Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga Likas na Yaman at Produkto ng Bansa

No description
by

ricardo sirot

on 17 September 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Likas na Yaman at Produkto ng Bansa

Mga Likas na Yaman at Produkto ng Bansa
Agrikultural na Lupain
Isang agrikultural na bansa ang Pilipinas. Agrikultura ang pangunahing hanapbuhay dito. Karamihan sa mga Pilipino ay nabubuhay sa pagsasaka. Malawak ang taniman sa bansa. Tinatayang may 35% ang sinasakang lupain dito.
Nagluluwas tayo ng 40% na galing sa agrikultura at 60% naman ang manggagawa rito.
Isa sa mga natatanging pinagkukunang yaman ng Pilipinas ay ang malalawak na kalupaan nito.
Mga Impormasyon tungkol sa mga mineral:
1. Pangwalo tayo sa pagpoprodyus ng ginto sa buong mundo.
2. Pangsampu tayo sa pagpoprodyus ng tanso at pinakamalaki ang produksyon nito sa Timog Silangang Asya.
3. Namimina sa Palawan ang LANGIS na tinatawag na BLACK GOLD.

Mga Mineral
Mga karaniwang mineral sa Pilipinas:
1. Ginto
2. Pilak
3. Tingga
4. Tanso
5. 'Zinc'
6. Chromite
Mayaman ang bansang Pilipinas. May iba't ibang yaman tayo na dapat ipagmalaki. Tungkulin natin bilang mga mamamayan na tuklasin,pagyamanin, at ingatan ang mga ito para mapakinabangan ng lahat ng mga Pilipino. Isa ito sa mga nakatalang doktrina sa ating Saligang Batas hinggil sa pangangalaga ng teritoryo ng Pilipinas.
Tandaan:
1. Kilala ang Surigao sa deposito ng bakal. May deposito itong isang bilyong tonelada sa kasalukuyan. Isa ito sa may pinakamayamang deposito ng bakal sa buong mundo na hindi pa gaanong nalilinang.
2. Kilala ang Pilipinas sa maraming deposito ng ginto sa Asya.
3. May natagpuang deposito ng langis sa bansa.
4. May bagong natuklasang deposito ng nickel sa Nonoc Isle sa baybayin ng Hilagang Mindanao.
5. Matandang industriya ang tanso sa bansa.
6. Sa Zambales matatagpuan ang malaking deposito ng Chromite.
7. Napakalaki ng deposito ng mineral sa Palawan, Mindoro, lalung-lalo na ang Romblon.
Mga Halaman at Hayop
Mayroon tayong 8, 120 uri ng halaman, 3,000 uri ng puno, at 1,000 uri ng orkidya. Ang Pilipinas ay ang "Lupain ng mga Bulaklak". Mayroong 10, 000 uri ng mga bulaklak at pako sa bansa.
Mga Endangered species sa Pilipinas:
Ang Agila o Philippine Eagle ay ang pinakamalaking agila sa buong mundo at mayroong humigit kumulang 10 talampakan ang lapad ng pakpak.
Ang Sinarapan o Pandaca Pygmea o Tabios ay isa sa mga pinakamaliit na isda sa buong mundo. Wala itong kulay at malinaw ito. Matatagpuan ito sa lawa at ilog ng Buhi sa Luzon at Ito ay may habang 8.7 mm at may timbang na 4.5 mg.
Ang Tarsier ay matatagpuan sa Bohol at ito ay sinasabing pinakamaliit na primata sa buong mundo.
Ang Tamaraw ay katulad ng anyo ng kalabaw.
Ang Paboreal ay mas kilala sa tawag na Peacock ay mayroong napakagara at makukulay na pakpak sa buntot. Ang mga Paboreal na mayroong mas malaking pakpak ay ang mga lalaki, at ang may mas simpleng pakpak ay babae. Ang pakpak ng lalaking Paboreal ay ang pang akit nila sa mga babae.
Ang Alamid o Musang ay isang malaking pusang bundok. Ito ay kulay itim.
YAMANG GUBAT:
Malawak ang kagubatan ng Pilipinas. halos 1/3 ng lupain sa bansa ay kagubatan. Sa Palawan makikita ang mayamang gubat na may halos 90% nasasakupan. Mahigit kumulang 170,00 ektarya ang nakaklbong kagubatan taon taon. Pagbabaha ang pangunahing bunga ng pagkakalbo ng kagubatan.
Yamang Gubat at Yamang Tubig
YAMANG TUBIG:
Napakayaman ng ating katubigan na pinagmulan ng mga isda, kabibe, halamang dagat (kelp) at marami pang iba. May 2,000 uri ng isda ang matatagpuan sa ating katubigan. Ang mga halimbawa: Tilapia, Hasa-Hasa at Tanigue. Ang pinakamalaking isda, ang Butanding o Whale Shark, ay makikita sa Donsol, Sorsogon sa Bicol. Ang pinakamaliit na isda naman ay ang Sinarapan o Tabios ay makikita naman sa Lake Buhi sa Camarines Sur sa Bicol.
Yamang Lupa
Bigas- 34.7%
Mais- 27.0%
Niyog-21.0%
Tubo-4.1%
Abaca-2.0%
Tabako-1.6%
Iba pa-9.6%
KABUUAN: 100%
Mga Pangunahing produkto ng bansa
Dapat Mong Malaman
Sa 500 na kilalang uri ng korales sa buong mundo, 488 ang matatagpuan sa ating bansa.
Sa 8 uri ng pagong sa mundo, 5 ang matatagpuan sa bansa.
Sa 8 uri ng higanteng tulya sa mundo, 7 ay makikita sa Pilipinas.
Karagdagang Kaalaman
1. Pisidium-ito ang pinakamaliit na shell sa buong mundo na sa Pilipinas lang matatagpuan

