Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

No description
by

ivee de asis

on 17 July 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Dugtungan ang Pahayag
Mabisang naipahayag ni Andres Bonifacio ang kaniyang damdamin sa pamamagitan ng ___________________________________________________________
___________________________________________________________

Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Bigyang kahulugan ang ilang mahihirap na salitang ginamit ng may-akda. Hanapin ang kahulugan sa loob ng kahon at gamitin sa sariling pangungusap.









PAG-IBIG sa TINUBUANG LUPA
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.
Gawain blg. 1
Pag-ibig
Pagmamahal
Pag-aalay ng buhay
Pagsasakripisyo
Pagmamalasakit
Talambuhay ni Andres Bonifacio
Mga naging hilig
Hulyo 7, 1892 Itinatag ang KKK
ika-10 ng Mayo, 1897.

Mga magulang
Santiago Bonifacio
Catalina De Castro
Pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at sariling sikap
Nobela ni Jose Rizal tulad ng : Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Mga Buhay ng Pangulo
" Les Miserables " ni Victor Hugo
Ang Pagkasira ng Palmyra
Himagsikang Pranses
@ Ito ang naging dahilan upang magsiklab ang kanyang kaluluwa sa pagtatatag ng himagsikan. Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ( KKK ).
Naulila ng maaga silang magkakapatid
Nagtrabaho sa murang edad upang maipambuhay sa mga kapatid niya tulad ng paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay
Nagtrabaho sa Fleeming and Company, isang kumpanya na nagtitinda ng Rattan
Lumipat sa Fresell and Company naging ahente siya dito upang maipambuhay niya sa kanyang mga kapatid.
Mga kasama sa pagtatag ng KKK
Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypag-asa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siyang lakambini ng Katipunan. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila.
ika-23 ng Agosto, 1896
bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain
14 taong gulang
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite
Nobyembre 30, 1863
Ibahagi mo ang iyong naging damdamin pagkatapos mong malaman ang ilang mahahalagang bahagi sa buhay ni Andres Bonifacio. Isulat sa notbuk ang sagot.
DAMDAMIN
inilabas umibig matinding kalungkutan
itapon tatalikuran kaligayahan
Isinawalat
sakbibi
itigis
tatalikdan
lumiyag
ELEMENTO NG TULA
SUKAT
TUGMA
ALIW-IW at INDAYOG
SESURA
bilang ng bawat pantig sa bawat tula,
Maaaring may wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at dalawamput apat.

hal.

A/ling pag/-i/big/ pa/ ang/ hi/hi/git/ ka/ya/= 12
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala
ay ang magkakatunog sa dulo ng bawat taludtod.

hal.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala
mga salitang may tunog sa bawat pagbigkas at indayog o sayaw sa bawat dulo.
ito ay ang saglit na pagtigil sa bawat taludtod

hal.
Aling pag-ibig pa / ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay / at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig / sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? / Wala na nga, wala.
Ilang taludtod mayroon ang tula?
May tugmaan ba ang dulo ng mga salita?
Ano ang sukat ng tula?
Ilang saknong mayroon ang tula?
Nakatulong ba ang Elemento ng tula upang mabisang maipahayag ng may-akda ang kanyang emosyon o damdamin?
TANONG
Balikan ang tulang " Pag-ibig sa Tinubuang Lupa " at subukang sagutan ang ss. na tanong.
TAKDANG - ARALIN BLG 14
Maghanap ng isa pang tradisyunal na tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin.

gawin ang pormat.

May-akda at maikling talamabuhay

Pamagat ng tula.
Ano ang emosyong ipinahayag ng may-akda sa kanyang tula?
Ano ang nakatutulong upang mabisang maipahayag ng may-akda ang kanyang emosyon o damdamin?
Ano ang iyong naging damdamin matapos mong mabasa ang tula? Bakit ito ang iyong naramdaman?
Ilang taludtod mayroon ang tula? Sukat ng taludtod?
Full transcript