Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Intelektwalisasyon

No description
by

john cabitac

on 13 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Intelektwalisasyon

Intelektwalisasyon
Intelektwalisadong Filipino

- Ay ang varayti ng Filipino na magagamit sa pagtuturo sa mga Pilipino sa lahat halos ng larangan ng karunungan mula sa antas primary hanggang sa pamantasan, kabilang na ang pagaaralang gradwado.

Ipinahayag ni Santiago (1990)


- Na ang intelektwalisasyon ay proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan

Pagkakahawig ng Modernisasyon at Intelektwalisasyon

- Kapag ang isang wika ay nagawang modernisado upang mabisang magamit sa mataas na antas ng karunungan at iba pang paksang teknikal, masasabing ito’y madernisado na rin.

Narito ang ilang patunay kaugnay ng naunang pahayag:

1. Halos lahat ng nakasulat na bersyon ng makabagong Filipino kabilang na iyong sa paaralan ay puno ng mga hiram na salita sa Ingles, may mga binabaybay na tulad ng orihinal at karamihan naman ay isina-Filipino ang pagbaybay.

- Ang Filipino ay kailangang umasa sa mga wikang intelektwalisado bukod sa mga katutubong wika sa Pilipinas para sa intelektwalisasyon nito. Sa Pilipinas, ang pangunahin sa mga wikang ito ay Ingles.

2. Malinaw na ipinakikita sa mga mag-aaral tungkol sa intelektwalisadong barayti ng sinasalitang Filipino ng mga mag-aaral sa anim na pamantasan sa Metro Manila (UP, DLSU, PNU, PUP, Araneta U. at PLM) na kayang talakayin ng mga mag-aaral ang kanilang mga takdang-aralin sa matematika, biyolohiya at iba pa.

3. Halos lahat ng alinmang tekstong pang-intelektwal na nakasulat sa Filipino sa ngayon ay puno ng mga panghihiram sa Ingles at Kastila o iba pang mga wika.
Mga Posibleng Paraan ng Intelektwalisasyon

1. Magsimula mula sa itaas, pababa. Ayon kay Sibayan (1988).
2. Ayon naman sa Kagawaran ng Edukasyon, magsimula sa ibaba ng antas patungo sa mataas na antas. Mula elementarya, sekundarya tungo sa tersarya.

3. Magsimula sa lahat ng antas sapagkat dapat lamang na magkaroon ng kanya-kanyang uri ng intektwalisasyon sa lahat ng ito.

4. Fishman ( 1984 ) Simula ang intelektwalisasyon sa mga lawak na ang gamit ng wika ay masasabing intelektwalisado na.

5. Dapat ay magsimula sa mga taong may mataas na tungkulin sa pamahalaan, pababa sa masa.

6. Maari namang mula sa masa patungo sa mga taong may mataas na tungkulin sa pamahalaan.

7. Dapat na isagawa sa pamamagitan ng batas, ng sapilitang pagpapagamit ng Filipino sa lahat ng lawak at antas ng karunungan sapagkat ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng aktwal na paggamit ng wika.
Full transcript