Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

magasin

No description
by

nezel anne doromal

on 16 November 2015

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of magasin

Ano ang MAGASIN?
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
2.
Cosmopolitan
Ang Cosmopolitan ay parang Bibliya ng mga kababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagbibigay lakas at nakakatulong sa kanilang buhay. Nagsisilbi rin itong gabay upang maliwanagan ang kababaihan hinggil sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at kaaliwan.
4. Yes!
Ang Yes magasin ay patuloy na ang nangungunang awtoridad sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
6. Good Housekeeping
Ang mga artikulong nakasulat sa Good Housekeeping ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay. Ang mga artikulo na mababasa dito ay tungkol sa kalusugan, pagpapalaki ng bata, pagluluto at iba pang bagay na may relasyon sa gawain ng isang ina.
8. T3
Ang T3 ay isang magasin para lamang sa mga gadgets. Ipinapakita dito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
Uri ng Magasin
1. FHM
Ang kasiyahan ng bawat lalaking Pilipino ang binigyang pansin ng FHM. Ang magasin na ito ay kumbinasyon ng maalindog, napapanahon, nakakatuwang mga artikulo na nagbigigay aliw sa mga kalalakihan. Tumatayo ang FHM bilang mapagkakatiwalaan at puno ng impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng mga kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
magasin

3. Men’s Health
Ang Men’s Health ay nakatutulong sa mga kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
5. Metro
Isang magasin ng ABS-CBN Publishing, nakilala ang Metro bilang isa sa nangungunang magasin sa fashion. Mga balita tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
7. Candy
Ang Candy ay naging tanyag sa mga dalagang kabataan. Kahit sa matinding kumpetisyon, patuloy itong nangunguna. Sa sampung taong sirkulasyon nito, patuloy nitong binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.
9. Enterpreneur
Para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo, malaki ang maitutulong ng magasing Entrepreneur. Ang pagtaas ng bilang ng mga taong gustong subukan ang pagnenegosyo ay ang dahilan kung kaya naging isa ito sa sampung pangunahing magasin sa Pilipinas.
Pinagmulan ng Magasin sa Pilipinas
Liwayway ang pinakauna at ang pinakamatandang magasin sa Pilipinas. Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa katutubong wika. Bilang panimula, inilimbag niya ang Tagalog na Liwayway noong 18 Nobyembre 1922. Sa katotohanan, isang muling-pagbuhay sa naunang Photo News ang Liwayway. Isa ring babasahin ang naunang Photo News na naglalaman ng mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong wika. Nagkaroon ng mga seksiyon para sa Tagalog, Ingles, at Kastila ang magasing Photo News.
Sinundan pa ni Ramon Roces ang Liwayway ng iba pang mga kapatid na babasahin katulad ng Hiwaga (nasa Tagalog, 1926), The Graphic (nasa Ingles, 1927), Bisaya (nasa Sebwano, 1932), Hilgaynon (nasa wika ng Kanlurang Bisaya, 1934), Bikolnon (nasa Bikolano, 1935), at ang Ilokanong Bannawag (1940). Nagkaroon din ng isang magasin na may mas makapal na mga pahinang mas marami ang nilalamang mga guhit, ang Extra Liwayway Extra noong 1936.
Full transcript