Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Edukasyon: Version 2.0

No description
by

Hanna Gonzales

on 14 March 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Edukasyon: Version 2.0

Edukasyon Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Mga Pagbabagong Naganap sa Sistema ng Edukasyon
Maraming mga pampublikong paaralan ang naipatayo upang maraming mga Pilipino ang makapag-aral.
Edukasyon: Version 2.0
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
kinaharap ng mga namumuno ang mga suliranin
sa edukasyon:
Kakulangan sa gusaling pampaaralan
Kakulangan sa mga kinakailangang kagamitan.
Sitwasyon matapos ang WW2

Naging pansamantalang silid aralan ang mga kubol at kung saan mang lugar na may sapat na espasyo para magturo habang utay utay na inaayos ng pamahalaan ang mga suliranin.

Gumugol nang mahaba-habang panahon bago tuluyang nakapagpatayo ng mga gusaling pampaaralan at natugunan ang mga kakulangan sa kagamitan
Patakaran sa Edukasyon sa Panahon ng Ikatlong Republika
Paggamit ng wika ng pook bilang wikang panturo sa Baitang I at II

Ipinaturo ang katangi-tanging nagawa ng mga bayani.isinalin sa Pilipino ang mga batayang aklat.

Ipinahayag ng Batas republika Blg.139 ang pagtatag ng lupon para sa batayang aklat

Nagkaroon ng tiwala sa sarili ang mga bata at nakilahok sila sa talakayan

Ipinakilala ang mga paaralang pampamayanan upang maiangkop sa panahon ng kahirapan

Itinuro ang mga gawaing mapakikinabangan sa pagpapaunlad ng pamumuhay sa pook rural

Itinuro rin ang:
Kalusugan at kalinisan
Makaagham na pagsasaka
Pag-aalaga ng manok at baboy
Pagluluto at pananahi
Mga industriyang pantahanan

Patakaran sa Edukasyon sa Panahon ng Ikatlong Republika

Layunin: Mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang may kakayahan na makapagpatuloy
ng pag-aaral.

“Mag-aral muna bago magbayad”
Nagkaloob rin ng mga iskolarship sa mga mag-aaral
na mahihirap ngunit matatalino.

Kakulangan sa mga Guro
Ang problemang ito ay nagmula pa sa
Administrasyong Ramos at lalong lumala sa
Administrasyong Arroyo dahil hindi nakatuon ang
atensyon sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa.

Mapapansin na ang mga guro sa kasalukuyan ay hindi sapat ang kaalaman sa asignaturang itinuturo.

Hindi rin sapat ang mga training ng mga guro upang makaangkop sa mabilis na pagbabago ng panahon at teknolohiya.
Mga Kasalukuyang Suliranin
sa Edukasyon
Kakulangan sa mga Silid Aralan
Sanhi: Lumalaking bilang ng mga mag-aaral
sa mga Pampublikong paaralan

Bunga: Nagsisisiksikan ang 60-70 mag-aaral sa
isang silid aralan na nakalaan lamang
sa 30-40 na mag-aaral

May silid aralan man, ang mga ito naman ay halos hindi rin
nakakatulong dahil sa kawalan ng proper ventilation,kawalan ng malinis na palikuran at maaayos na mga upuan.

Kakulangan sa Bilang ng Sapat na Libro
Sanhi: Lumalaking bilang ng mag-aaral kaya hindi
matugunan ng paaralan ang kakulangan sa mga libro.

Bunga: Mababang kalidad ng edukasyon ang
natatanggap ng mga mag- aaral

Maling Paggamit ng
Medium of Instruction
Hindi maipaliwanag ng simple at maayos , at maipaintindi ng mga guro ang mga aralin dahil sa hirap ang karamihan sa wikang hindi naman kinagisnan.

