Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Timog Silangang Asya

No description
by

Karen Lleno

on 30 September 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Timog Silangang Asya

By: Group 2
Lleno
Licardo
Valdoz
Turla
Dumlao
Dakoykoy
Calibo

Timog Silangang Asya
BRUNEI DARUSSALAM
Kabisera:
Bandar Seri Begawan

Ang Brunei ay nahahati sa apat na mga distrito:
Belait
Brunei at Muara
Temburong
Tutong

Lokasyon:
4.8167° N, 114.7694° E.
Opisyal na Wika:
Malay

Klima:
Ang Brunei Darussalam ay may klimang ekwatoryal. Ang karaniwan na taunang temperatura ay 27.1 °C (80.8 °F), na may karaniwang temperatura sa Abril-Mayo na 27.7 °C (81.9 °F) at may average na 26.8 °C (80.2 °F) tuwing Oktubre-Disyembre

Kultura:
Ang kalinangan ng Brunei ay halos Malay, na may malalim na impluwensiya mula sa Islam, at mas nakikitang mas makaluma kaysa sa Malaysia. Ang kultura ay naimpuwensiyahan din ng demograpiya ng bansa: 2/3 ng populasyon ay Malay, at ang nalalabi ay binubuo ng mga Intsik, Indiyano, at mga katutubong Malay
Ang Timog-Silangang Asya ay may tropical climate na nangangahulugan na may mga tropical rainforest bilang vegetation cover.

Ang Timog-Silangang Asya ay may malawak na kagubatan.Madaming puno dito. Malaki ang deposito ng langis at natural gas sa rehiyong ito.Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya namang pinagkukunan ng kuryente.
Sinasabing ang rehiyong ito ang nagsisilbi bilang tagapag-ugnay ng apat na sibilisasyong naganap sa Eurasia, kung saan taglay nito ang mataas na lebel ng pagkakaiba-iba ng mga kultura. sa usaping heograpikal, ito ay nahahati sa dalawang bahagi: ang Mainland Southeast Asia at ang Island or Insular Southeast Asia.
Ang Brunei Darusalam ay isang bansa na matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Borneo, sa Timog Silangang Asya. Ito ay napapaligiran halos ng Estado ng Sarawak, na bahagi ng Malaysia, maliban na lamang sa hilagang baybayin nito kung saan naghahanggan sa Dagat Timog Tsina. Ang bansa ay magkahiwalay sa dalawa na hinati ng Limbang, na bahagi pa rin ng Sarawak.
Ang Brunei. ay natitirang pinakamakapangyarihang Kasultanan, ay nakatamtan ang kasarinlan mula sa Nagkakaisang Kaharian noong 1 Enero 1984.

Politika at Pamahalaan:
Ang Kasultanan ng Brunei ay natagpuan ni Sharif Ali ng Hejadz na nakapangasawa ng katutubong prinsesang taga-Brunei. Dinala niya ang pananampalatayang Islam at nagpatayo ng maraming moske sa Brunei. si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, na ang titulo ay napasa sa loob na iisang dinastiya simula pa noong ikalabing limang siglo, ay ang pinuno ng bansa at ng pamahalaan ng Brunei. Ang Sultan ay pinapayuhan ng ilang mga lupon at ng mga kalihim ng mga ministro kahit na siya pa ang pinakamakapangyarhing namumuno. Ang media ay labis na maka-pamahalaan at ang mag-anak ng Sultan ay labis na ginagalang buong kabansaan. Ang Brunei ay isang dalisay na monarkiya at ang Sultan ay may dalisay na kapangyarihan. Walang inihahalal na kinatawan ng tagapagbatas. Noong Setyembre 2004, Ang Sultan ay bumuo ng mga itinalagangBatasan o Parliyamento na hindi natamasa simula pa noong kalayaan nito noong 1984, subalit ito ay walang kakayahang payuhan ang monarkiya.

CAMBODIA
Ang Kaharian ng Cambodia ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya na may papulasyon ng mahigit kumulang sa 15 milyon katao at Phnom Penh ang kabisera nito. Ang Cambodia ay kahalili na estado ng noon ay isang makapangyarihang kaharian ng Hindu at Buddhist Khmer na namuno sa halos kabuohan ng tangos ng Indochina mula ika-11 at ika-14 na siglo.
Kadalasang tinatawag na "Cambodian" o "Khmer" ang mamamayan ng Cambodia na tumutukoy sa sinaunang grupo ng mga Khmer. Theravada Buddhist na may impluwensiya ng Khmer ang karamihan sa mga Cambodians ngunit ang bansang ito ay mayroon ding mangilan-ngilang mga Muslim, Kristyano at mga tribo naman sa bulubunduking kagubatan sa hilagang bahagi ng bansa.

