Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Mga pangkat etniko sa Pilipinas

No description
by

Louies Mangalindan

on 13 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga pangkat etniko sa Pilipinas

Mga pangkat etniko sa Pilipinas
Aralin-5
Ang iba't ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit pa na mga salik katulad ng lipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan.
Pangkat etniko sa Luzon
Matatagpuan ang mga Tinguian sa bulubundukin ng Ilocos Sur at Ilocos Norte. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa
mga bai-baitang na palayan.
Mahilig sila sa musika, damit at personal na palamuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang
ngipin upang akitin ang napupusuan.
Mangyan
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.
Ifugao
Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga
burol" ang salitang Ifugao.
Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang
mga kamay.
Kalinga
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda.
Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan.
Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.
Itawes
Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves.
kankana-ey
Ang mga kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin.
Ilonggo
Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva
Vizcaya.
Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga
Negrito.
Ibaloy
Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa

timog-silangan ng Benguet. Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy
Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga
prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.

Pangkat etniko sa Mindanao
Maranao
Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.

Tausug
Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug.
Full transcript