2. Tridacna Gigas- ang pinakamalaking perlas sa mundo na nakuha sa dagat sa Palawan. Ito ay may halagang US$42,000,000.00 noong 1984 at tinatayang 600 taon na ang gulang

3. Glory of the sea-pinakakakaiba at pinakamahal na seashell
Group Members:
1.Ana Patricia Sirot
2. Jannah Nicole Castro
3. Juliana Ma. Therese Manansala
4. Eunice Luisa Poblete
5. Pauline Nicole Cruz
6. Albert Laurence Matayom
7. Tristan James Plopinio
8. Deanne Audrey Dolor


Sources of this report:
Banaue Rice Terraces: www.tumblr.com
Phil. Eagle: munchwaffle.hubpages.com
Tarsier: www.funnywildlife.com
Flowers: www.davaolife.com
Gold: www.madgold.com

Mayroong 750 ibon sa Pilipinas.
Kalaw- Isang magandang ibon na may malaki at mapulang tuka at ito'y makikita lamang sa Pilipinas.
Katala-Ibon na kumakanta at nagsasalita parang tao.
Marami pang ibon na makikita sa Pilipinas.
Mga Ibon
HEKASI REPORT
Karagdagang Impormasyon
AGRONOMIYA-agham at teknolohiya ng paggamit ng mga halaman para sa pagkain, panggatong at iba pa.
Ang pagawaan ng delatang pinya ng DOLE ay matatagpuan sa

Mga Tanong:
1. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng karamihan sa mga Pilipino?

2. Base sa tinalakay natin kanina, ano ang pinakamalaking perlas sa buong mundo na nakuha sa Palawan?

3. Ang pagawaan ng de-latang pinya ng DOLE Philippines at Del Monte ay matatagpuan sa?

4. Bakit kailangan nating pagyamanin ang ating likas na yaman at produkto ng bansa?

5. Napakarami nating halaman at bulaklak katulad ng Sampagita, Raflesia at Orchids kaya
tinatawag ang Pilipinas na?

6. Ano ang pinakamaliit na isda at matatagpuan ito sa Ilog ng Buhi sa Luzon?

7. Ano ang mga maaaring makuna na mineral sa iba't ibang lugar ng bansa?

8. ano ang pinakamalaking agila sa buong mundo at nanganganib nang maubos?

9. Ano ang pangunhing tanim sa kapatagan ng Gitnang Luzon, Kanlurang Visayas , at
Cotabato?

10. Ano pa ang ibang katawagan sa Abaka?
Full transcript