Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Panahon ng Bagong Lipunan

No description
by

rozelle mae perez

on 22 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Panahon ng Bagong Lipunan

design by Dóri Sirály for Prezi
Panahon ng Bagong Lipunan
Tula
1. Pagkakaisa
2. Pagiging matiyaga
3. Pagpapahalaga sa pambansang kultura
4. Pag-uugali
5. Kagandahan ng kapaligiran

SAMAHANG PANGDULAAN
1. Peta- Cecille Guidote Alvarez at Lino Brocka
2. Repertory Philippines- Rebecca Godines at Zenaida Amador
3. Up Repertory- Behn Cervantes
4. Teatro Filipino- Rolando Tinio

PELIKULA
Sa panahon ng bagong lipunan ang mga pelikulang Pilipino ay kinikilala at ginagawaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng taunang Pista ng Pilipinong Pelikula. Ginagantimpalaan ang iba’t ibang pelikulang kalahok maging ang mga artistang kabilang dito.
Ang Pilipinas sa ilalim ng Martial Law
Setyembre 21, 1972- nagsimula ang panahon ng bagong lipunan
Karamihan sa mga panitikan sa panahon na ito ay tungkol sa ikauunlad ng bayan at inaasam nilang mawala ang malalaswang babasahin pati na rin ang mga akda na nagbibigay ng masamang moral sa mga tao.
 Mga karaniwang paksain ng mga akda sa panahon ng bagong lipunan
ikauunlad ng bayan
luntiang rebolusyon
wastong pagkain (nutrisyon)
pagpaplano ng pamilya
drug addiction
polusyon
Sinikap sa panahong ito:
Maputol ang malalaswang babasahin
Akdang nagbibigay ng mg masasamang impluwensiya sa moral ng mga mamamayan
Pinahinto ang pahayagang pampaaralan at samahang pampaaralan
MGA NAITULONG SA PAMBANSANG PANITIKAN
Ginawa ng pamahalaang military:
- Naitatag ang Ministri ng Kabatirang Pangmadla (ito ang namamahala at sumusubaybay sa mga pahayagan, aklat, at babasahing pangmadla)

Mga naitulong ni Imelda marcos:
- pagbalik sa mga sinaunang dula tulad ng senakulo at embayoka ng mga muslim
- pagpapatayo ng CCP o Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater.
- muling pagpapagawa ng Metropolitan Theater

Mga Paksa ng Tula
Mga kilalang manunulat ng tula
1. Ponciano Pineda
- Pilipino: isang depinisyon
2. Aniceto Silvestre
3. Jose Garcia Relevo
4. Bienvenido ramos
5. Vicente Dimasalang
6. Cir Lopez Francisco

Awitin
Nalaganap sa Pilipinas ang awiting Pilipino pati na rin sa ibang bansa, kinakanta ang awiting Pilipino.
Mga kilalang kompositor/
mang aawit ng Himig-Maynila
1. Rico J. Puno- The Way We Are
2. Cinderella- TL Ako Sayo
3. Freddie Aguilar- Anak
4. Florante- Ako’y Pinoy
5. Jose Mari Chan
6. Tito, Vic, at Joey
ILANG HALIMBAWA NG AWITIN SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
1. May bagong silang/ may bago nang buhay/ Bagong Bansa, bagong dangal/ sa bagong lipunan

2. Nagbabago ang lahat/ tungo sa pag-unlad at ating itanghal/ Bagong Lipunan

3. Ang gabi’y nagmaliw ng ganap
At lumipas na ang magdamag Madaling araw/ ay nagdiriwang
Sa umagang daratal/

4. Ngumiti ang pag-asa/
Sa umagang anong ganda

MGA BABASAHIN
Pahayagan
Magasin
Komiks
Napalitan ang mga balita mula sa mga negatibong balita patungo sa pangkaunlaran, pang ekonomiko, disipina, pangkultura, at iba pa.
PAHAYAGAN
Halimbawa ng pahayagan:
1. Bulletin Today
2. Times Journal
3. People’s Journal
4. Balita
5. Pilipino Express
6. Philippine Daily Express
7. Evening Express
8. Evening Post

Mga Magasin
1. Liwayway
2. Kislap
3. Bulaklak
4. Extra hot
5. Jingle Sensation

Mga Komiks
1. Pilipino
2. Extra
3. Lovelife
4. Hiwaga
5. Klasik
6. Espesyal

MGA HALIMBAWA NG PELIKULA
1. “Maynila.. Sa mga Kuko ng Liwanag”
- Sinulat ni Lagardo Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka at sa pangunguna ni Bembol Roco.

