Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Pagsibol ng Nasyonalismong Pilipino

No description
by

Domingo de Chavez Jr.

on 29 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pagsibol ng Nasyonalismong Pilipino

Pagsibol ng Nasyonalismong Pilipino
Mga salik sa pagsibol ng nasyonalismong Pilipino
1.Pagbubukas ng Suez Canal
Location 3
Final Destination
Location 2
BAGO-BAGO lamang ang himagsikan ng Pilipinas, at masasabing nagsimula ito sa pagbukas ng Suez Canal nuong 1869. Ang mga aklasang naganap bago nito ay saklob lamang sa maliliit na bahagi ng Pilipinas, udyok ng kawalang-hiyaan sa iba’t ibang pook o ng paglapastangan sa pailan-ilang tao. Wala nuong aklasang nagmula sa malawak na pagnanasa ng pagbabago, kaya masasabi na ang mga aklasan nuon ay munting away-away lamang.
Pati na ang aklasan ng mga sandatahan sa Cavite nuon 1872 ay ganitong uri ng labanan. Sina Padre Jose Burgos, Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora, ang mga pinalabas na may pakana ng pag-aaklas at binitay nuong Febrero 1897 sa paratang na ito, ay humihingi lamang ng kabayaran o kapalit ng mga paroco na inagaw ng mga frayleng Español mula sa mga Pilipinong pari. Ang adhika nila ay pang-kanila lamang, na kilalanin ang karapatan ng mga Pilipinong pari na magpalakad sa mga simbahan dito sa kapuluan.
Kanya-kanya ang mga adhika nuon, maging nuong simula’t simula pa, sapagkat nang sakupin ng mga Español ang kapuluan nuong kalagitnaan ng

ika-16 sandaang taon, nagsisimula pa lamang ang pagbuo ng mga lipunang Pilipino. Bawat pangkat ay may sariling wika at mga gawi, at sariling mga pinuno na hindi nanagot sa iba pang mga pinuno. Sa malalaking purok, kahit na iisa ang wika at magkakahawig ang gawi, hati-hati at hiwa-hiwalay ang pumumuno at ang lipunang sinasaklaw, gaya sa Manila, ang mataong kabayanan, ay may 2 pamunuan, tinawag na mga rajah, isa sa hilaga ng ilog Pasig at isa sa timog.Hindi tinangka ng mga pinuno duon na pag-isahin ang mga pamahalaan at pagsama-samahin ang kabayanan sa pamamagitan ng kasunduan o kahit na sa dahas at paglusob, kaya hindi nagkaroon kailan man ng malawakang pagkakaisa o pagsasamahan. Kaya naman agad silang nasakop ng mga Español na nakipag-kaibigan at kampihan sa mga pinunong nakitungo sa kanila, at sa tulong ng mga ito, nilusob at ginapi ang mga pinunong laban sa kanila.
Nang pagtagal-tagal at naunsiyami ang mga kaibigan nilang mga pinuno, nang naging pagsakop at paghahari ang huwad na pakikipag-kaibigan ng mga Español, isa-isang inalis sa kapangyarihan ang mga pinuno o sila ay lubusang binura na, sa anumang dahilan na naisipan ng mga Español.
Full transcript