Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

PAGMUMURA AT PAMIMINTAS

No description
by

Daphoy Arenas

on 24 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of PAGMUMURA AT PAMIMINTAS

PAGMUMURA AT PAMIMINTAS
Kahulugan
isang madilim na bahagi ng ating kultura. Ito'y isang penomenon na nakakabit sa ating kamalayan na parang linta at patuloy na sumisipsip ng dugo, patuloy na nabubuhay at patuloy na lumalaki at lumalago.

Itinuturing na madilim sapagkat karamihan sa atin ay namumuhi sa mga taong madalas gumagamit ng mga salitang bawal
Bakit nagmumura ang isang tao?
Ayon kay Atkinson et. al (1990), may dalawang mabibigat na teorya na naglalayong magbigay ng linaw kung bakit nagmumura ang isang tao
1. Psycho-analytic theory (Sigmund Freud)
verbal agression
at manipestasyon ng patuloy na paninikil sa iba't ibang damdamin gaya ng lubos na pagkasuya
2. Social-learning thoery ni Bandura
pagmumura ay natutunan ng isang nilalang na patuloy na nakikisalamuha sa ibang tao
sa pagkakataong masungkit ng panlabas na estimulo ang intrapersonal na damdamin ng suya o galit, ang isang taong natuto lamang magmura sa lipunang kanyang ginagalawan ang nahihimok na magmura

Sino ang mga Nagmumura?
•Mas madalas magmura ang mga mababa ang pinagaralan kaysa sa mga mataas (Almario, 1972; Aceveda 1972)
Pagmumura sa Konteksto ng Kulturang Pilipino
Ang mga Pilipino ay nahahati sa dalawa: ang nagmumura at ang hindi nagmumura (Aceveda 1977, Aguilar 1974, Patricio 1972, Tiano 1978, Villarin 1979)
Mga Uri ng Mura
Base sa tatlong kategorya ni Leach (1961)
Reaksyon ng Nagmumura at Minumura
May iba't ibang pakahulugan sa mga salitang mura ang mga taong nagmumura at minumura (Relova 2002)
ang mga pakahulugang ito ang magpapaliwanag kung bakit iba iba ang mga murang ginagamit ng isang taong nagagalit
ang mga pakahulugang ito ang magpapaliwanag kung bakit iba iba ang reaksyon ng mga minumura

Buod
Daphne Karen P.
Arenas
. Stephen Nathan C.
Kuo
. Andrea Maria B.
Parungao
.


Denotasyon:
masama at masakit na salita sa kapwa

Konotasyon:
(1) salitang nakaksakit ng damdamin; (2) salitang nakakayurak ng dangal o dignidad; (3) salitang bastos na ginagamit upang makasakit

Operational:
(1) mga salitang ginagamit sa konteksto ng pagkagalit; (2) mga salitang ginagamit kung saan ang tagapakinig ay nakapagbibigay ng reaksyon upang maipagtanggol ang sarili

Kasaysayan
•Malimit na ipinagbabawal sa maraming kultura ang pagmumura (Wolman, 1973)
Napag-alaman ng mga mananaliksik sa ating kasaysayan na ang simpleng pagpapakawala ng salita na yumuyurak sa dignidad ng isang tao (pagmumura) ay lubos na nagpapabaga ng galit sa ating mga ninuno
itinuturing ang pagmumura bilang isang mortal na kasalanan

•Kadalasan, ang simpleng pagsaling sa dignidad ng tao sa pamamagitan ng mga salita ay nagiging dahilan upang sumalakay ang isang tribo laban sa nang-usig (Plasencia, 1903)
• Ayon sa mga mananaliksik, mayroong batas noon na nagsasabing ang sinumang karinggan ng mga nakakasakit na mga salita ay kailangan patayin. (Loarca, 1903)