2. “Minsa’y Isang Gamu-Gamo”
- Ang pangunahing bituin dito ay si Nora Aunor

3. “Ganito Kami Noon.. Paano Kayo Ngayon”
- Pinangungunahan nina Christopher De Leon at Gloria Diaz

4. “Insiang”
- Pinangunahan ni Hilda Coronel

5. “Aguila”
- Pinangunahan ni Fernando Poe Jr., Jay Ilagan at Christopher De Leon

Ika-21 ng Setyembre 1972 – idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang Batas Militar(Martial Law sa Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang pagdedeklara dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos ipinalabas ang proklamasyon, agad na ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga demonstrador. Ipinasara ang mga istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.

Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defense Secretary/Minister at ngayo’y Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law na ‘iligtas’ ang republika mula sa mga masasamang elemento at bumuo ng ‘Bagong Lipunan’.

“Iligtas ang Republika”
Layong iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga komunista sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang kanilang mga miyembro, nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang mga mamamahayag ay napagbintangan na sila’y kasapi ng mga grupong Communist Party of the Philippines at New People’s Army kaya marami ang kaso ng extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski mga ordinaryong tao ay pinagbintangan kaya ang iba sa kanila’y sinaktan, pinatay at ipinahiya sa harap ng mga mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.
Bagong Lipunan
Hangad ni Marcos na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng Batas Militar. Nabago nga niya ang lipunan dahil takot na ang mga Pilipino sa kanya. Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan – nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod ng Maynila. Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-rati’y may ligalig at karahasan.
Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang “PLEDGES” na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral valuesGovernment Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan).
Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa mga unang taon ng Bagong Lipunan.
Ang kanyang ‘Bagong Lipunan’ ay nabalot ng mga pangamba at takot dahil sa isang utos niya lang, dapat sumunod at maniwala ang lahat o ipapapatay sila. Hatid niya ang bagong Pilipinas na puno ng kaharasan at patayan.

Marami ngang nagawa,
mas marami pa ang ninakaw sa kaban ng bayan

Oo’t marami nga siyang nagawa sa kanyang 21 taon na panunungkulan. Nandyan ang San Juanico Bridge, Cultural Center of the Philippines, Lung Center at Heart Center, ang mga programang Green Revolution, reporma sa Lupa, North Luzon at South Luzon Expressway at iba pa. Sabi ng ilan, mas mura ang mga bilihin noon kesa bago pa at pagkatapos ni Marcos ngunit hindi nila alam na binabantaan ng pamahalaan ang mga nagtitinda na panatilihin sa mababang presyo ang mga bilihin upang mas maging epektibo ang “Bagong Lipunan”. Ngunit sa mga iba niyang proyekto ay sukdulan ang paglabas ng pera mula sa kaban ng bayan upang ibigay sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak. Naging kontrolado ng kanyang pamilya ang ekonomiya kaya noong pinatalsik siya, pinabagsak nila ng husto ang ekonomiya ng bansa.
Pagbabago sa Pamahalaan at Saligang Batas.

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula nang ipahayag ang Martial Law. Ang Kongresyo na siyang gumagawa at bumabalangkas ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso.

Agad na ipinabuwag ang Saligang Batas ng 1935 at dagliang gumawa ng Kumbensyong Konstitusyonal na siyang gagawa ng bagong saligang batas. Ilan sa mga delegado sa kumbensyon ay sina dating Pangulong Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal, ang ilang mga kasapi ay mula sa pampublikong sektor at simbahang Katolika. Kaya nang naiharap at naipasa kay Marcos ang saligang batas, naging magulo ang pamahalaan. Matapos maipasailalim sa bagong konstitusyon ang bansa, naging dalawa ang tungkulin ni Marcos, ang maging Pangulo at Punong Ministro, ang Kongreso’y napalitan ng Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng Batas Militar, ang Pilipinas ay para bang nakasakay sa isang roller coaster, dahil sa magulong sistema ng pamahalaan at lipunan. Maraming inosente ang namatay dahil sa mga maling bintang at ang ating ipinagmamalaking sandatahan ay naging death machine ni Marcos laban sa mga katunggali niya. Ang kanyang mga sinabi sa kanyang inagurasyon noong 1965, mga proyekto niyang nakatulong sa nakararami ay nabahiran na ng dungis dahil sa kanyang pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 1081.

Inihatid niya ang Pilipinas sa daang bagsak ang ekonomiya, hati ang pananaw ng buong populasyon at mga giyera dahil sa iba’t-ibang paniniwala. Nawalan ng pag-asa ang mga Pilipinong biktima ng Martial Law upang makabangon.
Ngunit sa matuwid na daan, ang bawat isa ay dapat maniwalang may pag-asa pa, dahil tayo rin ang uukit ng maganda at bagong bukas. Tayo rin ang maghahatid sa ating mga sarili sa matiwasay na bansa, tungo sa kaunlaran. Huwag na natin sayangin ang panahon at ituwid natin ang kamalian, baguhin ang sistema at pag-isahin ang hangarin nating bagong Pilipinas.
Full transcript