Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

KARANASAN AT MOTIBASYON NG MGA GURO SA SJWC, INTEGRATED SPEC

No description
by

eljhean piloton

on 2 December 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of KARANASAN AT MOTIBASYON NG MGA GURO SA SJWC, INTEGRATED SPEC

KARANASAN AT MOTIBASYON NG MGA GURO SA SJWC, INTEGRATED SPECIAL EDUCATION (SPED) CENTER SA BAYAN NG SAN JOSE CITY
ANG MGA GURO SA SPED CENTER
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon (2011), antas ng SPED ay nakikipagtulungan sa Christoffel Blinden-mission International, ang NGO na ito ay nagsasagawa ng Training Workshops simula pa noong 1998, para sa mga guro sa SPED at mga guro sa pampublikong paaralan gayundin sa mga social workers at sa mga magulang na mayroong anak na may kapansanan upang sila ay magsanay sa home teaching process gamit ang Portage Guide to Early Intervention.
KARANSAN NG MGA GURO SA SPED CENTER
PARAAN NG PAGTUTURO SA SPED CENTER
Ayon kay Payne (2005), ang mga guro sa SPED ay pinahahalagahan ng nakararami para sa kanilang malaking responsibilidad sa paglilingkod sa mga kabataan na may pangangailangan sa edukasyon, na kung saan isa sa pinakamahirap at komplikadong trabaho sa larangan ng pagtuturo. Kaugnaypa sa pag-aaral na ito, tungkol sa mga guro na kaugnay sa espesyal na edukasyon. Kabilang pa dito, ang paninindigan ng mga guro at pagbibigay ng buong tiwala (Chong, Forlin,at Au, 2007; Martinez, 2003). Ang natitirang pag-aaral na limitado sa pamamahagi ng nararamdaman at layunin ng mga guro sa pangkalahatang motibasyon sa kanilang karera at pagsubaybay sa mga pagsubok ng mga guro para sa kanilang pang-sariling karanasan (e.g., Hayes, 2003).
Hindi birong propesyon ang pagiging isang guro. Ito ay nangangailangan ng sapat na karanasan sa pakikipagkapwa-tao, may positibong pananaw sa sarili, may disiplina, may bukas na isipan at higit sa lahat mayroong mahabang pasensya.
Halos ibinuhos na nila ang kanilang buhay sa pagtuturo. Umaabot sila ng limang taon, sampung taon, o marahil higit pa sa pagtuturo. Taun-taon nagbabago ang mga estudyanteng nakakaharap nila.Mga estudyanteng iba-iba ang ugali at may iba’tibang personalidad. Kung tutuusin, napakahirap maging isang guro. Sa kakarampot na kinikita nila,tiyak na hindi ito sapat para sa kanilang pamilya.
Ang pagkakaroon ng problema sa kanilang tahanan ay nadaragdagan pa ng pasakit ng mga estudyanteng matitigas ang ulo, ngunit ang pagmamahal nila sa kanilang trabaho ay hindi matatawaran. Ang tanging layunin ng mga guroaymakatulong sa kapwa at layuning makabuo ng isang progresibo at marangal na Pilipino.
Ang ibang mga NGO’s katulad ng Resources for the Blind, Inc. (RBI), Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled (PFRD), Katipunan ng Maykapansanan sa Pilipinas, Inc. (KAMPI) at ang Personnel Managers Association of the Philippines (PMAP) ay nagiging aktibo sa pagsasanay sa kakayahan ng pagbuo at paghahanda sa mga guro sa SPED lalo na ang mga guro sa pampublikong paaralan na humahawak sa mga kabataan na may espesyal na pangangailangan.
Ayon kay Badayos (2008), sa Pilipinas, ang alternatibong paraan ng pagtuturo ay tinatawag ding makabagong pamamaraan sa pagtuturo sa paaralan. Sinasaklaw nito ang iba’t ibang paraan at estratehiya na ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay nag-uugat mula sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na naiiba sa tradisyonal na pamamaraan.
MOTIBASYON NG MGA GURO SA SPED
Ang mga guro ng espesyal na edukasyon ay pinahahalagahan ang kanilang sinumpaan na magserbisyo sa malaking grupo ng mga bata na nangangailangan ng edukasyon, kung saan ito ang pinakamahirap at kumplikadong trabaho sa larangan ng edukasyon.
Ang motibasyon sa pagtuturo ng mga guro sa pangkalahatan ay nababawasan ang pangangalaga, pananaliksik at pagsasanay. Samantala, ang pag-aaral sa motibasyon ng mga guro sa espesyal na edukasyon ay hindi umabot sa kanilang pamamaraan. Ang motibasyon ng mga guro ay gumagawa ng mga desisyon para sa kanilang trabaho na matuto sa pagkakaiba-iba ng mga estudyante na nangangailangan ng tiyak na aspeto mula sa pangkalahatang edukasyon.

