Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kabanata 24 at 25 ng Noli Me Tangere

No description
by

Dominique Jardiolin

on 4 December 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabanata 24 at 25 ng Noli Me Tangere

Kabanata 24 at 25 ng Noli Me Tangere
Buod ng Kabanata 24 A: Sa Kagubatan
“Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito tinapos ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang mga kalalakihan. ”
Buod ng Kabanat 25: Sa Tahanan ng Pilosopo
“Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng matanda at siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sa kanya, ang mga susunod na salinlahi ay mga walang piring sa mata at gising sa nangyayari sa lipunan.
“Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa.
“Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at Sinang.”
“Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, malaking kasalanan ang maniwala sa nilalamannito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman kaagad ang kura at padabog na bumalik ng kumbento.”
“Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil ang kagubatan ngunit ala silang nakitang Elias.”
Pagsusuri (K24 A)
Naipakita ni Rizal sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino noong panahon ng mga Kastila - ang pamamasyal o tipanan ng mga dalaga at binata ay bahagi ng pangkomunidad na pagdiriwang. Kapuna-puna ang tagpo sa kabanatang ito - gubat. Ipinamalas na rito ni Rizal ang interes niya sa "Botany" at "Zoology". Karagdagan pa, ipinakita na ginagamit na sa Pilipinas ang teknolohiyang telegrama sa pagitan ng mga nasa probinsiya at Maynila at sa labas ng bansa tulad sa Europa, Asya at Amerika.
“Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang mga binabalak sa mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo ang mga makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay ayon sa pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang siyang sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga iyon.”
“Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang kapangyarihan ng simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya dito na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang mangyari sa kanyang mga balakin.”
“Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa rosas na yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung hindi ito ay mababali lamang; at sa puno ng makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi niya ito gagawin ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa siyang punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya ng makakapitan at masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi makabangon.”
“Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang mga binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan.”
“Nagpaalam na si Ibarra pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.”
Buod ng Kabanata 24 B: Elias at Salome
Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan nila ang taong kanilang hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng isang lawa. Naroon sa batalan ng kubo si Salome, ang dalagang nanahi. Dumating si Elias, ang piloto ng bangkang hanap ng mga Kastilang guwardiya sibil. Sa buong akala ni Salome, lilitaw si Elias mula sa lawa, subalit hindi ito ang nangyari dahil sa nakakilala kay Elias. Napag-usapan ng dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at si Maria Clara na anak ni Kapitan Tiago. Nagkaroon ng pamamaalam.
Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang manirahang kapiling ng mga kamag-anak sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kanilang mga kapalaran, maaaring matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso. Ibig sanang makapiling ni Salome si Elias, na samahan siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang kalayaan si Elias na gawin ito dahil sa mga kaganapan noong araw na iyon bago sila muling magkita. Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang ari pa nitong kabataan at kagandahan upang makakita ng kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib.
Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, na gamitin ni Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pagaalala nila sa isa’t isa habang magkalayo. Isang gawaing maituturing ni Salome sapat na upang maituring na magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang magiging pagkakalayo sa isa’t isa. Sa halip, kumalas si Elias sa pagkakayap kay Salome. Mabilis siyang lumiwas at naglaho sa mga anino ng mga puno. Sinundan lamang ni Salome ng tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga yabag ng lalaking kaibigan.
Karagdagang Kaalaman:
Ang Elias at Salome ay ang dating nawawalang kabanata ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Sa mga siping kinapapalooban nito, karaniwang ito ang ibinibilang na ika-dalawampu't limang kabanata ng aklat. Sa mga makabagong sipi, kalimitang nauuna ito sa Sa Tahanan ng Pilosopo at Katapusan ng Noli, o idinaragdag sa huli o sa apendiks ng aklat. Karaniwang pinapaniwalaang hindi ito nasama sa orihinal na paglilimbag dahil kinulang si Rizal ng pambayad sa pagpapalimbag, kaya't kinailangang bawasan ang mga kabanata ng nobela. Nang natagpuan ang orihinal na manuskrito, nakita ang kabanatang ito na may malaking ekis, kung kaya't binansagan itong "Kabanata X", isa ring dahilan kung bakit idinaragdag din ito sa bahaging apendiks (kung mayroon) ng aklat. Sa salin ni María Soledad Lacson-Locsin, na may dagdag ni Raul L. Locsin, ito ang pangdalawampu't limang kabanata.
Pagsusuri (K25)
Naihayag dito ang pangarap ni Rizal para sa kanyang bayan -ang pagkakaroon nila ng edukasyon. Sa paraang ito maimumulat ang Pilipino sa katotohanan. Ipinakita ang hadlang sa mahusay na panukala - ang Simbahan at Pamahalaang Kastila. Gayumpaman. salig sa payo ng ilang matalinong Pilipino, kapakumbabaan ang susi sa ikatutupad ng pangarap.
by Dominique Jardiolin
and Stephen Biasca

Thank you :)
Talasalitaan:
Kiming dalaga - mahiyaing dalaga
Naganyak na sumama - napa-oo
Nasawata ang pagtatalo - napigilan
Tagpuan - Sa Kagubatan
Talasalitaan
Tampalasang sanlibutan - masama
Jerogloficong pagsulat - istilo ng pagsulat
Kalupi ang tangan - pitaka o lalagyan
Tagpuan - Bahay ni Mang Tasyo
Full transcript