•Pinaniniwalaan noon na ang mga sugat sa katawan ay naghihilom ngunit ang mga sugat na dala ng mga salita ay hindi (Morga, 1903)
Ilang halimbawa ng mga lumang mura (Estrada, 1981)
alibugha- labusak
bugaw- lagalag
bulaan- sinungaling
busabos
hunghang- ulol
landi- kiri, hitad
lapastangan- upasala
lilo- taksil
palalo- hambog
salaula
talipandas- tampalasan

Mga ekspresyong ginagamit ng mga Pilipino bago pa man sakupin ng mga Kastila:

tinamaan ka ng lintik
pinutukan ka ng hangin
gumapang ka sanang parang ahas
lulunin ka sana ng lupa

Iba pang mga dahilan:
May mga taong nagmumura upang makuha lamang ang atensyon ng kausap at maihatid ang tunay na mensahe sa kaaway
May mga nagmumura dahil bahagi na ang mga salitang ito ng kabuuang layunin na makapanakit at makaganti sa kaaway
Pinakapopular na manipestasyon ng pagiging agresibo ay pakikipagtsismisan na ginagamit upang makapaghiganti. Maituturing na mura ang mga salita na ginagamit doon. (Paredes, 1982)
Sa Barasenos, ang taong hindi nakikisama at hindi tumatanaw ng utang na loob ay "Walanghiya"
Sa Leyte, ang nararamdamang galit ay berbal na inilalabas (panunukso, panunuya, pananaot, panghihiya, o pagmumura) Hal.
buwisit, ulol, tarantado, loko, walang-hiya, bastos, gago, hangal, lintik, peste

• May mga taong nagmumura dahil sila'y walang lakas ng loob makapanakit kaya dinadaan na lamang sa mura (Buss, 1961)
• Naikakahon ng mga mura ang rumaragasang galit na nais ipahayag ng sinuman (Nakpil 1974).
Hal.
buwa ka ng ina mo
- matinding emosyon ng pagkagalit

shit/buwisit
- naiinis lang
Ayon kina Bandura at Huston (1961), ang kaugaliang pagmumura ay sinasabing maaring ugatin sa kanilang mga karanasan nung sila'y bata pa. (Marahil natutunan ng mga bata mula sa iba ring matatanda sa lipunan gaya ng mga magulang, guro, at mga kamag-anak)
Ang pagkakatuto ng magmumura ay patuloy at walang patid. Wala itong pinipiling edad. Maaring magsimula ang isang tao sa paggaya-gaya lamang o lantarang pangkopya kung paano gamitin ang mga mura sa sitwasyong komprontasyonal
Kahalagahan ng Pagmumura
•Pinaniniwalaang ang pagpapahayag ng galit sa pamamagitan ng pagmumura ay mabuti sa tao dahil bumababa ang kasidhian ng nararamaman kapag naibulas na ito (Aceveda, 1977)
•Mas mabuti ang pagmumura kaysa pisikal na pananakit (Boster, 2001)
• Dulot ng impluwensya ng alak kaya't nagiging matapang magpahayag ng damdamin (Soto, 1974)
• May mga taong nakakapagmura kahit na magulat o mabigla lang
Hal.
ay puta!
(Villarin, 1979)
Nagiging bahagi na ito ng makulay na ekpresyon ng mga taong tinataguriang "marumi ang bibig" (Aguilar, 1974)
• Pagmumura bilang balahibo ng pagpapatawa
Hal.
stand-up comedy bars
gumagamit ng mga murang itinuturing na nabubulok sa basura sa berbal na kultura ng ating lipunan
-Ang kahihiyang nararamdaman (dahil sa mura) ang nagpapaliwanag kung bakit nangingiti at natatawa ang mga Pilipino sa pagmumura ng mga
hosts
•Pagmumura bilang takong sa pagpapataas ng estado ng sarili
•Mas masidhi ang mura ng hindi gaano nakapagaral kasi hindi sila natuturuan ng mabuting asal; nangingiming magmura ang mga nakapagaral dahil ito raw ay labag sa asal (Aguilar, 1974)
•Mas madalas magmura ang kalalakihan sa kababaihan (Almario, 1972l Gosiengfiao, 1972; Aldaba et al 1972)
•Mas madalas gumamit ng pandiwang panakit at sekswal ang mga kalalakihan kaysa sa kababaihan. Bagaman paimbabaw lamang at medyo malabo pa, ang konklusyon ng kanilang pag-aaral ay itinuro sa dikta ng ating kultura na ang mga babae'y inaasahang maging mayumi sa lahat ng pagkakataon samantalang ang mga lalaki'y kinakailangan maging agresibo. (Justiniani at Sustento, 1972)
•Palamura ang mga hindi mahilig sa palakasan (na karamiha'y babae) kaysa duon sa mga atletiko (na karamiha'y lalaki) tulad ng boksingero, mambubuno at mananakbo. (Heisman, 1962)
•Sa berbal na interaksyon ng mga kababaihan (tsismisan) lumalabas ang mga mura.
•Mas madali magalit ang mga babae, mas maikli ang pasensya, at madaling mainis sa maliliit na bagay. Samantalang ang mga lalaki ay tahimik lang (Aceveda, 1972)
• Hindi lahat ng relihiyoso ay hindi nagmumura.
•ang mga taong nagmumura nang pinakamasidhi ay nabablot sa galit
•may mga dahilan ang mga taong hindi nagmumura (Tiano)
ang ilan ay hindi nakasanayang magmura sa kanilang kinalakihan
ang iba'y pinipiling hindi magmura sa paniniwalang walang mabuting maidudulot sa kanila ang pagmumura at nakaksakit ito ng damdamin ng iba
karamihan ay naniniwalang walang puwang sa kanilang relihiyon ang pagmumura

