Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Aralin 17

No description
by

Veatriz Malitic

on 4 November 2012

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Aralin 17

Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan, Hilaga at Timog Silangang Asya Aralin 17 Isa sa mga mahalagang ambag ng China sa daigdig ay sa larangan ng pilosopiya. Dito namukadkad ang Confucianism, Taoism at Legalism. Nang lumaon, kumalat sa karatig bansa ng Japan, Korea at Vietnam ang Confucianism. Sa gitna ng pilosopiyang ito, niyakap ng mga Tsino ang Buddhism na nagmula naman sa India. Nakarating ang Buddhism hanggang sa Timog Silangang Asya. Tinanggap din ng mga taga-Timog Silangang Asya ang Hinduism, Islam at maging Kristiyanismo sa pagdating ng mga kanluranin. Sa dami ng relihiyong ito, hindi nalimutan ng mga taga-Timog Silangang Asya ang kanilang katutubong relihiyon na Animism. Nabahiran pa nga ng Animism ang paniniwalang Buddhism, Hinduism, Islam at Kristiyanismo ng mga taga-Timog Silangang Asya. Sa kabuuan banaag sa mga kulturaang Asyano ang mga ritwal at paniniwalang Animism. Mga Pilosopiya sa Silangang Asya Umusbong ang Confucianism at Taoism sa panahon ng dinastiyang Zhou sa China. Ang panahon ng ng Zhou ay kilala bilang "Panahon ng Nagdidigmaang Estado". Walang pagkakaisa at sentralisadong pamahalaan ang China kung kaya't panahon ito ng kaguluhan. Sa gitna ng kaguluhan, maraming tsino ang naghanap ng solusyon sa problemang ito. Maraming pilosopo ang napatanyag kung kaya't tinawag din ang Zhou bilang "Panahon ng mga Dakilang Pilosopo". Confucianism Ang pinakatanyag na pilosopo ay si Confucius na ang pangalan sa Chinese ay K'ung Fu-tzu (kongfuzi) na nangangahulugang Master Kung. Ipinanganak siya noong 551 B.C.E. sa estado ng Lu na sa kasalukuyan ay nasa lalawigan ng Shandong. Naulila si Confucius sa ama noong tatlong gulang siya at sa ina noong siya ay nagbibinata. Naging guro si Confucius at naghangad magsilbi sa pamahalaan. Ngunit pinalad lamang syang manilbihan sa Lu. Sinasabing nadismaya siya sa pamamalakad ng isang mataas na pinuno kung gaya't nagpasya na lamang siyang bumalik sa pribado niyang buhay. Sa kanyang pagtanda, marami siyang naging estudyante at disipulo. Sila ay nagpalipat lipat sa iba't ibang lugar, naghahangad na sana'y may mataas na pinuno ng pamahalaan na tatanggapin ang kanyang pilosopiya. Namatay si Confucius sa Lu noong 479 B.C.E. Confucius Five Classics 1. Classic of Changes- orihinal na ginamit para sa divination o upang mabatid ang mga darating na pangyayari
2. Book of History- koleksyon ng mga talumpati at talakayan
3. Classic of Odes- koleksyon ng mga awiting-bayan at mga tulang panseremonya
4. Classic of Rites- talakayan ng mga alituntunin sa pag-uugali at sa mga seremonyang pampubliko at pribado
5. Spring and Autumn Annals- ulat o tala ng estado ng Lu. Ano ang Confucianism? Ang confucianism ay hindi lamang isang relihiyon kundi isa rin itong sistemang pilosopikal na naglalayong gabayan ang mga tao sa tamang pamumuhay t pakikipag-ugnayan sa kapwa. Mga birtud o virtue na kailangang payabungin ng bawat isa jen- kagandahang loob
yi- pagkamakatwiran at tamang pag-uugali
