Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Mga Katangian Dapat Taglayin ng Isang Pinuno

No description
by

shane atienza

on 6 October 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Mga Katangian Dapat Taglayin ng Isang Pinuno

Mga Katangian Dapat Taglayin ng Isang Pinuno
Daan sa Tagumpay

Ang pagkakaroon ng namumuno sa isang pangkat, bayan o imperyo ay napakahalaga. Kung walang pinuno na mangunguna o mangangasiwa upang mahubog ang isang pangkat, imperyo o lipunan ng tao, ang pangkat na iyon ay maaaring walang patutunguhan. Ang kalagayan ng mga mamamayan o ng lipunan ay nakasalalay sa siyang namumuno.
Ang mga pinuno o ang pagiging pinuno ay hindi lamang basta-basta. Ang isang lipunan o pangkat ng tao ay hindi din maaayos kung ang namumuno rito ay hindi tinataglay ang siyang mga nararapat na taglaying katangian ng isang mahusay na pinuno. Ang isang mahusay na pinuno ay dapat taglayin ang mga sumusunod na katangian upang makamit ang tagumpay, katiwasayan at kapayapan sa nasasakupan.
Ang isang mahusay na pinuno ay dapat marunong rumespeto sa iba't ibang paniniwalang panrelihiyon ng mga mamamayan na kanyang nasasakupan. Sa aming opinyon, mas magkakaroon ng kapayapaan ang isang lipunan kung lahat ay marunong rumespeto sa paniniwala ng iba. Ang isang pinuno ay hangga't maaari ay hayaan niya ang pananampalataya ng iba.
Ang mahusay na pinuno ay mapagmahal at tagapagtaguyod sa pagpapaunlad ng sariling wika, mga tradisyon, mga sining at kultura.
Isa pa ito sa katangiang dapat taglayin ng isang pinuno spagkat ang mahusay na pinuno ay mayroong mabuting puso at minamahal ang kanyang nasaaskupan. Kapag mahl ng pinuno ang kanyang nasasakupan, gagawin niya ang lahat ng maaari niyng magawa para sa kanyng nasasakupan. Ang pinuno din dapat ang magtaguyod sa pagpapaunlad ng sariling wika, mga tradisyon, sining at kultura sapagkat ang mga pinuno ang modelo o mabuting halimbawa ng kanyang nasasakupan. Siya dapat ang nangunguna sa pagpapaunlad pagdating sa kanyang sariling kultura, wika, tradisyon, at kultura.

Ang mahusay na pinuno ay magalang at masuyong tinutupad ang paglilingkod sa bayan. Nangunguna sa disiplina at pagsupil sa mga kalapastanganan at pandaraya sa kalakal.
Isa din ito sa mga katangiang taglayin ng isang pinuno sapagkat bilang isang pinuno, kinakailangan niya ng disiplina pagdating sa pera. Ang pinuno ang may hawak ng kalahatang pera ng ating bansa kung kaya’t kung ang isang pinuno ay sakim at iniisip lamang ang kanyang sarili, maaaring idulot iyon ng pagkahirap ng kanyang nasasakupan.
Ang mahusay na pinuno ay mapagkumbaba, magiliw, at higit na pinahahalagahan ang maliliit at karaniwang tao.
Isa itong katangian na dapat taglayin ng isang pinuno sapagkat kailangan niyang makuha ang mga puso ng kanyang nasasakupan at matutong makisalamuha sa kanyang kababayan, sa lahat ng antas ng tao. Kailangan din niyang pahalagahan ang maliliit at karaniwang tao sapagkat ang mga ito ang magtatalaga sa kanyang maging pinuno. Sila ang kinakailangan niya upang mabuo ang kanyang bansa o nasasakupan at para matawag niya itong bansa o bayan.
May kakayahang mamuno at isakatuparan ang kanilang plataporma.
Higit sa lahat na Kailangan ito ng isang pinuno upang malaman ng mga mamamayan na siya ay mapagkakatiwalaan at may kakayahang mamuno ng tama. Makabubuti rin ito upang mas mapa-unlad ang kanyang nasasakupan sa paraan na hindi nasasayang ang mga pondo na naibibigay o binibigay ng mga taong bayan para sa mga plataporma ng tumatakbo o namumuno.
May Kaalaman sa responsibilidad at tungkulin sa posisyong nais kalagyan.
Ang kaalamang ito ay kinakailangan sapagkat ito ay makakatulong sa paghahanap ng mga sagot sa mga problema na kailangang gampanan ng posisyon na iyon. Makakatulong rin ito upang tumaas lalo ang ating ekonomiya sa paraan na mas maigi at mas mabilis mareresolbahan ang mga problema na may kaugnayan sa posisyong iyon.

Mayroong malalim na pang-unawa sa mga isyung kinakaharap ng bayan (poverty, corruption, morality).
Ang katangiang ito ay higit na makakatulong sa pagpapa-unlad ng ating lipunan at upang matapos na ang problemang hinaharap ng bayan. Ito ay maaaring maging susi sa isang mas maganda at mas magaan na pamumuhay ng mga tao sa lipunan na iyon. Mas uunlad ang ating bayan, tataas ang ating ekonomiya, at mababawasan ang ating mga kababayan na naghihirap.
Ang isang mahusay na pinuno ay may kakayahang magbigay solusyon at tumugon sa kasalukuyang mga isyu.
Mahalaga ang katangiang ito dahil ito ay maaaring gamitin sa panahon ng matinding problema. Kailangang manatiling bukas ang iyong isip upang mapabuti ang kalagayan ng iyong nasasakupan. Kailangan mo rin malaman ang mga napapanahong isyu upang malaman mo kung ano ang mga problemang kailangan mong maresolba at malaman kung ano ang mga hakbang na kailangan mong gawin upang matapos na ang mga problema.
Ang mahusay na pinuno ay mahusay na nagampanan ang mga tungkulin at pamumunong naiatang sa kanya, dapat hindi lang puro salita dpat mayroong gawa.
Ang isang pinuno ay marunong dapat tumupad ng mga pangakong kanyang binibitawan sa kanyang mga nasasakupan. Marunong dapat siyang gampanan ng maayos ang kanyang tungkulin para sa kanyang mga mamamayan upang makapamuhay ng maayos at mapayapa ang kanyang mga nasasakupan. Ito rin ang daan sa isang matagumpay na bayan o imperyo.
Ang isang mahusay na pinuno ay matapat sa kanyang mga nasasakupan.
Ang isang pinuno ay matapat sa kanyang nasasakupan, hindi nagnanakaw ng kaban ng bayan at ginagamit sa wasto at sa ikabubuti ng lahat ang mga buwis na natatanggap mula sa kaniyang mamamayan. Ang isang bayan o imperyo ay nagiging matagumpay at maunlad kung ang pinuno ay matapat.
Full transcript