Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kinahinatnan ng mga Tauhan sa Noli Me Tangere

Proyekto sa Filipino III-Masbate '10-'11
by

Maykah Cruz

on 3 March 2011

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kinahinatnan ng mga Tauhan sa Noli Me Tangere

Ang alperes na naging tenyente na at may gradong kumandante ay umuwi na sa España. Tinalikuran na rin niya si Doña Consolacion. Kinahinatnan ng mga Tauhan NOLI ME TANGERE Don Crisostomo Ibarra Matapos ang pagtakas nila na naging dahilan ng pagkamatay ni Elias, sinunod ni Ibarra ang payo nito. Siya ay bumalik ng España upang doon muna manirahan at magtago. Maria Clara Dahil sa tapat na pag-ibig ni Maria Clara kay Ibarra, hindi naganap ang pag-iisang dibdib nila ni Alfonso Linares. Sa halip, siya ay pumasok ng beateryo upang mag-mongha.

Wala nang nabalitaan kay Maria Clara maliban sa pag-aakalang siya ay namanatag na sa libingan. May ilang tao naman na nagsasabi na si Maria Clara ay nasa kumbento ng Santa Clara. Padre Damaso Iniwan na ni Padre Damaso ang San Diego at umuwi ng Maynila upang doon na manirahan. Hindi rin nagtagal sa Maynila si Padre Damaso sapagkat tumanggap siya ng kautusan mula sa Padre Provincial upang maging kura sa napakalayong lugar. Dinamdam niya ang pagkakalipat sa kanya kaya kinabukasan siya ay natagpuang patay sa kanyang higaan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplexy, ang iba naman ay bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari. Padre Salvi Si Padre Salvi ay namalagi na rin sa Maynila habang naghihintay na maging Obispo. Siya ay paminsan-minsang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman nito ay may mahalagang tungkulin siyang ginagampanan. Kapitan Tiago Si Kapitan Tiago ay naging malungkutin at pala-isip. Siya ay unti-unting namayat. Walang inatupag gawin si Kapitan Tiago kung hindi maglaro ng liam-po at magsabong ng walang puknat at saka muling humithit ng apyan. Alfonso Linares Si Linares ay inilibing sa sementeryo ng Paco. Ang ikinamatay niya'y sakit sa iti at ang kanyang masamang pakikisama kay Doña Victorina. Ang Mag-asawang de Espadaña Si Doña Victorina nagdadagdag ng mga kulot sa kanyang pusod at lalong pinagbuti ang kanyang pagsasa-angelus. Ang bagong nakahiligan niya ay ang pangungutsero sa kanilang karwahe, samantalang si Tiburcio ay inatasan niyang magsawalang-kibo. Ang doktor ay hindi na muling natawag upang manggamot. Alperes Doña Consolacion Si Doña Consolacion ay walang inatupag kundi maglasing at humithit ng tabako, kaya siya ay kinatatakutan hindi lamang ng matatandang babae kundi pati rin mga bata. Basilio Matapos mamatay ang kanyang ina, inihabilin ni Elias kay Basilio ang mga alahas na ibinaon niya sa ilalim ng puno ng balite. Ginamit ito ni Basilio para sa kaniyang pag-aaral. Elias Dahi sa pagnanais na mailigtas si Ibarra, ginawa niyang pain ang kaniyang sarili. Pinagbabaril siya matapos siya tumalon sa ilog sa pag-aakalang siya ay si Ibarra. Inihabilin niya kay Basilio ang alahas na ibinaon niya sa ilalim ng puno ng balite Sisa Si Sisa ay namatay dahil sa atake sa puso.
Full transcript