•Hindi tuwiran ang pagpapahayag ng damdamin ng mga Pilipino. Lalo pang nangingimi ang karamihan kung negatibo ang damdaming nais na pakawalan.
•Ayon kay Charles Darwin, ang pagpapahayag ng damdamin ay magkakasingtulad sa lahat ng kultura. Sa Pilipinas, ang isang penomeno ng pagpapahayag na kapansin-pansin sa tuwing mabibigla, mayayamot, mabibigo o magagalit ang karamihan ay ang pagpapakawala ng mga mnakakasakit at nakakayurak dignidad ng mga salitang tinatawag na
PAGMUMURA
Kailan at Saan Nagmumura ang mga Pilipino?
•Hindi basta basta nagmumura ang mga Pilipino sa lahat ng pagkakataon. Ang galit ay pilit na sinisikil sa harap ng mga bisita at binubulalas lamang pag nakaalis na ang mga ito. (Aceveda, 1977)
•Mas madalas magmura ang kabataan pag kasama nila ang kanilang barkada- ang barkada ay ka-edad at mas komportable ang isang nilalang sa piling nito; nababawasan ang inhibisyon magmura. (Aldaba, 1972)
•Mas malimit magmura sa harap ng pamilya dahil sa pagpapataw ng parusa sa mga anak na palamura. Ngunit maaaring magbago kung palamura rin ang mga magulang.
•Minumura o kinakausap ang sarili pag nakararanas ng di kanais-nais na pangyayari.
Hal.
ang tanga mo, ang gago mo
matapos ang isang malaking pagkakamali
•Pagmumura bilang dekorasyon sa berbal na pakikipag-ugnayan --sa ordinaryong usapan lamang ay kariringgan ang mga taong nagmumura. Nagiging
verbal filler
ang mga mura.
•Naapektuhan ang kanyang desisyon magmura depende sa kagalit
Nangingimi ang isang taong magmura sa harapan ng taong iginagalang (tulad ng magulang) o pinoprotektahan (tulad ng anak).
Mas madalas murahin at masidhi ang mga murang sinasabi kapag alam ng taong nagmumura na kaya siyang patawarin ng taong minumura
1. Masasamang salita na karaniwang may kaugnayan sa pagdumi at sa hibo ng laman
Nanatiling pinakamasidhi ang pagmumurang gamit ang giti o katas ng isang tao dahil mahigpit na ipinagbabawal ang salitang ito sa isang kultura. (Almario)
Pinakamasidhing mura ang mga hibo ng laman tulad ng
kiki, titi, puki, uten
(tumutukoy sa ari) 
Napagkasunduan sa lipunan na salitang pampersonal o pribado at hindi dapat pinaguusapan sa publiko
 ”Leche”
- nangunguhulugan ng kapalaran sa Kastila o dili kaya'y gatas. Kapag ginamit itong mura, ito'y tumutukoy sa gatas o giti ng isang tao kaya't itinuturing mga murang ito na isa sa pinakamasidhi. Ngayon, hindi na masidhi. Maaring ang kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino ang sanhi kung bakit mas madaling matanggap ang murang banyaga
Hal.
tae, kupal, muta, tamod, semilya, ihi, libag, regla, dura
2. Kalapastanganan at pagkawalang-galang
putangina, puki ng ina, kantutin mo ang nanay mo
Sa ating kalinangan ang isang ina ay makapangyarihan at banal sa paningin sa kanyang anak sapagkat siya ang nagbibigay-buhay at kumakalinga. Ang anumang pagkawalang-galang sa kanya ay isang kalapastangan (Almario, 1972)
3. Panghamak-hayop na kung saan ang isang tao ay inihahalintulad sa isang hayop
Mga mura tulad ng
ahas
(Adan at Eba),
baboy
(pagiging marumi), o
ulupong
 