li- ritwal at pagkamagalang " Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo" Pinahalagahan din ni Confucius ang pamilya. Isa sa pinakadakilang birtud ay ang Xiao o ang paggalang sa magulang.
Sa katunayan, tatlo sa limang relasyong iniaatas ni Confucius ay tumutukoy sa pamilya. Sa mga relasyong ito, may nakahihigit o nakatataas at may nasa ilalim. Ang tanging pantay na relasyon ay ang magkaibigan. Ang limang relasyon: emperador sa nasasakupang mamamayan
ama sa anak na lalaki
asawang lalaki sa asawang babae
nakatatandang kapatid na lalaki sa nakababatang kapatid na lalaki
kaibigan sa kaibigan Pinahahalagahan din ni Confucius ang pag-aaral. Para sa kanya, ang ideyal na lalaki ay isang Shi o iskolar. Sa pag-aaral, mapapayabong ang tamang birtud. Samakatwid, ang dapat manungkulan lamang sa pamahalaan ay mga lalaking nakapag-aral at nagtataglay ng mga birtud ng jen, li, yi at xiao. Kung susuriin, malaki ang naging impluwensya at epekto ng Confucianism sa China. Sa loob ng 2000 taon, Confucianism ang naging opisyal na pilosopiya ng China. Naapektuhan nito ang lahat ng aspekto ng pamumuhay sa China mula sa edukasyon, pamahalaan, pag-uugali at kaayusan ng lipunan. Isa itong pilosopiya at patnubay sa moralidad at pagkakaroon ng mabuting pamahalaan. Idinikta rin ng Confucianism ang istratipikasyon o kaayusan ng lipunang Tsino hanggang sa pagpasok ng ika-20 siglo. Ayon kay Mencius, ang lipunan ay nahahati lamang sa dalawang kategorya: ang nakapag-aral o nagtatrabaho gamit ang utak at ang hindi nakapag-aral o nagtatrabaho gamit ang lakas-katawan. Ang nakapag-aral ang namumuno at pinagsisilbihan at ang hindi nakapag-aral ang pinamumunuan at nagsisilbi. Ang Confucianism ang batayan ng pagiging edukado o aral. Ang Confucianism ay isang pilosopiya na nakatuon sa lalaki. Mababa ang pagtingin ng pilosopiyang ito sa kababaihan. Ang babae ay walang puwang sa edukasyon at pamahalaan. Siya ay nasa bahay lamang at nagsisilbi sa kanyang asawa at pamilya. Sa loob ng ilang siglo, ang babae ay sumailalim sa footbinding upang mapanatili na maliit lamang ang mga paa. Sinasabing isa itong pamantayan ng kagandahan para sa mga sinaunang tsino. Patunay rin daw nito na ang babae ay hindi nagtatrabaho, nasa bahay lamang at kayang suportahan ng kanyang asawang lalaki. Footbinding Taoism ang isa pang tanyag na pilosopiyang umusbong sa panahon ng Zhou. Si Lao Zi, na ang pangalan ay nangangahulugang Old Master, ang kinikilalang tagapagtatag nito. Subalit may nagsasabing hindi talaga tunay na nabuhay si Lao Zi at malamang ay kathang isip lang siya ng ilang mga pilosopo noong panahon ng Zhou. Kinailangan ilang gumawa ng katauhan ni Lao Zi upang magkaroon ng tagapagtatag ng Taoism. Malamang sila rin at hindi si Lao Zi ang may akda ng Dao de Jing, ang aklat ng Taoism. Taoism Ang Taoism ay nagmula sa katagang Tao na nangangahulugang "Ang Daan ng Kalikasan". Naniniwala ang Taoism na ang kalikasan ay may sariling landas at dapat hayaan ito na tahakin ang kanyang landas. Ang nararapat lang na gawin ng lahat ay wu-wei o hindi pagkilos sapagkat magagawa ang lahat sa pamamagitan ng hindi paggawa. Hindi ito nangangahulugan ng katamaran. Bagkus, ito ay hindi pagkilos upang hindi sumalungat