Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

SANHI AT BUNGA

No description
by

Cherry Talatala

on 2 November 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of SANHI AT BUNGA

SANHI AT BUNGA
Layunin:
SANHI AT BUNGA
BASAHIN ANG KWENTO
Panuto sa mga Mag-aaral
Basahin at unawaing mabuti ang mga aralin tungkol sa sanhi at bunga.
Sundin ang mga panuto at unawaing mabuti ang mga katanungan sa pagsasanay.
Sagutin ang bawat pagsasanay na may pag-iingat at tingnan ang mga wastong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto.

Bago simulan ang modyul na ito, nararapat na may sapat na kaalaman tungkol sa sanhi at bunga.
Paunang Pagsubok (Pre-Test)
1. _____ Nag-aral mabuti si Louisse
_____ kaya matataas ang marka niya sa pagsusulit.

2. _____ Bumagsak si Lester sa pagsusulit
_____ dahil hindi siya nag-aral mabuti.

3. _____ May paso sa kamay si Denisse
_____ kaya iyak siya ng iyak.

4. _____ Bumaha sa Brgy. Palasan, Valezuela City
_____ dahil sa malakas na ulan.

5. _____ Nasa klinika ng paaralan si Yuri
_____ dahil masakit ang ngipin niya
Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang "CAUSE".
Basahin ang kuwentong naglalahad ng sanhi at bunga.
May Natutunan
ni: Charisse P. Talatala

Isang umaga, naglalakad si Dan sa tulay ng Caingin nang bigla siyang tinawag ni Bongbong. “Dan, baha parin ba sa barangay ninyo?” “Oo Bongbong mataas parin ang baha sa aming barangay” sagot ni Dan. “May sanhi at bunga kasi ang pagbaha” sagot ni Bongbong. “Bongbong, ano ba ang sanhi ng pagbaha at ano ang bunga nito sa tao?” tanong ni Dan.
“Maraming kasing basura na nakaimbak sa mga ilog, kanal at sa iba pang mga daluyan ng tubig. Isa pa, ang pagputol sa mga punong kahoy o (illegal logging). Ang mga punong kahoy kasi ang siyang sumisipsip sa tubig na dulot ng labis na ulan at siyang nagpapatibay sa lupa o bundok para maiwasan ang pagguho ng lupa o landslide.
Ang sanhi ng baha ay ang pagragasa ng tubig ulan at pagtatambak o pagpapataas sa iba’t- ibang mga lugar. At ang bunga naman nito ay pagdami ng mga ibat-ibang uri ng sakit, pagkawala ng kabuhayan ng mga tao tulad ng mga pananim at pagkamatay ng ibang mga taong nasa lowland area,” mahabang paliwanag ni Bongbong.
“Salamat at marami akong natutunan sa iyo Bongbong sa saglit na pagkikita natin ngayong araw, sana humupa na ang baha upang makapaglinis na ako ng mga nalubog na bagay sa bahay at barangay namin” natutuwang sagot ni Dan.

Ilahad ang maaaring maging bunga ng sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
1. Pag-ulan ng malakas __________________________________________________.
2. Pagsusunog ng kagubatan _________________________________________________.
3. Pagtatapon ng mga basura sa ilog ______________________________________________.
4. Pagpuputol ng mga punongkahoy sa gubat ______________________________________.
5. Panghuhuli ng mga hayop _________________________________________________.

PAGSASANAY:
Isulat kung Sanhi o Bunga ang nakasalungguhit na mga salita sa pangungusap.
______________1. Hindi siya natulog ng maaga kaya nahuli siya sa klase.
______________2. Hindi siya kumain ng hapunan kaya sumakit ang tiyan nya dahil sa gutom.
______________3. Gabi nang umuwi si Kim kaya pinagalitan siya ng kanyang Tita.
______________4. Nag-aral siyang mabuti kaya nakakuha siya ng mataas na marka.
______________5. Masaya si Bb. Talatala dahil mababait ang kanyang mga mag-aaral.
______________6. Malakas kumain si Malou kaya malusog siya.
______________7. Pinuri ni Gng. Agustin ang kanyang mga mag-aaral dahil magagalang ang mga ito.
______________8. Pinalakpakan si Meng dahil sa husay niyang tumugtog ng piano.
______________9. Pista ng Polo kaya nagpasyang pumunta roon ang magkakaibigan.
_____________10. Nahulog si Jeff sa hagdan dahil hindi niya tinitignan ang kanyang hinahakbangan.

