Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Ano Ngayon?

No description
by

Donwel Mejia

on 10 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Ano Ngayon?

Paggamit ng Apoy
Noon:
Maraming tulong ang paggamit ng apoy sa ating pamumuhay. Isa rito ay ang paggamit ng apoy panakot o pantaboy sa mababangis na hayop. Sunod, ito’y nagbibigay ng liwanag sa madilim na yungib. Ito’y ginagamit para proteksyon sa malamig na panahon sapagkat sila’y nakatira sa malamig na panahon. Lalong lalo na ang paggamit ng apoy pangluto sa kanilang pagkain.
Pagsasaka
Paggamit ng mga
Pinatulis na Bato
Paggamit ng mga
Kasangkapang Metal
Pag-aalaga ng mga
Hayop
Wakas!
Ano Ngayon?
Tinutukoy ang ang kahalagahan sa kasalukuyan ng mga pangyayari sa iba't-ibang yugto ng pag-unlad ng: PAGGAMIT NG APOY, PAGSASAKA, PAG-IIMBAK NG LABIS NA PAGKAIN, PAGGAMIT NG MGA PINATULIS NA BATO at iba pa sa tulong ng Ano Ngayon? Chart.
Kasalukuyan:
Ang paggamit ng apoy sa kasalukuyan ay napakahalaga. Ito’y ginagamit upang makaluto ng pagkain hanggang ngayon. Mainam rin ito gamitin sa mga probinsya. Katulad na lamang na kapag wala kang kuryente sa iyong tirahan , pwedeng magsindi ng kandila gamit ang apoy upang kahit papaano may liwanag sa loob ng iyong tirahan. Hindi lamang nagtatapos ang kagamitan ng apoy dito kundi marami pa itong nadudulot ng maraming tulong sa ating araw araw na pamumuhay. Dapat ay pahalagahan at ingatan natin ang paggamit ng apoy, hindi ito laruan para laruin pero ito ay ginagamit sa mahahalagang paraan. Nakakasunog ito at dapat natin iwasan ang ganitong trahedya sa paraan ng paggamit ng apoy ng maayos.
Kasalukuyan:
Puwede na silang gumamit ng bakal na pang-araro sa mga lupang dating hindi nila mabungkal. Isa pang pagsulong noon ang pagtatanim ng mga halamang nagpapataba at nagbibigay ng nitroheno sa lupa—gaya ng beans, sitsaro, clover, at alfalfa. Kapag mas mataba ang lupa, mas sagana ang ani.
Dahil sa mga pagsulong na iyon, sobra-sobra ang ani ng ilang magsasaka kaya mayroon na silang pambenta. Bilang resulta, nagkaroon ng mga bayan, kung saan ang mga tao ay makakabili ng pagkain, makakapagnegosyo, at makakapagtayo ng mga pabrika. Ang ilan sa mayayamang may-ari ng pabrika, mga negosyante, at magsasaka ay nakaimbento ng unang mga makinarya sa pagsasaka.
Noon:
Sa panahon ng neolitiko noon naganap ang sistmatikong pagtatanim kasama dito ang pagsasaka. Isa itong rebolusyong kultural sapagkat natutustusan na ang pangangailangan ng pagkain ng mga sinaunang tao.
Pag-iimbak ng labis
na Pagkain
Kasalukuyan:
Sa kasalukuyan marami pa rin ang nag-iimbak ng pagkain. Isa sa pangunahing kailangan para mabuhay ang tao ay ang pagkain. Ang iba ay nag-iimbak ng pagkain upang sa panahong sila'y gipit ay mayroon pa rin silang pagkaing pagsasamantalahan. Ang iba naman ay nag-iimbak ng pagkain bago pa dumating ang tag-ulan kung kailan mahirap ang pagkuha ng pagkain at limitado lamang. At ang iba aynag-iimbak ng pagkain sa panahong mura pa ang presyo ng mga ito bago pa magmahal. Halos walang ipinagkaiba noon, sa pamamaraan lamang nagkakaiba.
Noon:
Sa pagtagal ng panahon, natuto silang gumawa at gumamit ng pana (bow) at palaso (arrows), at talian ang mga sibat nila ng tusok, karaniwang gawa sa pinatulis na bato.
Kasalukuyan:
Ang kahalagahan ng pinatulis na bato sa kasalukuyan ay nananatili pa rin itong kagamitan para sa mga modernong tao pati na rin sa mga Igorot na kung saan ito pa rin ang ginagamit nilang kasangkapan upang makahuli ng mga hayop. Isa pa, ang mga pinatulis na bato ay nagpapakita ng pagkawais ng mga sinaunang tao dahil naisipan nilang gumawa ng ganitong bagay para lang sa ikabubuhay nila kaya dapat pahalagahan natin ang mga ito upang maipakita natin ang ating pagmamalasakit sa mg ito.
Noon:
Sinasabing ang pagkatuklas at paggamit ng bakal ang nagbibigay-daan sa lalong pag-unlad ng pamumuhay ng mga unang Pilipino. Ang mga kagamitang bakal ay nakatulong sa kanila sa pagbubungkal ng lupa, pagputol ng mga punungkahoy upang gawing bahay at iba pang kasangkapan at paggawa ng mga sandata.
Kasalukuyan:
Ngayon, ang metal na ang halos ginagamit ng lahat ng tao. Makikita mo ito kahit saan at kahit kalian. Katulad na lamang ng ating tahanan. May pundasyon an gating bahay na hindi lamang puro bato at semento ngunit meron rin itong metal o bakal. Ang mga gusali na makikita natin kahit saan ay may pundasyon din ng metal. Sa transportasyon, ang mga kotse, trak, tricycle, bike, at iba pa, mapapansin natin na ito’y gawa sa metal. Sa mga ating kagamitan ngayon, mga kasangkapan, puro metal ang makikita natin.
Noon:
Nagtayo ng permanenteng tirahan ang mga sinaunang tao dahil natutunan na nila ang magtanim ng kanilang kakainin. Dahil dito, hindi na sila palipat-lipat ng tirahan at nanatili na lang sila sa isang lugar. Kadalasan silang tumitira sa mga lambak-ilog dahil madali dito ang magtanim.
Pagtatayo ng mga
Permanenteng Tirahan
Kasalukuyan:
Ngayon, mahalaga ang pagtatayo/pagkakaroon ng permanenteng tirahan:
Dahil isa itong paraan ng seguridad laban sa masasamang elemento: mga sakuna, paiba-ibang panahon, masasamang tao, mababangis na hayop, etc.