o makagambala sa landas na tinatahak ng kalikasan. Hangad ng Taoism ang pagkamit ng balanse sa kalikasan at daidig. Sinisimbolo ang balanseng ito ng yin at yang. Ang yin ay nagrerepresenta ng aspektong kababaihan:malambot at kalmado. Kinakatawan ddin nito ang kadiliman. Samantala, ang yang naman ang nagrerepresenta ng kalalakihan:matigas at masigla. Sumisimbolo din ito ng kaliwanagan. Kailangang may balanse ang yin at yang upang magkaroon ng kaayusan sa mundo. Kapag wala ang isa, mangangahulugan ito ng kaguluhan. Nabuo ang Legalism na isang pilosopiya na walang pagpapahalaga sa pag-uugali ng tao o ang pakikiisa ng tao sa daloy ng kalikasan. Para sa Legalism, ang tanging mahalaga ay ang estado na dapat patatagin at palawigin ang kapangyaihan. Bunga ang Legalism ng kaisipan nina Shang Yang at Han Feizi. Bagamat magaling na administrador, kinatatakutan si Shang dahil sa kanyang kalupitan. Si Han Feizi aay isang estudyante na bumuo ng kaisipan ukol sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Sa Legalism, pinakamahalaga aang estado. Ang lakas ng estado ay nasa agrikultura at sandatahang lakas. Maninilbihan lamang ang tao bilang sundalo o magsasaka. Hindi sila dapat maging mangangalakal, artisano, pilosopo o iskolar sa dahilang hindi ito kapakipakinabang sa estado. Upang mapasunod ang lahat sa estado, kailangan ng mga istriktong batas at mabigat na kaparusahan. Legalism Niyakap ang Legalism ni Emperador Shi Huangdi at ng kanyang ministro na si Li Ssu. Upang tuluyang malimutan ang Confucianism. iniatas ni Shi Huangdi ang pagsunog sa mga librong Confucianism at ang pagpatay sa mga iskolar ng Confucianism. Tunay ngang naging malakas na estado ang Qin dahil sa Legalism. Napag-isa nito ang mga nagdidigmaang estado at ang Qin ang naging kauna-unahang imperyong Tsino. Gayumpaman, dahil sa karahasan nito, hindi nagtagal ang dinastiya at bumagsak matapos ang 15 taong paghahari. Mga Relihiyon sa Silangang Asya Buddhism Hindi naging popular ang Buddhism sa India dahil nakaugat na ang Hinduism na pangunahing relihiyon ng mga Indian, tinanggap ang Buddhism sa Silangan at Timog Silangang Asya. Ang pangunahing relihiyon ng mga Tsino, Hapones at Korean ay Buddhism. Tinatayang pumasok ang Buddhism sa China sa panahon ng dinastiyang Han. Maaari itong dinala ng mga mongheng Indian at pumasok sa China sa pamamagitan ng Gitnang Asya. MUla sa China, kumalat ang Buddhism sa KOrea at pagkatapos ay nakarating din sa Japan. Mahayana ang uri ng Buddhism na namayani sa Silangang Asya. Sa orihinal na turo ni Buddha, ang buhay ay paghihirap. Sa Buddhism ng mga Tsino, hindi pinagtuunan masyado ang paghihirap kundi ang kamangmangan. Zen Buddhism Isa sa pinakapopular ay ang Zen Buddhism ng Japan. Nagmula ang Zen Buddhism sa Ch'an Buddhism ng China. MUla sa India, dinala ni Bodhidharma, isang mongheng Indian, ang Ch'an sa China. Nang lumaon, kumalat ito sa Japan bilang Zen. Binigyang-pansin ng Zen ang pagkamit ng kaliwanagan sa pamamagitan ng pagninilay-nilay o meditasyon. Nakatuon din ang Zen sa pamumuhay na payak at disiplinado. Mga katangian ito na nakaakit sa kultura ng samurai sa Japan. Han Feizi SHANG YANG Shi Huangdi Bodhidharma
Full transcript