Ilog sa Barangay Mabuhay
ni: Charisse P. Talatala

Ang Barangay Mabuhay ay may itinatagong ring ganda. Ipinagmamalaki nito ang napakalinis at malinaw na tubig sa kanilang ilog. Ngunit isang araw, may mga negosyanteng dumalaw sa Barangay Mabuhay at humihingi ng pahintulot na magtatayo sila ng pabrika malapit sa ilog.
Makalipas ang isang buwan, pinayagan ng mga pinuno ng barangay ang pagpapatayo ng pabrika malapit sa ilog. Patuloy na dumadaloy sa ilog ang mga kemikal mula dito. Naging pabaya ang mga taga Barangay Mabuhay sa ilog kaya dumumi at namatay ang mga isda. Lumutang sa ilog ang mga patay na isda at walang nang maimbak na isda ang mga tao. Wala nang mahuling isda sa ilog nang magsimulang maghanap ng ulam ng mga taga barangay. Hindi na makapangingisda ang mga tao sa ilog dahil nawalan ng hanapbuhay ang mga tao sa barangay Mabuhay.

GAWAIN:
1. _______ Naging pabaya ang mga taga Barangay Mabuhay sa ilog.
_______ dumumi ang ilog at namatay ang mga isda.

2. _______ Hinayaan ng mga pinuno ng barangay ang mga pabrika.
_______ Patuloy na dumadaloy sa ilog ang mga kemikal mula dito.

3. _______ Wala nang mahuling isda sa ilog.
_______ Nagsimula ang paghahanap ng ulam ng mga taga barangay.

4. _______ Walang nang maimbak na isda ang mga tao.
_______ Lumutang sa ilog ang mga patay na isda.

5. _______ Hindi na makapangingisda ang mga tao sa ilog.
_______ Nawalan ng hanapbuhay ang mga tao.

PAGSASANAY:
1. Si Carlo ay huli sa klase kaya nagalit Bb. Talatala.
2. Umiyak ng malakas ang sanggol kasi gutom siya.
3. Masayahing bata si Lorein kaya mahal siya ng maraming tao.
4. Mataas ang lagnat ni Marcelyn kaya hindi siya pumasok sa paaralan.
5. Galit si Nanay dahil sa mababa ang marka ni Ivan sa pagsusulit.
6. Maganda ang sayaw nila Rissa kaya tuwang-tuwa si Gng. Guevarra.
7. Maraming natanggap na regalo si Ara kasi kaarawan niya.
8. Mahilig kumain ang aking nanay kaya siya ay malusog at masigla.
9. Konti ang tubig sa balon hindi umulan ng malakas at napakainit.
10. Hindi natutulog ng maaga si Raquel kaya nahuli siya sa pagpasok sa klase.
Makikilala ang sanhi at bunga.
Matutukoy ang sanhi at bunga na gagamitin sa mga pangungusap.
Magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ang anumang matutunan tungkol sa sanhi at bunga.

Isulat ang B kung ang parirala ay bunga at S kung ito ay sanhi.
Ang BUNGA ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang "EFFECT".
May mga salitang ginagamit na nagpapakita ng ugnayang sanhi at bunga. Ang mga halimbawa nito ay dahil sa, kasi, kung, kapag, para, sapagkat, nang at palibhasa.
a. dudumi ang tubig at mamamatay ang mga isda.
b. pagguho ng lupa.
c. mauubos ang mga hayop sa paligid.
d. mauubos ang mga punong sumisipsip sa tubig na dulot ng labis na ulan
e. babaha ang paligid.

