Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kabihasnang Mayan at Imperyong Aztec

No description
by

Sandra Jewel A Benig

on 16 November 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabihasnang Mayan at Imperyong Aztec

Kabihasnang Mayan at Imperyong Aztec
Sa timog na bahagi ng Mexico, sa
Yucatan Peninsula
, umusbong ang kabihasnang Maya may 600 taon matapos ang pagbagsak ng kabihasnang Olmec. Narating nito ang rurok ng kapangyarihan sa pagitan ng 300 at 900 C.E. Ito ang itinuturing na panahong klasikal ng America.
Paniniwalang Mayan
Nanungkulan ang haring Mayan bilang pinuno ng pamahalaan at relihiyon. Pinangunahan niya ang mga seremonyang panrelihiyon tulad ng pag-aalay ng mga sakripisyo. Pinaniniwalaan ding may kapangyarihan ang hari na makig-usap sa diyos.
Nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng
hiroglipikong pagsusulat
. Gamit nila ang
glyphs
.Sa mataas at patag na bato, tinawag na
stela
, inukit ng mga Maya ang tala na nagawa ng kanilang pinuno. Lumikha sila ng kalendaryo. Ang tinatawag ng mga awtoridad na kalendaryong
tzolkin (bilang ng mga araw)
ay binubuo ng 260-araw na siklong hinati-hati sa 13 yugto na may bilang.
Kulturang Mayan
Nagtatag ng nagsasariling mga lungsod at kaharian ang mga Maya bagama't hindi napagbuklod ang mga ito bilang isang imperyo. Pagsasaka at pakikipagkalakalan ang ikinabubuhay nila. (Cruz, Fietas, Mercado)
Sentro ng buhay-Mayan ang relihiyon. Si
Yum Kaax (diyos ng kagubatan)
ay isa sa mga pinakamahalagang diyos ng Maya. Upang masiyahan ang kanilang diyos, nag-alay ang mga Maya ng sakripisyo tulad ng tao.
Naniniwala sila na nahahati ang mundo sa
upperworld
- pinaninirahan ng mga diyos,
middleworld
-daigdig ng mga tao, at ang
underworld
- tirahan ng mga yumao at ibang diyos.
Pamahalaang Mayan
Ang Sibilisasyong Maya
- isang Meso-American civilization
- sila lang ay may organisadong written language sa buong Pre-Columbian America at sila ay may sariling numerical system
- maraming kaalaman sa larangan ng:
- astronomiya
- matematika
Pagbagsak ng Kabihasnang Mayan
Hindi tiyak ang dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Mayan bandang 900 C.E. Ang mga sumusunod ay ilan sa maaaring dahilan:
pananakop ng mga Toltec
digmaan sa pagitan ng mga lungsod sa kabihasnang Mayan
kakulangan sa pagkain dahil sa malaking populasyon
Imperyong Aztec
Bandang 1200 C.E. nandayuhan ang mga Aztec sa gitnang Mexico. Sa
Tenochtitlan
(kasalukuyang Mexico City)sa isang pulo sa pagitan ng Lake Texcoco, itinatag nila noong 1325C.E. ang kabisera ng kalaunan ay naging pinakamakapangyarihan na imperyo sa Mesoamerica.
At dahil limitado lang ang lupang pansakahan nila gumawa sila ng mga
chinampa
o artipisyal na isla mula sa pinagpatong-patong na lupa at mga ugat ng puno. Ang lumulutang na hardin na ito ay nalilipat-lipat nila ng lugar.

Ginamit din ang
kalendaryong sibil, o haab
, kasabay ng kalendaryong ritwal. Isa itong kalendaryong solar na may 365 araw. Mayroon itong 19 na buwan, na 18 sa mga ito ay umaabot nang 20 araw; at ang isang buwan naman ay may limang araw lamang, kung kaya sa kabuuan ay 365 araw. Ibinatay sa solar na taóng ito ang agrikultura at pang-araw-araw na buhay.
Kaugnay ng mga kasangkapan, naging tagagawa sila ng mga pasong gawa sa putik. Nagtayo sila ng mabusising mga libingan, mga templo, at mga kahang yari sa bato.
Dahil sa maunlad na agrikultura , lumaki ang populasyon nila at ang ilan ay lumipat sa mainland. Nagtayo sila ng mga tulay upang pagdugtungin ang Tenochtitlan sa ibang pamayanang Aztec sa labas ng pulo.
Nakipagkasundo ang mga Aztec sa ibang makapangyarihang pangkat sa Lambak ng Mexico. Noong 1428, sa pakikipagsanib-puwersa ng mga Aztec sa lungsod ng Texcoco at Tlacopan ay naitatag ang imperyo.
Noong 1500 C.E. ,lumawak ang imperyo sa pamumuno ni
Ahuizotl
. Sinakop nila ang mga teritoryo sa gitnang Mexico na malapit sa Pacific Ocean at ang mga lupain sa bahagi ng kasalkuyang Guatemala.
Paniniwalang Aztec
Dahil umasa ang mga Aztec sa kalikasan para sa kanilang kabuhayan, sumamba sila sa mga diyos ng kalikasan. Pinakamahalaga nilang diyos si Huitzilopochtli,ang diyos ng araw. Pinaniniwalaang ang kaniyang galit ay magbubunsod ng pagbagsak ng araw at ang pagkamatay ng lahat ng nilalang. Nagtayo sila ng mg templo na ang hugis ay piramide.
Nag-alay rin ng mga tao ang mga Aztec sa kanilang diyos. Gamit ang patalim na obsidian, kinukuha nila ang puso ng tao at iaalay. Upang hindi maubusan ng iaalay na puso, hinuhuli nila ng buhay ang kanilang mga kalaban.

Pamahalaang Aztec
Pinamunuan ang imperyo ng isang emperador. Siya rin ang pinunong panrelihiyon. Itinuring at sinamba siya bilang diyos.
May masiglang kalakalan sa pagitan ng mga lupaing sakop ng imperyo. Samantala, pinahihintulutan ang mga katutubong pinuno ng mga nasakop na lupain na pamunuan ang kanilang luagr kapalit ng buwis na ibinabayad sa pamahalaan.
Lipunang Aztec
Apat na antas sa lipunang Aztec:
maharlika
karaniwang mamamayan -pari, mangangalakal, artisano, magsasaka
magsasakang walang sariling lupa
alipin-kriminal at bihag ng digmaan
Pagbagsak ng Imperyo
Nagsimulang humina ang imperyo nang mag-aklas ang mga rebelde dahil sa mataas na buwis at pag-aalay ng alipin bilang sakripisyo. Isang salik ito ung bakit madaling nasakop ang mga Aztec ng mga Espanyol noong 1521.
Sources:
Kasaysayan ng Daigdig :Ikasiyam na Baitang (Edisyon 2014)
http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/102005254
http://ailamarieilagan.blogspot.com/2011/10/kabihasnan-sa-sinaunang-amerika-maya.html
Full transcript