Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of ANG KANLURANG ASYA SA SINAUNANG PANAHON

No description
by

Richard Ecalne

on 10 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of ANG KANLURANG ASYA SA SINAUNANG PANAHON

Ang kasaysayan ng Mesopotamiaay kakikitaan ng pamayanan at pagbagsak ng iba't ibang katutubong kaharian at imperyo. Ilan sa mga ito ay ang Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Aramean, Lydian, Phoenician, Hebrew, Hittite at Persian.

Paglitaw ng mga katutubong imperyo sa Mesopotamia
Imperyong Babylonian I
(Circa 1790-1595 B.C.E)
Noong 2000 BCE, panibagong pangkat ang naghari sa Mesopotamia. Tinawag sila na Amorites. Nagtatag sila ng kabisera sa babylonian. 1792-1750 ng makamit nila ang rurok ng kapangyarihan. Lahat ng ito ay dahil sa pinuno na si Hammurabi. Tinawag na Code of Hammurabi ang nabuong kalipunan ng batas na may layunin na ipaalala sa mga mamamayan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas. Ginawa ang batas sa mga tablet o lapida na gawa sa luwad. Naikategorya ang batas na ito bilang retributive justice batay sa bigat ng laman. Mas kilala sa kasabihan "mata sa mata, ngipin sa ngipin" Makalipas ang dalawang siglo, nabuwag ang Babylonia dahil sa pananakop ng mga pastoralistang nomadiko.
Phoenician
(Circa 1200-800 B.C.E)
Nanirahan sa timog silangang bahagi ng Asia Minor. Sila ang tinaguriang “tagpagdala ng kabihasnan” dahil hindi lamang ang produkto ang kanilang naibahagi kundi ang pamumuhay din ng mga tao sa kanilang mga lugar na napuntahan. Sakanila nagsimula ang konsepto ng kolonya, naging istayon o bagsakan ito ng kalakal hindi kolonyang pulitikal. Mahalagang kontribusyon ay ang alpabeto, dito nakabatay ang kasalukayang alpabeto. Paggawa ng mga naglalakihang sasakyang pandagat na tinatawag na barko sa kasalukuyan.

Imperyong Akkadian
(Circa 2700-2230 B.C.E)
Ang Imperyong Akkadian ang imperyo na nakasentro sa siyudad ng Akkad at sa nakapaligid na rehiyon sa sinaunang Mesopotamia na nagpaisa ng lahat ng mga nagsasalita ng katutubong Akkadian na mga Semita at mga nagsasalitang Sumerian sa ilalim ng isang pamamahala.

Noong 3000 BCE, may umunlad na isang malapit na symbiosis sa pagitan ng mga Sumerian at mga Akkadian na Semitiko na kinabibilangan ng malawak na bilingualismo. Unti unting pinalitan ng wikang Akkadian ang Sumerian bilang sinasalitang wika sa isang lugar sa pagtungo sa 3000 BCE at 2000 BCE. Naabot ng imperyong Akkadian ang tugatog na pang politik anito sa pagitan ng 2400 at 2200 BCE kasunod ng mga pananakop ng tagapagtatag nitong si Sargon ng Akkad (2334–2279 BCE). Sa ilalim ni Sargon at kanyang mga kahalili, ang wikang Akkadian ay sandaling inatas sa mga kapitbahay na sinakop na estado gaya ng Elam. Ang Akkad ay minsang itinuturing na unang imperyo sa kasaysayan bagamat may mga mas naunang nag-aangking Sumerian.
iNIHANDA NINA:
aLEXIS sERAFIN KYLA DIONIO
RICHARD ECALNE

