Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Panitikan sa Panahon ng Kastila

KASAPIL
by

John Paul Andrew Castillo

on 13 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Panitikan sa Panahon ng Kastila

ANO NGA BA ANG PANITIKAN?
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO
1. Ang “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano.

2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.

3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong yaon. Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.

4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.

6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya.

7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.


MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA

Doctrina Cristiana
-- kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noon 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito nina padre Juan de Placencia at padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo. May 87 pahina lamang.

Nuestra Senora del Rosario
-- ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.
Barlaan at Josaphat
-- ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego. Ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas.
MGA AKDANG PANGWIKA
MGA URI NG PANITIKAN
MGA KANTAHING-BAYAN
- Leron-leron Sinta = Tagalog

- Pamulinawen = Iloko

- Dadansoy = Bisaya

- Sarong Banggin =Bikol

- Atin Cu Pung Singsing = Kapampangan

Mga nangunang intelektwal na
propagandista:
Jose P. Rizal
- Pambansang bayani

- May sagisag na “Laong Laan”
at “Dimasalang”

Marcelo H del Pilar
- Predikador ng masa

Graciano Lopez Jaena
- Nagtatag ng pahayagang “La Solidaridad.”

Arte Y Regalas de la Lengua Tagala
- sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.

Compendio de la Lengua Tagala
- inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.
PASYON
– inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa ni Kristo.
KOMEDYA/MORO-MORO
- isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
Panitikan sa Panahon ng Kastila

Pasyon
-- aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat (4) na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang Version de Pilapil ( Padre Mariano Pilapil); Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen); Version dela Merced ( Aniceto dela Merced); at Version de Guia (Luis de Guia ). Isinaalang-alang na pinakapopular ang Version de Pilapil.
Urbana at Felisa
-- aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog”.Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang-asal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino.
Vocabulario de la Lengua Tagala
- kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.
Vocabulario de la Lengua Pampango
- unang aklat na pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.
Vocabulario de la Lengua Bisaya
- pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.
Arte de la Lengua Bicolana
- unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.
Arte de la Iloka
- kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez.

DALIT
– ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria
DUNG-AW
–binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa, magulang at anak.
KARAGATAN
– isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
DUPLO
–larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
KARILYO
– pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
SENAKULO
– isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.
TIBAG
– isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.
SARSUWELA
- isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa.
KURIDO
– galing sa salitang Mehikanong “corrido” na ang ibig sabihin ay “kasalukuyang pangyayari” (current event). Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong (8) pantig at pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
AWIT
– tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga pangyayaring hango sa tunay na buhay.
PARABULA
– kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
KANTAHING-BAYAN (Folk Songs)
- ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.
SAYNETE
– itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
Iba pang manunulat sa panahon ng Kastila:
Andres Bonifacio
- Ama ng demokrasya sa Pilipinas

- Dakilang Plebeyo

Antonio Luna
- May sagisag na “taga-ilog.”
Emilio Jacinto
- Utak ng Katipunan

- Sumulat ng “Ningning at Liwanag”

Apolinario Mabini
- “Dakilang Lumpo”

- Utak ng himagsikan

Julian Felipe
- Naglapat ng musika ng “Lupang Hinirang”

Jose Palma
- Mandirigmang umaawit sa gitna ng laban

Pascual Poblete
- Unang nagsalin ng Noli sa Tagalog.

@drewbotz11
Inihanda ni :

Castillo, John Paul Andrew L.
M1A :))
Full transcript