Dahil ipinapahiwatig nitong may kakayahan pa ang isang tao na magsurvive. Nagpapatayo tayo ng tirahan para atleast magkaroon tayo ng kasiguraduhan sa kung anong klase ng buhay ang ating hinaharap.
Noon:
Sila ay nag-aalaga ng mga hayop, ito'y inaalagaan nila at napapakinabangan sa pamamagitan ng paghahanap-buhay. Maging sa pagsasaka at pangangaso sila ay kasa-kasama ng mga tao noon.
Kasalukuyan:
Mula noon ay marami ng nag-aalaga ng hayop sa konsepto ng mabilis nating pamumuhay sa ngayon. Sa isang karaniwang tahanan, lalo na ng mga Pilipino, hindi maaaring mawalan ng hayop na inaalagaan ang pamilyang naninirahan dito.Ito ay sa kadahilanang likas na mapagkalinga ang mga Pilipino. Ang mga karaniwang hayop na inaalagaan ng tao ay ang mga aso't pusa at mga hayop na nakatutulong sa pangkabuhayan tulad ng mga manok, baboy, kalabaw, isda, kabayo at iba pa. Importanteng mapagtanto natin ang kahalagahan ng mga alaga nating hayop. Sila ay hindi lamang nagsisilbing dekorasyon sa ating tahanan. Sila ay higit pa roon, at dahil sa mga benepisyo nila, sila dapat ay ating ipreserba at alagaan.
Pamprosesong Tanong:
1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon?
Sagot:
Mahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon sapagkat ito ang naging daan natin upang makamit o maranasan natin ang nararanasan natin ngayon. Kumbaga ito'y naging ating "starting point" sa kung ano man ang pagbabago o pag-unlad sa ating pamumuhay.
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao?
Sagot:
Dahil dito mas lumabas ang pagiging malikhain, masipag, at responsable. Natuto rin ang mga taong tumayo sa kanilang mga sariling paa (not literally) , mahalin at pahalagahan ang kung anumang mayroon sila. Lahat ng ito'y nag-bunga ng modernong panahon, o ngayon.
3. Sa iyong palagay,
alin sa mga pagbabagong ito
sa pamumuhay ng tao ang may
pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?
Sagot:
Ang pagtatayo ng permanenteng tirahan ang siyang may malaking epekto sa kasalukuyan. Sapagkat sa pagkakaroon ng sariling tirahan maaari rin nating magawa ang pagsasaka. Sa permanenteng lugar, ang paghahanap-buhay ay nagiging permanente na rin sapagkat hindi maaaring iwanan ang pinagkukuhanan ng kanilang mga pangunahing pangangailangan. Maging ang pag-aalaga ng hayop. Maaari rin silang makatuklas ng mga kasangkapang metal at magpatulis ng bato sa anumang panahon. Sa pagkakaroon ng permanenteng tiraha'y nagagawa lahat ng ito nang mas maayos at mas mabilis.
Ang panahon noon ay may maraming ini-ambag sa kasalukuyan na nagpa-unlad sa buhay ng tao. Dahil sa mga ito ay naging maunlad ang ating buhay ngayon. Dapat natin pahalagahan ang mga ito.
Noon:
Dahil sa natutustusan na ang pagkain, natutunan na nilang mag-imbak ng labis na pagkain. Para sa panahong kulangin sila ng pagkain, mayroon silang pagkukunan. Nag-iimbak sila ng labis na pagkain para ikalakal sa ibang lugar.
Full transcript