ANG KANLURANG ASYA SA SINAUNANG PANAHON
Ang batas ni Hammurabi na nakaukit sa bato
Haring Sargon I
Imperyong Assyrian
(Circa 745-612 B.C.E)
Ang mga Assyrian na matatagpuan sa hilagang Mesopotmia ay unti-unting lumalakas ang kapangyarihan. Gumamit sila ng dahas sa pagpapalawak ng nasasakupan. Nakaimbento ang mga Assyrian ng mga sandatang yari sa bakal. Nakaisip sila ng mga taktika at estratehiya sa pakikidigma. Upang lalo madagdagan ang mga sundalong makikipagdigma sa ngalan at karangalan ng imperyo, inatasan ang bawat lalaki na maglingkod sa hukbong sandatahan. Kung minsan naman, umuulan sila ng mga bayarang sundalo mula sa ibang lupain. Nanghina ang imperyong assyrian bunga ng pananalakay sa iba't-ibang Chaldean (grupong Semitic), Schythian, at Cimmerian (mula sa mga steooe sa hilaga) at Medes (sa grupong Indo-Europeo). Pinabagsak nila ang Nineveh, kabisera ng Assyria.
Imperyong Chaldean o Babylonian II
(612-539 B.C.E)
Ang mga grupong Chaldean at Medes ay kapwa nagsanib ng kanilang mga pwersa laban sa mga Assyrian. Simula ng bumagsak ang kapangyarihan ng mga Assyrian , muling naging sentro ng kapangyarihan ang timog Mesopotamia. Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar, muling sumigla ang Babylonia at nabawi ang kadakilaan na dating natamo.
Nilikha ang tanyag na Hanging Gardens sa panahon ng pananaig ng ikalawang Imperyong Babylonian. Ito ay terrace ng mga halaman at bulaklak na ipinatayo ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa. (Amethys)
Aramean
(Circa 1000-700 B.C.E.)
Ang mga Aramean sa Palestine-Syria ay popular dahil sa wikang ipinapalaganap nila sa halos buong Kanlurang Asya. Ang wikang Aramaic ang siyang punakalaganap na wika hanng sa ito ay pangingibabawan ng wikang Arabe nang maganap ang Islamisasyon ng rehiyon.
Ang Lydia ay isang kaharian (minsan tinatawag din Imperyong Lydian) noong Panahong Bakal ng hilagang Asya Minor na nasa pangkalahatang silangan ng sinaunang Ionia sa mga makabagong lalawigan Manisa at wala sa baybaying İzmir ng Turkiya. Wikang Anatolian ang sinasambit na wika ng mamamayan nito, isang wikang kilala bilang Lydian.Nasasakop ng Kaharian ng Lydia ang lahat ng nasa kanlurang Anatolia. Nang lumaon, naging pangalan ng isang lalawigang Romano ang Lydia. Nalikha sa Lydia ang mga piseta o kuwaltang bilog at yari sa metal noong mga 660 BC. Pinaniniwalaan na ang mga Lidyano (mga Lydian) ang umimbento ng ganitong uri ng mga salapi.
Bilang isang sinaunang bansa sa Asya Minor, mayaman sa mga mineral ang Lydia, partikular na sa mga gintong nagmumula sa Ilog Pactolus. Sentro ang kaharian ng kalakalan sa pagitan ng Gresya at Mesopotamya. Ulung-lungsod nito ang Sardis, isang lungsod na may malaking impluwensiya sa rehiyon. Si Haring Croesus ang huling hari ng Lydia, bago sakupin ang lungsod ng mga Persa (Persian) noong 546 BC.
Lydian
(Circa 680-547 B.C.E)
Barya ng Lydia sa Turkey
Hebrew
(Circa 1000-722 B.C.E.)
Ang mga Hebrew sa rehiyon ng Palestine ay gumagamit ng wikang Semitic. Katangi-tanging a ng mga Hebrew ang ideya ng monoteismo o paniniwala sa iisang diyos. Mahalagang batayan ng paniniwalang ito ang unang limang aklat (Torah o Pentateuch) ng lumang topan, gayundin ang pagbibigay-diin sa batas ng mga Hebrew na kung saan nakapaloob ang ideya ng moral sa pamumuhay.
Hittite
(Circa 1600-12 B.C.E.)
Ayon sa mga iskolar ang mga Hittite ay mula rin sa lahing Aryan. Ang kanilang orihinal na tahanan ay sa Hilagang-Silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila patungong bundok ng silangang Turkey kung saan sila ay nananahan. Pinakamahalaga sa imbensyon ng mga Hittite ang pagmimina ng iron ore sa paggawa ng iba't ibang kagamitang bakal.
Ang paglitaw ng iba pang mga katutubo at mga dayuhang imperyo sa rehiyon
Napasailalim ang Mesopotamia at iba pang bahagi sa Kanlurang Asya sa mga higit na malakas na katutubo at dayuhang imperyo. Mula sa Persia, nabuo ang Imperyong Achaemenid. Matapos ang dalawang siglo, nagapi ito ng Imperyong Macedonian. Nang lumaon, napasailalim ang malaking bahagdan ng Kanlurang Asya sa Imperyong Romanya.
Imperyong Persian o Achaemenid
(Circa 550-350 B.C.E.)
Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid. Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey)
Darius The Great (521 B.C.E. -486 B.C.E), umabot ang sakop ng imperyo hanggang india. Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap. Royal Road may habang 1,200 milya mula Surdis hanggang Susa. Dito naglalakbay ang mga, opisyal at mensahero. Zoroastrianism: relihiyon ng Persia na lalong nagpatanyag sa kanila. Ipinarangal ni Zarathustra o Zoroaster. Isa itong paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at pananagumpay ni Ahura Mazda, ang diyos ng kabutihan
O Achaemenid
Imperyong Macedonian
(Circa 338-263 B.C.E.)
Ang Macedonia ay naging prominente sa ilalim ng pamamahala ni Felipe II. Napagkaisa niya ang Macedonia at ang mga karatig na rehiyon, at bilang resulta ng kaniyang tagumpay sa Pagbabaka sa Chaeronea (338 B.C.E.), nangibabaw ang Macedonia sa karamihan sa mga estado ng Gresya. Pagkatapos ng pagpaslang kay Felipe, lumuklok sa trono ang kaniyang anak na si Alejandro (na Dakila). Pagkaraan ng dalawang taon, sinimulan ni Alejandro ang kaniyang malawakang kampanya ng pananakop. Noong panahong mamatay si Alejandro sa Babilonya (323 B.C.E.), naitayo niya sa pamamagitan ng kaniyang mga tagumpay sa digmaan ang isang imperyo na umabot sa India sa malayong S at nakasasakop sa Mesopotamia, Sirya, Palestina, Ehipto, Asia Minor, Tracia, Macedonia, at Gresya.
Philip II
Imperyong Roman
(circa 132 B.C.E.—456 C.E.)

