Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Ibong Mandaragit

No description
by

Faith Clarisse Sotalbo

on 27 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Ibong Mandaragit

Mga Ibong Mandaragit
Thank You :D
Mga Ibong Mandaragit
by Amado V. Hernandez
Group Report in Filipino IV
designed by Péter Puklus for Prezi
Amado V. Hernandez
Buod ng Istorya
Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata Matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni Pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.

Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.

Kamalayang Panlipunan
Sa seleksyon na aming nabasa, ang mga tao rito ay parang mga NPA na nakatira sa bundok. Sapagkat sila ay lumalaban lamang para sa kanilang kaligtasan. O di kaya sa kaligtasan ng kanilang mga kapamilya na nakatira din sa bundok. Pwede rin silang maihalinulad sa mga MILF dahil sila ay lumalaban lamang para sa kanilang mga karapatan o sadyang hindi siguro nasusunod ng gobyerno ang kanilang minimithi.
Pagbigkas ng Talumpati
Pagtatalumpati
– isang pasalitang paraan ng pagpapahayag ng saloobin, kaisipan at damdamin sa masining na paraan
Mga Aral na Natutunan sa Istorya
"Walang malalim na dagat na hindi magagawang sisirin." - Tata Matyas
Tungkol sa May-akda
Asawa niya si Honarata "Atang" de la Rama, ang "Queen ng Kundiman"
Siya ay ipinanganak sa Hagonoy, Bulacan at lumaki sa Tondo, Maynila
Death: ika-24 ng Marso, 1970
Birth: ika-13 ng Setyembre, 1903
Ang Kanyang Mga Gawa
Mga Nobela
 Mga Ibong Mandaragit, 1969
 Luha ng Buwaya, 1972

Mga Tula
 Isang Dipang Langit
 Panata sa Kalayaan
 Ang Dalaw
 Bartolina
 Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan

Siya ay isang Pilipinong manunulat, nobelista, at lider
Mga Parangal
 Makata ng Ilaw at Panitik, 1925
 Gold Medal for Wala ng Lunas, Ilaw at Panitik, 1931
 First Prize for Pilipinas, Commonwealth Literacy Contest, 1938
 First Prize for Kayumanggi, Commonwealth Literacy Contest, 1940
 Don Carlos Palanca Memorial Award for Muntinglupa, 1958
 Don Carlos Palanca Memorial Award for Hagdan sa Bahaghari, 1959
 Don Carlos Palanca Memorial Award for Ang mga Kagalang-galang sa Bahaghari, 1960
 Don Carlos Palanca Memorial Award for Magkabilang Mukha ng Isang Bagol, 1961
 Republic Cultural Heritage Award for Isang Dipang Langit, 1962
 NPC ESSO Journalism Award for Luha ng Buwaya, 1963
 NPC ESSO Journalism Award for Pili sa Pinili, 1964
 Patnubay sa Sining at Kalinangan Award, Manila City Government, 1964
 NPC ESSO Journalism Award for “Report on Indonesia”, 1965
 Balagtas Memorial Award for Bayang Malaya, Cultural Center of the Philippines, 1969
 Tanglaw ng Lahi Award, Ateneo de Manila University, 1970
 National Artist for Literature, 1973

Mga Dula
 Muntinglupa, 1957
 Hagdan sa Bahaghari, 1958
 Ang mga Kagalang-galang,1959
 Magkabilang Mukha ng Isang Bagol, 1960

Mga Sanaysay
 Si Atang at ang Dulaan
 Si Corazon de Jesus at ang ating Panulaan
 Pilipinismo: Susi sa Bagong Tagumpay
Mga Maikling Kwento
 Wala ng Lunas
 Kulang sa Dilig
 Langaw sa Isang Basong Gatas
 Dalawang Metro sa Lupang Di-Malipad ng Uwak
 Ipinanganak ang Isang Kaaway sa Sosyedad
 Magpinsan
Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.

Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.

Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.

Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.

Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng Political Science sa U.P.

Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.
Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.

Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.

Tinig
Dapat alam kung kailan hihinaan o lalakasan ang kanyang boses.
Ang voice variation o pag-iiba-iba ng boses ay nakakapangakit ng mga taga-pakinig upang lalong pagtuunan ng pansin ang kaisipang inihahatid nito
Ang tinig ay dapat buo at malinaw

Tindig
Kailangang magkaroon ng “tindig panalo” – ito ang pagtindig sa entablado na kakikitaan ng tikas o tiwala sa sarili
Iwasan ang tindig military na parang naninigas ang katawan. Sikaping mag-relaks

Mga Dapat Tandaan sa Pagtatalumpati
Pagbigkas
Ang pagbitaw ng bawat salita ay may wastong diin at wastong pagkakapantig.
Kailangan ding ayusin ang pagbuka ng bibig dahil kung naayon ito sa salita mas lalong magiging malinaw ang mensahe ng bawat linya

Pagtuunan ng Pansin
Kailangang magkaroon ng ugnayan sa mga taga-pakinig gamit ang pagtutuon ng paningin sa mga ito.
Mahalaga ito upang madama ng mga taga-pakinig ang sinseridad ng mananalumpati

Pagkumpas
Makakatulong ito upang pantumbas ng ideya
Hindi kailangang biglaan na itinataas o ibinababa ang mga kamay at hindi rin dapat nanlalambot.
Halimbawa, karaniwang itinataas ang hintuturo o braso kung ipinapahayag ang mahahalagang opinyon.

Group 4 - St. Liberatus
Frances Varilla
Faith Sotalbo
Renzo Ramos
Jem Roc
Lois Bugarin

Requiem - panalalangin na wikang latin para sa yumao
Yantok - uri ng rattan
Tampipi - lagayan/ bagahe
Natigatig - nabagabag, nagalala
Mandaragit - isang hayop na kumakain ng kapwa hayop
Gahol - kulang, di sapat
Himpilan - lugar/ pwesto ng trabaho
Pinukol - maghagis, ibato
Talasalitaan:
Full transcript