Edukasyon ng mga Ninuno
Pagsusulat ng mga Ninuno
Ang mga unang Pilipino ay gumamit ng isang matulis na bakal bilang panulat, sipol ang tawag. Ginagamit nila ang mga dahon ng saging, balat ng kahoy at mga biyas ng mga kawayan sa pagsulat. Ang direksyon ng pagsulat ay mula sa kaliwa pakanan.
Ang katutubong alpabeto ay binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig. Subalit dahil sa paggamit ng tuldik, nagging lima ang mga patinig. Ang E at I ay ikinakatawan ng iisang letra at gayon din ang O at U.
Direksyon ng Pagsusulat
1. direksyong patayo, na mula sa itaas pababa na ang mga linya ay mula sa kaliwa patungong kanan (Padre Chirino)
2. ang direksyong patayo mula sa ibaba pataas, na ang mga linya ay nakalagay mula sa kaliwa patungong kanan (Colin)
3. direksyong patayo, mula sa ibaba pataas na ang mga linya ay mula sa kanan pakaliwa (Marche)
4. ang direksyong pahalang mula sa kanan pakaliwa na ang unang linya ay sa itaas (Tavera)
5. ang direksyong pahalang mula sa kaliwa pakanan na ang unang linya ay sa itaas (Villamor, Sinibaldo de Mas, Marcilla)
Edukasyon ang masasabing “great social equalizer.” Dahil dito, nagiging pantay ang pagkakataon sa lipunan ng mga mayayama’t mahihirap. May paniniwala rin na sa isang mulat at edukadong lipunan, edukasyon din ang pinakamahusay na tagapagtaguyod ng demokrasya.
Kaya napakahalaga ng mataas na kalidad ng pampublikong edukasyon para sa lahat. Ito ang magbibigay-pagkakataon sa taumbayan, lalo na sa mga pinahihirapan, pinagkakaitan at inaapi; na umahon mula sa kahirapan at magkaroon ng lakas upang manindigan laban sa mga mapang-api. Ngunit tila hindi na ganito ang pagbibigay-halaga na inilalaan para sa pampublikong edukasyon ng ating mga pinunong bayan, lalo na yung sa mga nagdang panahon.
Edukasyon sa Panahon
ng Kastila
Mga Suliranin
Walang sapat na pondo at lugar na maaring gawing silid-aralan
Korporal na pagpaparusa – hadlang sa pagsulong ng bata at nakasisira sa kanyang katauhan
Pagpigil sa mga Pilipino sa pagpapakadalubhasa sa ibang mga disiplina tulad ng agham at matematika na nagdulot ng pagbagsak nito
Isang makaluhong pribilehiyo bukod tanging natatamasa ng mga Kastilang mag-aaral
Hindi kuwalipikado ang mga nagtuturo (hinahamak ng prayle at hindi maipaglaban ang sariling karapatan).
Kawalan ng sigla, pangganyak, at pagpapahalaga ng mga bata para sa edukasyon.
• Paghinang loob ng mga mag-aaral dulot ng istilong pagtuturo at takot na mangyari sa kanila ang mga nangyari sa mga taongedukado (paghatol ng ekskomunikasyon at pagiging filibustero).
Edukasyon sa Panahon ng Amerikano
Layunin ng Edukasyon noong Panahon ng Amerikano
pagpapalaganap ng demokrasya
pagtuturo ng wikang Ingles
pagpapakalat ng kulturang Amerikano
Ipinakilala ng mga Amerikano ang sistema ng pampublikong paaralan.
Ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos. Tinatawag silang pensyonado.
Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano
Philippine Normal School (1901)
Siliman University (1901)
Centro Escolar University (1917)
University of the Philippines (1908)
University of Manila (1914)
Philippine Women's University (1919)
Far Eastern University (1919)
Thomasites
Ang mga naging unang guro ng ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas
Sila ay dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong S.S Thomas
600 ang mga Thomasites ng dumating at nagsilbing guro ng mga Pilipino
Ingles
ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang kulturang Amerikano sa mga leksyon.
Naitatag ang
Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko (Department of Public Instruction)
noong 1901
Ang mga unang Pilipino ay marurunong bumasa at sumulat.
Walang mga pormal na paaralan; subalit ang mga bata ay tinuturuan sa bahay ng kanilang mga magulang o nakatatandang kapatid o ng mga pribadong tagapagturo.
Sa Panay ay may mga paaralang regular para sa mga anak ng mga maharlika na tinatawag na
BOTHOAN.
Ang mga batang lalaki ay tinuturuan ng pangangaso, pangingisda, paggamit sa bangka at mga kasanayan.
Ang mga batang babae ay tinuturuan ng pagluluto, pananahi, paghahabi at iba pang mga gawaing pambahay upang sila ay maging mga mabuting maybahay.
• Pormal at kontrolado.
Itinuturo rin ang mga wikang Kastila sa kaduluhan ng paaralang hawak ng mga kastila sa kaduluhanng ika-19 na siglo.
Limitado ang pagkuha ng mga estudyante sapagkat ang mga kinukuha lamang ay ang mga mayayamang Ilustrado noong 1863.
Ang mga guro sa tribo ay pinalitan ng misyonaryong Kastila.
Lubos na binigyang pansin ang mga doktrinang Kristiyano kaysa sa agham at matematika. Kaya naging mabisa ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ng mga Prayle.
Nagkaroon ng Educational Decree 1863 na nagsasaad na kinakailangan ng gobyerno na magkaroon ng isa o higit pang paaralan para sa elementary para sa mga batang babae at lalaki sa isang bayan. Libre ito ngunit na sa wikang Kastila ang ilan o karamihan sa mga leksiyon.
Sa pagtuturo sa paraang malupit at walang naibubunga (walang kalayaan ang mga mag-aaral na mag-isip para sa kanilang sarili) nagiging makitid ang kanilang mga isip at sumusunod na parang bulag sa mga utos ng mga nakatataas sa kanila at hindi na ka pag-iisip para sa kanilang sarili.
Ang mga misyonaryo ang nagsisipagturo’t gumagawa sa mga batas na ipinatutupad sa mga mag-aaral.
Edukasyon sa Panahon ng mga Hapon
Mas humaba ang oras na ginugol sa paaralan.
Ang isang klase ay umabot hanggang 60.
Tinanggal ang mga kontra sa opinion ng Asya, pinagbawal ang pag-awit ng mga kantang Ingles.
Tinuro ang
Nihonggo
sa mga Pilipino nang mapakilala ang kultura ng Hapon.
Walang bakasyon.
6 Prinsipyo ng Edukasyon ng Hapones
1. Pagpapalagnap ng kultura ng Pilipino
2. Pagpapalaganap ng simulain ng Greater Asia
Co-Prosperity Sphere
3. Palakasin ang spiritwal ng mga Pilipino
4. Pagtuturo at pagpapalaganap ng Niponggo
5. Pagpapalaganap ng bokasyonal at
elementarya
6. Pagpapasimula ng pagmamahal sa trabaho
GE-1220
Members:
1. Gonzales, Hanna Coleen
2. Gutierrez, Mary Grace
3. Ilao, Ramlyn
4. Lipardo, Daniel
5. Lontoc, Kristine
Full transcript