Ang Imperyong Roman ay isa sa pinakadakilang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Mula sa pagkakatatag ng Republikang Roman noong 509 B.C.E., lumikas ang Rome hangang sa maging isa itong imperyo, Matagumpay nyang natalo ang cathage, ang lungsod na itinatag ng mga Phoenician sa hilagang Africa , sa tatlong serye ng Punic Wars na nagaganap sa pagitan ng 264 hangang 146 B.C.E . Tinalo rin ng Roem ang Macedonian at ginawang alawigan nito noong 146 B.C.E Mula 133 B.C.E., iba’t ibang lupain pa ang nasakop ng Rome sa baybayin ng meditteranean Sea. Lumawak ang sakop ng Rome sa ilalim ng pamamahala ni Augustus matapos niyang talunin sina Mark Antony at Cleopatra sa labanan sa Actium noong 31 B.C.E. Naging bahagi ng Imperyong Roman ang mga lupain ng Kanlurang Asya. Umabot hangang Euphrates River sa silangan ang sakop ng Imperyong Roman.Naitatag sa pagitan ng 27 B.C.E hangang 180 C.E ang Pax Romana o Kapayapaang Roman kung saan malawakang katahimikan at kasaganaan ang naghari sa nasasakupan nito. Bujod sa mga lupaing sakop , masaganang kalakalan din ang nag-ugnay sa Romeo at iba’t ibang bahagi ng Asya. Dumating sa Rome ang mga seda , pampalasa , pabango , mamahaling bato , at iba pang kalakal mula India at China ,
Noong 284 C.E , hinati ng emperador ng Rome na si Diocletian ang imperyong roman sa dalawa; Ang kanlurang bahagi ay natili sa rome samantalagang ang silangang bahagi naman ay sa Asya minor naghimpil. Noong 330 C.E , itinatag ni Constantine ang panibagong kabiserang imperial sa constantinopol ( istanbu ngayon ). Nakiala ito bilang imperyong Bayzantine nang lumaon . Subalit bago pa mahati ang imperyong roman sa dalawang bahagi , ang Palestine ay isa na sa mga probinsyang Roman. Naging bahagi ng imperyong roman ang ilang bahagi ng kanlurang asya.

Barya sa panahon ng Imperyong Romano
Imperyong Parthian
(circa 171 B.C.E – 226 B.C.E )

Sa pananaig ng mga Roman sa kanlurang asya , naging karibal nila sa kapangyarihan ang mga Parthian na nasa Persia . Pangunahing dahilan ng sigalot ang pagaagawan ng pagcontrol sa bansang Armenia. Ang mga pangunahing karabana ng sedan a nagmumula at pumupunta sa china ay pawing dumaraan sa Armenia kayat pinagaagawan ito,. Nang lumaon , bumagsak ang kapangyarihang Parthian ng ipasunog ng imperador ng Rome na si Marcus Aurelius ang kabisera nito sa Tigris.
Parthian Statue
Imperyong Sassanid
(circa 228 – 651 B.C.E )