GAWAIN:
Isulat ang B kung ang parirala ay bunga at S kung ito ay sanhi.
Bilugan ang sanhi at salungguhitan ang bunga.
BASAHIN ANG KWENTO
Ang Pag-uwi sa Tagaytay
Ni: Charisse P. Talatala

Isang araw ng Sabado, nagpasyang umuwi ang mag-anak ni Boyet sa Tagaytay. Nasasabik si Boyet na makita ang kanyang Nanay Alice kaya niyaya niya ang kanyang mag-anak na pumasyal doon. Malayo ang Tagaytay sa lugar ng mag-asawa kaya matagal-tagal din ang kanilang biyahe.
Nasasabik din si Aling Alice sa kanyang anak kaya naghanda siya ng masarap na pagkaing pagsasaluhan. Malamig ang simoy ng hangin kaya nakadama agad ng ginhawa si Boyet. Masayang nagsalo-salo ang buong mag-anak ni Amang Carpeng kaya masasabing dadalasan ni Boyet ang pag-uwi sa Tagaytay.

GAWAIN:
PAGSASANAY:

Sanhi
______1. Nasasabik si Boyet na makita ang kanyang Nanay Alice.
______2.Nasasabik din si Aling Alice sa pagbisita ng kanyang anak.
______3. Masayang nagsalo-salo ang buong mag-anak ni Amang Carpeng.
______4.Malayo ang Tagaytay sa lugar ng mag- asawa
______5.Malamig ang simoy ng hangin.

Bunga
a. Masasabing dadalasan ni Boyet ang pag-uwi sa Tagaytay.
b. Matagal-tagal din ang kanilang biyahe.
c. Niyaya niya ang kanyang mag-anak na dalawin ang kanyang ina.
d. Nakadama agad ng ginhawa si Boyet.
e. Naghanda siya Aling Alice ng masarap na pagkaing pagsasaluhan.

Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan. Isulat ang letra ng tamang bunga sa patlang ng sanhi.

____ 1. Napakainit ng panahon.
____ 2. May sirang ngipin si Danny.
____ 3. Hindi kumain ng tanghalian si Romeo.
____ 4. Hindi nag-aral si Nori.
____ 5. Napakalakas ng bagyo.
____ 6. Puno ng mga pasahero ang mga dyip.
____ 7. Nagtulungan kami.
____ 8. Hindi maingat magmaneho ang lalaki.
____ 9. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan.
____ 10.Tinapos ni Sonia ang kanyang mga takdang-aralin.

a. Kinansela ng DepEd ang mga klase.
b. Nakatawid ako nang maayos.
c. Gutom na gutom siya.
d. Naaksidente siya sa daan.
e. Mababa ang nakuha niyang marka sa
pagsusulit.
f. Pinayagan siyang maglaro sa labas ng bahay.
g. Sumakay na lang kami sa traysikel pauwi.
h. Pumunta siya sa dentista.
i. Binuksan namin ang aircon.
j. Madali naming natapos ang gawain.
GAWAIN:
PAGSASANAY:
Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang "CAUSE".
1. ____________ Nadapa si Tony
____________ kasi tinulak siya ni Oscar

2. ____________ May bagyo
____________ kaya walang pasok.

3. ____________ Kapag nag-aral kang mabuti,
____________ makakapasa ka.

4. ____________ Nahulog sa duyan si Bibay
____________ dahil malikot siya.

5. ____________ Naligo sa ulan si Bebe
___________ kaya nilagnat siya.

Isulat kung SANHI o BUNGA.
Ihanay ang angkop na pariralang nagsasaad ng sanhi sa loob ng kahon ayon sa bungang ibinigay.

