kalutasan.

Dumarami na ang kaso ng namamatay sa sakit na Meningococcemia. Kung hindi maaagapan ay higit pa ang bilang na mabibiktima ng salot na sakit na ito.
Ang baktirya ng meningococcemia ay nabubuhay sa lalamunan ng isang tao. Sa pagkamatay ng taong nagtataglay nito ay kasamang namamatay ang baktirya. Nasasalin ang baktirya sa pamamagitan lamang ng direct contact o pakikipaghalikan sa taong may sakit nito o kaya ay kung masasalin ng respiratory droplets tulad ng laway mula sa lalamunan at maging ng likido sa ilong ng taong infected.
Ang mga sintomas ng sakit na ito ay upper respiratory track infection, lagnat, skin rashes at lesion o pamamantal, nagkakaroon ng problema sa mata at tenga, at pagkakakitaan ng senyales ng physical despression o shock
Maiiwasan ang pagkalat ng bakterya na sanhi ng salot na sakit ng Mengococcemia kung uugaliin natin gawin ang mga sumusunod: maghugas at magsabon ng kamay, iwasan ang close contact sa pasyente o taong infected, panatilihing malinis ang bahay at kapaligiran.
Makakatulong nang malaki upang magkaroon tayo ng proteksyon sa sakit na Meningococcemia ay ang pag-inom ng anti-biotics at pagpapasaksak ng chemoprophylaxis vaccine at ang agarang pagpapa-check-up sa maagang pagpapakita ng nasabing sintomas

SANHI AT BUNGA
Karaniwan kapag tayo ay nahaharap sa isang problema, inaalam natin kung anu-ano ba ang mga naging sanhi nito. Naitanong mo ba kung ano ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang isang problema?. Sa pagtukoy sa sanhi at bunga ng pangyayari, kadalasang naitatanong ang mga sumusunod: anong naging dahilan ng pangyayari? (sanhi); Ano ang kinalabasan? (bunga). Ang mga akdang gaya ng balitas, alamat at iba pang sulatin ay karaniwang gumagamit ng ganitong huwaran.

HALIMBAWA:

1. Dumarami ang naniniwala sa pre-marital sex. Ano ang magiging bunga nito?
2. Ang walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan (sanhi) ay nagdudulot ng pagguho ng mga lupa mula sa bundok na ikinamatay ng maraming mga tao sa bayang iyon (bunga).
3. Nag-aaral nang mabuti si Amanda para sa board exam ng Narsing (sanhi) kaya naman nakasama ang pangalan niya sa talaan ng mga nakapasa (bunga).
Full transcript