Kilala rin bilang Ikalawang Imperyong Persian ang Imperyong Sassanid. Itinatag ito ni Ardashir 1 na nagtagumpay dahil sa pakikipagalyansia niya sa mga paring Zoroastrian, Ipinag-utos niya sa mga mamamayan ang pagiging tapat sa simbahan na sinuportahan ng estado. Ang mga paring Zoroastrian ay binigyan ng karapatan na magmay ari ng mga lupain at mangolekta ng ambag sa simbahan mula sa mga tagapanalig. Sa pagakas ng Isam sa rehiyon ng kanurang Asya , unti-unting nanghina ang mga Sassanian.
ANG PAGUNLAD NG KABIHASNANG
ARAB-ISlAMIC
Sa paglaganap ng Islam sa Kanlurang Asya , mabubuo ang higit na matatag na imperyo sa Kanlurang Asya. Ang imperyong Arab-Islamic ay magkakaloob ng mahahalagang ambag sa daigdig
Si Muhammad at ang simula ng Islam
Ayon sa mga iskolar , tinatayang 570 C.E nang isiang si Muhammad mula sa grupong Quraysh sa Mecca , sa Arabian Peninsula. Tanya gang Mecca sa pagkat ito ay isa sa mga sentro ng kalakalang Caravan . Tumutukoy ito sa grupo ng mga mangangalakal na sama- samang nagalakbay . Mahirap ang mga karaniwang mamamayan dito at sila ay naniniwala sa maraming diyos. Pinasulan ni Muhammad ang Monoteismo ng mangaral siya ukol sa Islam. Ang pasimula at mga Aral ng Islam ay tatalakayin sa mga sumusunod na Aralin. Bago sumakabilang buhay si Muhammad , nakapagtatag siya ng Ummah o Pamayanang Muslim na ginagabayan ng mga batas ni Allah. Subalit pagpanaw ni Muhammad , ang pamayanang Muslim ay naghirang ng kanyang magiging kapalit. Tinawag ang lider na ito bilang Caliph (Mula sa khalifhat Rasul – Allah) Na ang ibig sabihin ay “Kapalit ng Apostol o Mensahero (Rasul) ni Allah”
Muhammad
Ang Orthodox Caliphate
( 632-660 B.C.E )

Si Abu Bakr ang nahirang bilang unang Caliph. Siya ay namuno mula 632 hangang 634 C.E. Sinimulan niyang palaganapin pa ang Islam, lalong lalo na sa Iraq , Palestine , at Jordan. Maging ang Syria ay napasakamay narin ng mga Muslim. Mula 634 hangang 644 C.E , si Omar naman ang naging Caliph at ginamit niya ang titulong Amir-Al-Mu’minin (Pinuno ng mga nananalig). Ayon sa tradisyon , si Omar ang nagsimulang magpatulad ng iang kaugaliang muslim gaya ng wastong pagdarasal , pagaayuno at angv pagbabawal ng pagkain ng baboy . Ang ikatlong Caliphna si Uthman mula sa angkang Umayyad nang meca ay naupo sa kapangyarihan mula 644 hangang 656 C.E sa panahon niya , nagawang sakupin ang kabuuan ng Arabian Peninsula, Mesopotamia, Palestine, Syria, Egypt, Libya, Persia at Armenia , nagpadala si Uthman ng mga sugo sa China upang magtatag ng ugnayang pangkalakalan. Maraming muslim ang hindi kuntento sa kanyang pamamalakad dahil sa dami ng konsesyon at pribilehiyong natatangap ng angkang Umayyad. Si Ali, na pinsan at malugang ni Muhammad , ang siyang naluklok ng kapangyarihan bilang ikaapat na Caliph noong 656 hangang 661 C.E . Hindi lahat ng Muslim ay sumunod sa kanyang pamumuno. Sa kanyang pagkamatay, nahati sa dalawa ang Ummah o Pamayanang Muslim . Ang mga SHI’A (SHI’ITE ang tawag sa mga tagasunod nito ) ay naniniwala na ang tanging may karapatan lamag sa pagiging Caliph ay ang mga anak, Inapo , at ibapang kamaganak ni Ali sapagkat ito ay isang sagradong posisyon. Sa kabilang banda, ang mga Sunnite (mula sa Sunna o isang tradisyon na nagmula kay Muhammad) ang nananalig na ang caliph ay isang pulitikal na pinuno ng mga Muslim. Di lamang magmumula sa kamag-anakan ni Ali ang pagpili ng caliph.
Ang Umayyad Caliphate
(661-750 B.C.E)