TEORYA NG PAG-AARAL
Ang gagamitinsa pag-aaral na ito ay ang “Job Characteristic Model of Work Motivation” nina Hackman at Oldham (1976).Ang teoryang ito ay nababatay sa kondisyon ng nagagawa ng mga guro sa SPED Center na kung saan ay nagtatagumpay sa kanilang trabaho. Mayroon itong tatlong pangunahing bahagi: ang Core Job Dimension, Critical Psychological States at ang Personal Work Outcomes. Ang Critical Psychological States ay may tatlong dimensyon na kung saan ipinakikita ang karanasan ng mga guro sa SPED Center; una ang Experienced Meaningfulness of the Work na ang karanasan sa trabaho ng mga guro sa SPED Center ay nagiging makahulugan sa kanila. Ito ang pangunahing intrinsic ng motibasyon, na nakapagbibigay ng motibasyon para sa kanilang trabaho.
Pangalawa ay ang Experienced Responsibility for Outcomes of the Work.Ito ay nagbibigay ng oportunidad na maging matagumpay o di mag-tagumpay sa trabaho dahil sa kanilang kalayaan. Kaugnay rin dito ang kakayahan na mabigyan ng pagbabago at madagdagan ang kaalaman sa kanilang gawain. Ang pangatlo ay ang Knowledge of the Actual Results of the Work Activitie. Mayroon itong dalawang importanteng dahilan.
Una, mabigyan ang mga guro sa SPED Center ng kaalaman kung paano sila magtatagumpay sa kanilang trabaho, na kung saan natututo sila mula sa kanilang pagkakamali. Pangalawa, ito ay nakakonekta sa kalalabasan ng kanilang emosyon, sapagkat nagbibigay ito ng malawak na layunin sa kanilang trabaho. At ang pangatlong bahagi ay angPersonal Work Outcomesna kung saan maipakikita na ang kanilang Internal Work Motivation natumataas dahil sa kanilang mga karanasan sa pagtuturo sa SPED Center
KONSEPTWAL NA BALANGKAS
GURO
KARANASAN
MOTIBASYON
Fig. 1. Ipinakikita sa balangkas na pag-aaral na ito ang mga katangiang makapagpapaliwanag sa pag-aaral. Nakapaloob sa pag-aaral na ito angmga Guro sa SPEDCenter na siyang pangunahing baryabol sa pag-aaral at nasasakupan nito ang baryabol ngKaranasan at Motibasyon ng mga guro sa SPED Center.
METODO
Sa bahaging pag-aaral na itoipinakikita ang mga pamamaraang gagamitin sa pagkalap ng mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsagot sa mga layunin ng pag-aaral. Kabilang sa mga bahagi nito ay ang mga sumusunod: disenyo ng pag-aaral, kalahok, panukat, pamamaraan ng pagkuha ng datos at ang pagsusuri ng datos.


Disenyo ng Pananaliksik
Isang kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik ang gagamitin sa isasagawang pag-aaral, upang magkaroon ng malalimang pagsusuri patungkol sa karanasan at motibasyon ng mga guro sa SPED Center.
Mga Kalahok
Sa pag-aaral na ito ang mga kalahok ay nagmula sa bayan ng San Jose. Ang mga pamantayan na gagamitin sa pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral na ito dapat ang guro na kalahok ay nagtuturo sa San Jose West Central School, Integrated Special Education (SPED) Centers. Dapat mayroon nang 1 hanggang 5 taon ang pagtuturo sa SPED. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay Anim (6).
Instrumentasyon
Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng pakikipagkwentuhan. Gabay na tanong ang gagamitin sa pakikipagkwentuhan. Ang gabay na tanong ay mahahati sa dalawang bahagi. Ang una ay naglalaman ng katanungan hingil sa karanasan sa pagtuturo ng mga guro sa SPED. Ang ikalawang bahagi naman ay kinabibilangan ng mga tanong tungkol sa motibasyon ng mga guro.
Paraan ng Pagsusuri sa mga Datos
Bibigyang saysay ang mga datos na makakalap sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan. Una, isasalin ng mananaliksik sa papel ang irerekord na pakikipagkwentuhan. Ang mga makukuhang sagot ay hindi babaguhin, hindi dadagdagan at hindi babawasan. Ayon kay Boyatzis (1998), angthematic Analysis ay isang pamamaraan ng pagtukoy, pag-aanalisa at pag-uulat ng mga patterns ng mga tema na matatagpuan sa datos na makakalap.
MARAMING SALAMAT
Full transcript