Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

No description
by

kathy brooke

on 15 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
Kahulugan ng Pagsasalita
Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita
Kaalaman sa paksa
Kasanayan
Tiwala sa Sarili
Pakikipag-usap
pakikipanayam
pagkatang talakayan
pagtatalumpati
pakikipagdebate
Limang Kasanayan sa Pagsasalita
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
Tindig
Galaw o Kilos ng Katawan
Panuonan ng Pansin
Kumpas
2004
2007
2013
2010
2001
1998
Pamamaraan ng pakikipanayam:
1. Pormal
karaniwang isinasagawa ito sa larangan ng pangangalakal, pagpasok sa trabaho, sa mga tanyag at kilalang tao. karaniwang sa pamamaraang ito, ang kumakampanya ay nagtatakda ng panahon, araw, pook at oras upang ang kakampanyanin ay makausap at hindi masyadong maabala sa gawain.

2. Impormal
kadalasan sa pamamaraang ito, hindi na nagtatakda ng pook, maaaring kahit saan magkita, kadalasan ang pamamaraan ay "random." kung ang layon ay managalap o magsabi ng reaksyon hingil sa isang bagay kung kinakailangan.
Pangkatang Talakayan
Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan;
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik
3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan
4. Magkaroon ng bukas na isipan
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng
higit na nakararami
6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama
Pakikipagdebate o pagtatalo
Tungkol sa pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban
Tungkol sa pagtatanong:
a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita
b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita
c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong
MGA DAPAT TANDAAN SA PORMAL NA PAKIKIPANAYAM
(pahina 187-188)
Pakikipag-usap
Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang:
1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa
2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap
3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa nag-uusap ang pagsasalita
4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag-uusap
5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob
Pakikipanayam (Interbyu)
Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng pakikipanayam:
Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin
Pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa
Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin
Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras
Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan
Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang
Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu
TALUMPATI
Uri ng talumpati
Impromptu
-Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda.
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati:
Maglaan ng oras sa paghahanda
Magkaroon ng tiwala sa sarili
Magsalita nang medyo mabagal
Magpokus sa paksa habang nagsasalita

Extemporaneous
-Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas.
Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore:
Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan
Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.

Pinaghandaang talumpati
Kahinaan sa pagtatalumpati
1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa maraming tao.
2. Masyadong magalaw ang katawan at hindinakapokus ang pansin sa mga nakikinig
3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan.
4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati
Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan.
Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa malalaking madla.
Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga.
Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.
Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos sa harap ng madla:
Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o munuto ng pagsasalita.
Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay.
Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.
Sa pagkuha ng tala, may ilang mahahalagang bagay ang dapat tadaan:
1. Ihanda ang lahat ng kailangan bago pumunta sa lugar ng panayam o talumpati.
2. pakinggan at unawaing mabuti ang simasabi at huwag basta sulat ng sulat.
3. Sa bawat talang makuha, markahan ang mga ito sa kahalagahan.obserbahan rin ang nagsasalita o nagtatalupati upang makita kung anong ideya o pangungusap ang kanyang binibigyang-diin, inuulit at idinidiin sa isip ng kanyang tigapakinig.
4. Kailangang walang magagamit na 'tape recoder' makabubuti sa isang mag-aaral na gumawa ng sarili niyang sitema ng pagdadaglat.kailangang gumait siya ng pinakamaiikling salita, para sa madalas gamiting salita, maari niyang gamiting ang mga unang letra nito. halimbawa: "sa isang banda..." SIB nalang ang isulat.

ang mahalaga ay mapabilis ang gawain ng pagkuha ng tala ng hindi naman nasisira ang talagang sinasabi ng tagapagsalita.
PAGKUHA AT PAGSASAAYUS NG TALA SA PANAYAM AT TALUMPATI
2004
2007
2013
2010
2001
1998
Graciano Lopez Jaena
Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle.
Emilio Martinez Antonio
Si Emilio Martinez Antonio ay isinilang sa Bambang, Bulacan, Bulacan noong Disyembre 10, 1903. Isa siyang kinilalang mahusay na makata at nobelista. Ibinigay sa kanya ang karangalang Hari ng Balagtasan noong taong 1954 nang talunin niya ang nobelistang si Nemesio Caravana na isa ring makata sa isang balagtasang ginanap sa Philippine International Fair sa Maynila.
Si Mar Antonio ay pinarangalan din bilang Poet Laureate ng Liwayway Magasin noong Mayo 22, 1938. Nagbigay sa kanya ng karangalang ito ang kanyang tulang may pamagat na Ang Nayon Ko. Sa taong iyon ay natamo niya ang karangalang Makata ng Diwang Ginto.
Binawian siya ng buhay sa kanyang tahanan sa Quiapo, Maynila noong ika-13 ng Mayo, 1967.
Cresenciano C. Marquez Jr.
Si Cresenciano C. Marquez, Jr. o CC Marquez ay isinilang sa Maragondon, Cavite taong 1930. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Far Eastern University at Arellano University.
Isa siyang likas na makata. Nakilala siya dahil sa kahusayan sa pagbigkas at maging sa pagsulat ng mga tula.
Nang mamatay si Emilio Mar Antonio (Hari ng Balagtasan) si CC Marquez ang itinanghal na Hari ng Balagtasan. Premyado siyang makata ng Palanca Memorial Awards, CCP Literary Contest, Talaang Ginto at marami pang iba.
Naging reporter siya ng Taliba, Associate Editor ng People's Tonight at Managing Editor ng Balita.
Amando V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."
Dr. Jose Rizal
Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."
Francisco Baltazar
Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas
PAGKUHA NG TALA SA BABASAHIN
sa pagkuha ng tala sa babasahin, unang dapat gawing ay magbasa nanag magbasa ng ng mga aklat na maaaring pagkuhanan ng mga ito.

sa pag-aayos ng mga tala magiging malaking tulong ang mga kard na ganagamit sa paghahanap at pagtitipon ng mga tala. sa pamamagitan ng mga kard na ito mabilis na maisasayos ang mga datos at madaling maunawaang paraan. tignana muna ang mga kard ng magkaparehong ng paksa, pagkatapos ay ayusin upang magaing malinaw kung alin sa mga kard ang mauuna at susunod.
PAGBIBIGAY NG REAKSYON SA ISYU
ang pag bibugay ng reaksyon ay pasasatinig ng masa sa kanilang nababasa o nakikita. nabibigyan nila ng reaksyon ang mga isyu o paksa at ng nakakaroon sila ng kanilang sariling opinyong sa paksa o isyung narinig o nabasa. sa pagbibigay ng reaksyon, nagkakaroon ng pidbak ang mga nakababasa o nakaririnig. napaninindigan nila ang mga kaisipan ng mga mamamayan at mga isyung pambansa.
PAGBIBIGAY NG PAGHANGA O PAPURI
likas sa ating mga Plilpino na humanga sa maganda. madalas nating sabihin ang mga saliatang "ang galing nya," "wow! ang ganda nya," okay ka talaga sa bowling," husay mo talaga," "bilib ako sayo."ayon nga sa makata pag nadama mo ang paghanga ay walang makapipigil sa iyo upang ipahayag mo ang iyong pahanga. nagpapahayag tayo ng paghanaga at papuri sa iba't ibang pagkakataon at gumagamit tayo ng iba't ibang ekspresyong tulad ng mga sumusunod:
WAKAS
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG
Full transcript