Si Mu-Awiyah (660-750 C.E), ang gobernador ng Syria ang naka-agaw ng kapangyarihan ng caliphate sa pagkamatay ni Ali. Ang kaganapang ito ay hindi kinilala at mahigpit na tinutulan ng mga Shi’ite. Samantala , unti-unting lumakas ang kapangyarihan ng angkang Umayyad, ang sentro ng Caliphate ay inilipat mula sa Mecca patungo sa Damascus, Syria, nagawa ng mga Umayyad na sakupin ang Tunisia sa Africa at Timog na bahagi ng Spain. Pinagtangkaan nilang pasukin ang France subalit nabigo sila dahil Sa pagtatanggol ng hukbong Frank sa pamumuno ni Charles Martel. Ilang u ;it ding tinangka ng mga Umayyad na salakayin ang Constantinople subalit patuloy silang nabigo. Nahhina ang Caliphate nang mag-alsa ang ilang teritoryong sakop nito. Sa dakong huli, bumagsak din ang naturing Caliphate, bandang 750 C.E.
Ang Abbasid Caliphate
(750-1258 B.C.E)

Pumalit ang Abbasid caliphate noong 750 hanggang 1258 C.E. sa Umayyad. Ang Banghad, Iraq ang nagsilbing sentro ang Abbasid caliphate. Ang pamumuno nila ay tinanghal na “gintong panahon ng Islam” dahil sa pamumulaklak ng agham, panitikan, at pilosopiyang Islamic. Ang mga caliph na sina Harun, Al-Rashid (786-809 C.E) at ang kanyang anak na si Al-Mamum (813-833 C.E) ang siyang mga pangunahing tagapag traguyod ng mga intelektuwal na Gawain. Nagtatag ng mga kolehiyo at maging Gawain nila ang pagtitipon at pagsasalin sa Arabic ng mga akdang nakasulat sa mga wikang Greek , latin, Hebrew, Sanskrit, at Persian. Ai Al-Rashid ay nakipag-ugnayan pa kay Charlemagne (na noon ay namumuno sa isang lupain sa Europa) at sa emperador ng China. Lalo pang umawig ang pananampalataya ng mga Muslin ng lumakas ang kapangyarihan ng mga Ulama o mga eksperto sa tradisyong Islamic. Naging matibay ang batas na umiiral sa pamayanang Muslim na itinawag na Sharia.
MGA PANANALAKAY NG MGA TURK AT MONGOL
Noong 1055 C.E. , napasakamay ng mga Seljuk Turk ang Abbasid caliphate . Mula sa katawagan caliph, pinalitan ang titulo nang lider ng Muslim at tinawag na Sultan . Maging ang mga Mongol nabuhat sa Hulagang Asya ay sumalakay din sa mga teritoryong nasa ilalim ng Abbasid. Nang was akin ng mga Mongol ang Banghad noong 1258 C.E., tuluyan na itong humantong sa paghina ng kapangyarihang Abbasid, hindi naglaon napasailalim ng kapangyarihang Mongol ang halos kabuuan ng rehiyon ng Kanlurang Asya.

ANG IMPERYONG SAFAVID (1501-1772 ) at OTTOMAN (1453-1914)

Habang ang ibang rehiyon sa Asya ay napasailalim sa iba’t ibang pwersang Europeo, ang kanlurang Asya ay patulohy na nakikibaka laban Sa kanila. Sa Unit III , mababatid na napasa ilalim ang ibang rehiyon sa pananakop ng kanluranin maliban sa kanlurang Asya. Dahil sa Islam , nanatiling Malaya sa mga Europeo ang Kanlurang Asya at patuloy na pinagharian ito ng mga Muslim. Dalawang Imperyong Islamic ang naging makapangyarihan sa rehiyon noong huling bahagi ng ika 15 siglo hanggang sa mga unang dejada ng ika 20 siglo. Ang una ay ang impersong Safavid sa Persia na suportado ng mga Uizilvash. Ang ikalawa ay ang Imperyong Ottoman sa Turkey. Lumakas ang mga Ottoman , Turk mula nang humina ang Mongol, sa pagkamatay ni Genghis Khan at ang kanyang mga anak at inapo . Ang ilang mga lugar sa hilagang Turkey ay napasakamay ng mga Ottoman Turk simula 1345. Ang mga lupain naman ng Silangang Europa ay nadagdag sa teritoryong Ottoman sa pagitan ng mga taong 1398 hanggang 1450. Noong 1453 , sa ilalim ng Ottoman Sultan na si Mehmed II (1451-1481), nilupig ng Ottoman ang Imperyong Byzantin. Sinakop nila ang Constantinople at tinawag nila ito na Istanbul. Lumawig ang sakop ng mga Ottoman Turk dahil sa Janissarits, isang hukbong sandatahan na binuo ng mga sinanay na mandirigmang kabataan. Dating Kristiyano ang mga mandirigmang ito na yumayap na nang Islam.
Full transcript