Base sa Pag-uuring Leksikal ni Almario (1972)
Iba pang klase ng pagmumura...
Double entrende (France) - paggamit ng mga ordinaryong salita sa pagmumura upang magkaroon ng dalawang kahulugan ang mga salita.
Hal.
ngatngatin mo
isubo mo
Reaksyon ng mga Nagmumura
Pagsimangot pagkatapos magmura
Pagtingin ng masama sa taong minumura
Pagdadabog tulad ng pagsuntok sa mesa, pagpadyak ng paa, pagbato ng anumang hawa sa dingding o sahig at biglang pagsara ng pintuhan
Pag-irap
Pag-iyak sa galit
Pagbabanta ngunit hindi pagtupad sa banta
Nababawasan ang galit at sama ng loob
Nakakaganti sa kaaway
Naipagtatanggol ang sarili
Nakakataas ng tingin sa sarili
Maaaring lalo itong napapamura dahil sa pagmumura
•Palaging iispin ng nagmumura na siya lang ang may karaptan gumamit ng ganitong salita

Reaksyon ng Minumura
Ang pinaghalu-halong persepsyon sa kasidhian ng mga mura at epekto sa dignidad tao at kinikilos ng nagmumura ang tumitimbang sa maaring maging reaksyon ng minumura. Kadalasan nga, ang minumura ay nagmumura pabalik sa paniniwalang maibabangon niya ang naapakang dignidad sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng bawal na salita.
Dahil sa ipinagbabawal ang mura, ang mga tumatanggap ng mura ay kalimitang nagagalit sa paniniwalang pinahihintulunan ng lipunan ang ganitong pag-uugali
Bihira sa isang tao ang hindi nagagalit kapag siya ay minumura
Magtatanong upang malaman ang nagawang mali
Magagalit agad dahil naniniwala siyang walang karaptan ang ibang tao murahin sila

Kasalukuyan
Wala pang masusing pag-aaral na magpapaliwanag kung ano ang mga kahulugang ikinakabit nating mgaPilipino sa mga salitang tinagurian nating mura at kung paano natin ginagamit ang mga salitang ito sa ating pakikipagtalastasan
Full transcript