Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Noli Me Tangere Kabanata 1

No description
by

Jamelle Lay

on 5 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Noli Me Tangere Kabanata 1

KABANATA 01

BUOD NG KABANATA 1
BUOD NG KABANATA 1
BUOD NG KABANATA 1
Si Don Santiago, na tinatawag ding Kapitan Tiyago, ay naghanda ng isang salusalo sa kaniyang bahay sa daang Anluwage. Ito ay naganap sa bandang huli ng buwan ng Oktubre. Ang ginawang salusalo ay bukas sa lahat kaya't nang kumalat ang balitang ito, ang lahat ay naghanda para dito.

Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay puno ng mga palamuti, mga larawan ng mga santo at mga halaman at bulaklak. Napuno ang bahay ng mga tao. Si Tiya Isabel ang sumasalubong sa mga panauhin at kalaunan ay napagod at umalis na paggalit dahil sa mga nabasag na pinggan.

May magkakahiwalay na pulutong na nag-uusap. Isang grupo ay sa mga lalaki, iba naman ang sa mga babae at mayroon namang isa na binubuo ng mga prayle at ng isang kawal.

Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa.  

Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon.

Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.
Bago umalis ang tinyente, sinabi niya na sa San Diego, may isang marangal na tao (Si Don Rafael Ibarra) at may anak sa Europa. Inilibing ito at sinabing nagpakamatay raw ngunit isang kasinungalingan ito. Nasa maayos na libingan si Don Rafael ngunit ipinahukay ito at ipinatapon kaya't nang malaman ito ng Heneral ay ipinalipat si Padre Damaso sa ibang bayan.

Bumalik ang kaayusan sa bahay. Dumating pa ang ibang bisita at natatangi ang isang Kastilang pilay na inaakay ng isang babaeng Filipina. Si Doktor de Espadaña ang matandang lalaking Kastila at ang babae naman ay si Donya Victorina na ang itsura'y animo'y taga-Europa.

Isang Salusalo

Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok na isang Dominiko at propesor sa San Juan de Letran; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita na isang Pransiskano at iniisip na laging tama ang kanyang sinasabi; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil.
Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Full transcript