Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Pagbabago Sa Sistema Ng Edukasyon

Sistema ng edukasyon.
by

Edge Sane

on 1 October 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pagbabago Sa Sistema Ng Edukasyon

Ang Edukasyon ang isa sa pinakamakapangyarihan institusyong humuhubog sa katauhan ng isang nilalang.Ito ang isa sa mga sandatang ginamit ng mga hapones.Upang hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa adhikaing napakaloob sa patakarang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Noong 1942 , nilikha ang Commission of Education, Health, and Public Welfare sa bisa ng Military Order No. 2 ng pamahalaang Hapones. Bahagi ng simulain nito ang mga sumusunod 1. Pagpapaintindi sa mga mamamayan ng kalagayan ng Pilipinas bilang kasapi ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
2. pagsupil sa mga kaisaipang Kanluraning nag-uugnay sa mga Pilipino at sa mga bansa sa Kanluran, particular sa mga bansang Gran Britanya at ang Estados Unidos.
3. pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan ng pagigigng Oryental o Asyano.
4 .pagtuturo ng wikang nippongo.
5.pagkakaloob ng edukasyong elementarya at bokasyunal.
6. pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.
ALAM MO BA? Makikita sa mga tuntuning ito ng mga hapones, tulad din ng mga Amerikano nagpapahalaga nang higit sa pagpapalaganap ng kanilang wika bilang paghubog sa isipan ng mga sinakop.sa balatkayong pagtatag ng katutubong kalinangan, sinikap nitong mawala lahat ng papuri sa Amerika na nakasulat sa mga aklat. Noong Hunyo , 1942 ay binuiksan ang mga paaralan sa elementary . Ang wika , kulturang hapones, at Pilipino lamang ang ipinaturo rito. Masusing sinuri ang mga aklat at ipinatatanggal ang mga pahina nitong mayroong pahiwatig ng kulturang Kanluranin. Ipinaalis ng mga Hapones ang mga pahina ng mga aklat na mayroong pahiwatig ng kulturang Kanluranin. Gayundin, noong 1943 ay binuksan ang mga institusyong naghahanda sa mga guro sa layuning magkaroon ng sapat na gurong may Pilipino-Asyanong oryentasyon. ALAM MO BA? Sa muling pagbubukas ng mga paaralan ay naging sapilitan ang pag-aaral ng wikang niponggo at kulturang Hapones Ang mga simbahan ay ginamit din upang makuha ng mga Hapones ang loob ng mga Pilipino. Ito ang mga gurong may malawak na kaaalaman sa kultura at pagpapahalaga ng mga Pilipino at magaing ang mga Asyano.Dhil sa matinding kahirapan sa buhay, kakaunti lamang ang mga batang nagpatala upang mag-aral sa elementary at hayskul.Sa halip na sila ay pumasok sa paaralan at mag-aral, karamihan sa kanila ay kasama ng kanilang mga magulang uypang maghanapbuhay. Bukod dito, dir in maitatatwang mayroon ding pag-aalinlangan ang mga Pilipino sa tunay na intension ng mga mananakop, dahil noong panahong iyon ay malalim ng nag-ugat ang kultura at pagpapahalagang Amerikano sa puso at isipan ng mga Pilipino. Sa bagay na ito, masasabing hindi gaanong nagtagumpay ang mga Hapones na hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon. Nang mahalal na pangulo si Jose P. Laurel noong 1943 ay nagmunghaki siya ng ilang mga pagbabago upang maayos ang sistema ng edukasyon sa bansa. 1. Pinakuha niya ng lisensya sa pagtuturo ang lahat ng mga guro at mga pinuno ng mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad.
2. Inutos niya ang pagpapalaganap ng Tagalog bilang Wikang Pambansa. 3. Inutos niya rin na mga Plipino lamang ang dapat magturo ng wika, kasaysayan ng Pilipinas, at kabutihang asal.
4. Inutos din niyang kinakailangang nakakarami sa lupon ng bawat paaralan, kolehiyo at unibersidad ang mga Pilipino.
5. Pinagbawalan niyang magturo ng kasaysayan ng Pilipinas at mga asignaturang may kinalaman sa mga simulaing makabayan ang mga dayuhan.
Salamat sa inyong pakikinig!
Full transcript