Kabisera:
Phnom Penh
Lokasyon:
11°31′N 104°49′E
Klima:
Tropikal
Language:

Khmer, Pranses at Ingles

Politika:

Ang politika ng Cambodia ay pormal na naganap ayon sa konstitusyon ng bansa noong 1993, sa balangkas na parlyamento, representante ng demokratikong kaharian. Ang Punong ministro ng Cambodia ang pinuno ng gobyerno, at ang pinagsanib na "multi-party system" ay pinamumunuan ng hari bilang pinuno ng estado. Ang Punong Ministro ay iniluluklok ng Hari sa pamamagitan ng payo at pagsang-ayon ng Pambansang Lupon (National Assembly); ang Punong Ministro at ang kanyang piling mga ministro ang nagpapatupad ng kapangyarihan sa gobyerno. Ang kapangyarihan ng Sangay ng Panghukuman ay ipinagkakaloob sa "executive" at sa dalawang grupo ng parlyamento, ang Pambansang Lupon ng Cambodia (National Assembly of Cambodia) at ang Senado.
INDONESIA
Kabisera:
Jakarta
Lokasyon:
6°10.5′S 106°49.7′E
Klima:
Tropikal
Opisyal na wika:
Indones
Pamahalaan at Politika:
Ang Indonesia ay isang republika na may sistemang pangpanguluhan. Bilang isang estadong unitaryo, ang kapangyarihan ay nasa pambansang pamahalaan lamang. Pagkatapos ng pagbibitiw ni Pangulong Suharto noong 1998. Ang istrukturang pangpamahalaan at pampolitika ng Indonesia ay sumailalim sa isang malawakang reporma. Apat na pagbabago sa Saligang Batas ng Indonesia[35] ang nagbago sa sangay tagapagpaganap, tagapaghukom at tagapagbatas.[36] Ang pangulo ng Indonesia ay ang pinuno ng estado, punong kumander ng Sandatahan ng Indonesia at ang direktor ng mga pamahalaang lokal, paggawa ng mga batas at ng ugnayang panlabas. Ang pangulo ay nagtatalaga ng isang konseho ng mga ministro, na hindi kailangang halal na kasapi ng lehislatura.
LAOS
Ang Laos opisyal na tinatawag na Lao People's Democratic Republic o Demokratikong Republika ng mga Lao, ay isang walang daga na bansa sa Timog silangang Asya, na naghahanggan sa Burma at Tsina sa hilagang kanluran, sa Vietnam sa silangan, sa Cambodia sa timog. at sa Thailand sa kanluran. Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang o "Lupain ng Milyong mga Elepante", na nabuo noong ikalabing apat na dantaon hanggang ikalabingwalong siglo.
Kabisera:
Vientiane
Lokasyon:
17°58′N 102°36′E
Klima:
Tropikal at Maulan
Opisyal na wika:
Lao
Pamahalaan at Politika:
Ang Laos ay isang solong partidong sosyalistang republika. Ang nag-iisang legal na partidong pampolitika ay ang Partidong Rebolusyunaryo ng mga Mamamayang Lao (LPRP). Ang pinuno ng estado ay si Pangulong Choummaly Sayasone, na siya ring kalihim-panglahat (pinuno) ng LPRP. Ang pinuno ng pamahalaan ay si Punong ministro Bouasone Bouphavanh. Ang mga alituntunin ng mga pamahalaan ay ginagawa ng partido sa pamamagitan ng makapangyarihang siyam na kasapi ng Politburo at ang 49 kasapi ng Kumiteng Sentral. Ang mga mahahalagang desisyon ng pamahalaan ay sinusuri ng Konseho ng mga Ministro.
MALAYSIA
Ang Malaysia ay isang bansang binubuo ng labing tatlong mga estado at tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang bansa ay matatatagpuan malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal. Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro. Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.
Kabisera:
Kuala Lumpur Putrajaya
Lokasyon:
3°08′N 101°42′E
Klima:
Tropikal
Opisyal na wika:
Malaysian Malay
Government:
Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro. Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.
THAILAND
VIETNAM
MYANMAR
Ang Myanmar, o ang Repulika ng Unyon ng Myanmar (internasyunal: Republic of the Union of Myanmar), dating Kaisahan ng Burma, ay ang pinakamalaking bansa (sa sakop pang-heograpiya) sa lupaing nasa loob ng kontinente ng Timog-silangang Asya. Napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Thailand sa timog-silangan, Banglades sa kanluran, at Indiya sa hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying-dagat).
Ang Burma ay naging tirahan ng iba’t – ibang lahi.Ang kapatagan ng ilog ng Irrawaddy at Salween ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet, Tsina, at India. Ang naghalong lahi ng mga pangkat na ito ang naging ninuno ng mg kasalukuyang Burmese. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma.
Kabisera:
Naypyidaw
Lokasyon:
19°45′N 96°6′E
Opisyal na wika:
Burmes
Klima:
Tropikal
Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang Burma.Naging malugod ang pagtanggap ni Anawratha sa relihiyong Buddhism. Kaya’t lumganap ang sining at panitikang Buddhist sa lipunang Burmese.
Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay sadyang naging mahina. Sa loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging pugad ng nag – aaway na kaharian. Si Buyin Naung ang muling nakapagbalik ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa Pegu hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581.
P
I
L
I
P
I
N
A
S
Ang Pilipinas (Republika ng Pilipinas) ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa kanluran ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ang bansa ng humigit-kumulang pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzón sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog.
Kabisera:

Maynila
Lokasyon:
14°35′N 121°0′E
Klima:
Tropikal

Edukasyon:
Ayon sa DepEd, ngayong school year ay kulang na naman ng 50,921 silid-aralan at 74,000 titser. Aminado ang kagawaran na nahihirapan ang pamahalaan na solusyunan nang mabilisan ang nasabing mga problema. Bukod dito, hindi pa rin umano naaasikaso nang sapat ang mismong kalidad ng edukasyon gayundin ang kabuuang pangangasiwa nito upang maging akma at competitive para sa mga employment opportunity sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Sadyang napakahalaga ng edukasyon sa taumbayan at sa pag-unlad ng lipunan. Ito kasi ang huhubog sa isipan, kasanayan at personalidad ng bawat mamamayan upang sila ay maging produktibo at maunlad.
Nakasaad mismo sa ating Saligang Batas na ang pinakamalaking bulto ng pambansang budget taun-taon ay dapat ilaan sa edukasyon, hindi lang para sa mga teknikal na bahagi at aspeto nito kundi pati rin sa pagpapaunlad ng sistema nito.
Kultura:

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakakilanlang pangkaugalian ang nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga wika nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa pagkakakilanlan.
Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga tagakalat pananampalatayang Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng mga dalawa ang wikang ginagamit na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog.
Wika:
Itinala ng Ethnologue na may 175 mga wika sa Pilipinas, 171 sa mga ito ay buhay na mga wika samantalang 4 dito ay wala nang alam na gumagamit. Bahagi ang mga ito ng pangkat ng mga wikang Borneo-Pilipinas ng mga wikang Malayo-Polinesyo, na sangay ng mga wikang wikang Austronesyo.
Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang Wikang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika. Ang Filipino ay ang pamantayang bersyon ng Tagalog, na pangunahing sinasalita sa Kalakhang Maynila at sa ibang mga rehiyong urban. Kapwa ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, pahayagan, telebisyon at negosyo ang wikang Filipino at Ingles. Nagtalaga ang saligang batas ng mga wikang rehiyunal gaya ng Bikolano, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, at Waray-Waray bilang katulong na opisyal na wika at iniuutos na ang wikang Kastila at Arabe ay itaguyod ng kusa at opsiyonal.
Politika:
Pambansang Pamahalaan ng Pilipinas
Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ng Estados Unidos, ay natatag bilang Republika ng mga Kinatawan. Ang kanyang Pangulo ay may tungkulin bilang pinuno ng estado at pati ng pamahalaan. Siya rin ang namamahala ng Hukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa Gabinete.

Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga miyembro ng dalawang kamarang Kongreso, na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.

Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na Senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 na taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang Senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.
LUZON
VIZAYAS
MINDANAO
SINGAPORE
Ang Singapore ay isang pulo, estadong-lungsod, na matatagpuan sa Timog-silangang Asya, sa timog ng estado ng Johor sa tangway ng Malaysia at hilaga ng kapuluang Riau ng Indonesia.
Kabisera:
Lungsod ng Singgapur
Opisyal na wika:
Ingles, Malay, Mandarin, Tamil
Klima:
Tropikal
Politika:
Ang parlamentarismong ingles ang nagbigay-diwa sa konstitusyon ng Singapore. Ang People's Action Party (Partido ng Aksiyong Popular) ang nagdo-domina sa politika ng bansa pagkatapos ng pagpapahayag ng kasarinlan. Ang sistema ng gobyerno ay mas hawig sa autoritarianismo kaysa sa isang demokrasya multipartidista Subalit, sa kabaligtaran, masasabing isang modelo ng transparency ang market economy ng Singapore at halos walang katiwalian o korupsiyong nangyayari sa gobyerno. Ang Singapore ay isang myembro ng ASEAN.

Ang Singapore ay nagtataglay ng isang ekonomiyang pamilihan na malaya at masagana at may open environment malaya sa katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at ang GDP nito ay ang pinakamataas sa mundo. Nakadepende ang ekonomiya sa pag-export, partikular ang sa sektor ng elektroniko at industriya.

Ang Kaharian ng Thailand ay isang bansa sa Timog-silangang Asya, napapaligiran ng Laos at Cambodia sa silangan, the Golpo ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang "kalayaan". Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai - na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Instik, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.
Kabisera:
Bangkok
Lokasyon:
13°44′N 100°30′E
Opisyal na wika:
Thai
Mataas ang antas ng kamuwangan sa Thailand, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang maayos na sistemang pam-paaralan ng kindergarten, mababang paaaralan, mababa at mataas na sekondarya, maraming dalubhasaang bokasyunal, at mga pamantasan. Ang pribadong sektor ng edukasyon ay mahusay ang pagkakabuo at malaki ang naitutulong sa pangkalahatang pamamahala ng edukasyon kung saan hindi kayang maibigay ng pamahalaan sa mga mga pampubliko nitong paaralan. Ang edukasyon ay sapilitan hanggang ika-9 na baitang, at ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang ika-12 Baitang.
POLITIKA
Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong ministro, na pinipili ng hari mula sa mga kasapi ng mababang kapulay kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang haungan ng parliyamento, na kadalasang pinuno ng partido ng mayoryaPlitika at Pamahalaan

Ang Hari ay mri, siya ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling nakapagtanggol. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ang gabinete.

Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng pouplar na botohan. Ang sistema ng hudikatura (saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (sandika).

Aktibong kasapi ang Thailand ng ASEAN.
Ang Republika ng Indonesia ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 238 milyong katao ang populasyon ng Indonesia, na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isang republika ang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta. Pinapaligiran ang Indonesia ng Papua New Guinea, East Timor at Malaysia, at kinabibilangan rin ang Singapore, Pilipinas, Australya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ng Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.
TIMOR LESTE
Ang Demokratikong Republika ng Timor-Leste ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Binubuo ito ng silangang hati ng pulo ng Timor, ng mga kalapit na pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso-Ambeno, isang enclave ng Kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng isla, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.
Kabisera:
Dili
Lokasyon:
8°34′S 125°34′E
Opisyal na wika:
Tetum at Portuguese[
Ang Vietnam ay ang pinakasilangang bansa as Tangway ng Indotsina sa Timog-silangang Asya. Ito ay naghahanggan sa Tsina sa hilaga, sa Laos sa hilagang kanluran, sa Cambodia sa timog kanluran, at sa Dagat Timog Tsina sa silangan. Sa populasyon nitong nasa 86 milyon, ang Vietnam ay naging ika-13 pinakamataong bansa sa buong daigdig.

Kabisera:
Hanoi
Lokasyon:
21°2′N 105°51′E
Opisyal na wika:
Vietnamese
Klima:
Tropikal
Ang kalayaan ng Vietnam ay unti unting sinira ng mga Pranses sa mga sunod sunod na pagsakop ng mga sandatahan nito mula 1859 hanggang 1885 nang ang buong bansa ay naging bahagi ng Pranses na Indotsina. Ang administrasyong Pranses ay nagpatupad ng mga mahahalagang pagbabagong pampolitika at kultural sa lipunang Vietnam. Isang sistemang kanluranin ng makabagong edukasyon ang binuo, at ang Kristiyanismo ay pinalawak sa lipunan. Sa pagbubuo ng ekonomiyang plantasyon upang mapalakas ang eksport ng tobako, indigo, tsaa at kape, hindi gaano binigyang pansin ang mga panawagan ng mga lokal sa pagkakaroon ng sariling pamahalaan at sa mga karapatang pantao.
THE
END
Full transcript