Sanhi
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Bunga
1. Kinansela ng DepEd ang mga klase.
2. Nakatawid ako nang maayos.
3. Binuksan namin ang aircon.
4. Pumunta siya sa dentista.
5. Pinayagan siyang maglaro sa labas ng bahay.
6. Sumakay na lang kami sa traysikel pauwi.
7. Gutom na gutom siya.
8. Matagal-tagal din ang kanilang biyahe.
9. Nakadama agad ng ginhawa si Boyet.
10. Mababa ang nakuha niyang marka sa
pagsusulit.


a. Tinapos ni Maria ang kanyang mga takdang-aralin.
b. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan.
c. Puno ng mga pasahero ang mga dyip.
d. Napakainit ng panahon
e. Hindi nag-aral si Nori.
f. Napakalakas ng bagyo.
g. Hindi kumain ng tanghalian si Romeo.
h. May sirang ngipin si Danny.
i. Malayo ang Tagaytay sa lugar ng mag- asawa.
j. Malamig ang simoy ng hangin

Ang BUNGA ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang "EFFECT".
GAWAIN:
PAGSASANAY:
Isulat kung SANHI o BUNGA.
1. ____________ Walang ingat ang mga tao sa pagtatapon ng basura
____________ Nagbabara ang mga ilog at kanal

2. ____________ Magiliw sina Mikee at Joey sa isa’t-isa
____________ Sila ay naging matalik na magkaibigan

3. ____________ Mabait ang Panginoon
____________ Hindi niya pinahirapan ang mga tao

4. ____________ Mabilis na natuyo ang mga nilabhang damit
____________ Matindi ang sikat ng araw

5. ___________ Maraming bata ang masayang namasko sa mga Ninong at Ninang
___________ Sumapit ang kapaskuhan

Ihanay ang angkop na pariralang nagsasaad ng bunga sa loob ng kahon ayon sa sanhing ibinigay.
Sanhi
1. Gabi nang umuwi si Paula
2. Hindi siya kumain ng hapunan
3. Nag-aral siyang mabuti
4. Masaya si sister Luz
5. Hindi siya natulog ng maaga
6. Nadapa si Jenny
7. Malakas kumain si Lani
8. Pinalakpakan si Alden
9. Walang ingat ang mga tao sa pagtatapon ng basura
10. Sumapit ang kapaskuhan

Bunga
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
a. Nakakuha siya ng mataas na marka
b. Mababait ang pangkat Ipil-Ipil
c. Pinagalitan siya ng kanyang Tita Leoni
d. Malusog siya
e. Nahuli siya sa klase
f. Mahusay siyang umarte
g. Sumakit ang tiyan nya dahil sa gutom
h. Hindi niya tinitignan ang kanyang nilalakaran
i. Maraming bata ang masayang namasko sa mga Ninong at Ninang
j. Nagbabara ang mga ilog at kanal

Panukatang Sangguniang Pagsusulit (Post Test)
Isulat kung SANHI o BUNGA.
1. ____________ Nadapa si Kiko
____________ kasi tinulak siya ni Milo

2. ____________ May bagyo
____________ kaya walang pasok.

3. ____________ Kapag nag-aral kang mabuti,
____________ makakapasa ka.

4. ____________ Nahulog sa duyan si Ela
____________ dahil malikot siya.

5. ____________ Naligo sa ulan si Ricca
___________ kaya nilagnat siya.

6. _______ Naging pabaya ang mga taga Barangay Lugam sa ilog.
_______ dumumi ang ilog at namatay ang mga isda.

7. _______ Hinayaan ng mga pinuno ng barangay ang mga pabrika.
_______ Patuloy na dumadaloy sa ilog ang mga kemikal mula dito.

8. _______ Wala nang mahuling isda sa ilog.
_______ Nagsimula ang paghahanap ng ulam ng mga taga barangay.

9. _______ Walang nang maimbak na isda ang mga tao.
_______ Lumutang sa ilog ang mga patay na isda.

10. _______ Hindi na makapangingisda ang mga tao sa ilog.
_______ Nawalan ng hanapbuhay ang mga tao.
Binabati kita dahil natapos mo ang modyul na ito nang may kasiyahan at puno ng kaalaman. Sana ay maging kapaki-pakinabang ang susunod na modyul na katulad nito sa patuloy mong pagkatuto.
NI: Bb. Charisse P. Talatala
Full transcript