Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika

No description
by

John Saplan

on 17 November 2011

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika

El Filibusterismo
Kabanata 13
Ang Klase sa Pisika
TALASALITAAN
Santisimo - Banal na sakramento

Eskaparate - salaming dibisyon

Ponograpo - pangkaraniwang aparatong pampatugtog

Iskoba - brush

Salamin - isang matigas, babasagin at nakaaaninag na materyal

Kamagong - Mahogany

Asoge - Mercury o Merkurio

Ultimatum - pinakahuling pahayag
Isang mahaba't rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika, maluluwang ang bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi ng silid, may tatlong baitang na batong natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng letra ng mga apelyido nito. Katapat ng pintuan, sa ilalim ng larawan ni Santo Tomas de Aquino, nakaupo ang propesor.

Walang anumang kasangkapan ang silid, maliban sa hindi pa nagagamit na pisara, wala rin itong mga instrumentong gamit sa Pisika. Kapag may ibanababang instrument galing sa ikalawang palapag, tinatanaw lamang nila ito parang Santisimo. Kapag pinapapanhik naman sila, pinanonood lamang nila ang mga kakaibang gamit at instrumento sa loob ng eskaparate. Ito ay dahil alam nila na hindi ito binili para sa kanila kundi para patunayan sa mga dayuhan na hindi nahuhuli o atrasado ang Unibersidad dahil may laboratoryo ito. At isusulat naman ng mga dayuhan na mabuti ang pamamahala ng prayle sa pamantasan.
Isang tanyag at mahigpit na kabataang
Dominiko nang magturo sa
Kolehiyo San Juan de Letran,
kinilala si Padre Millon sa kadalubhasaan nito sa
Lohika at Pilosopiya.

Siya ay:
Iginagalang ng matatanda
Kinaiinggitan ng kabataan
Kinikilala bilang isang pantas kahit minsan pa lamang naturo ang Pisika at Kimika
Laging nagdududa
Malisyosong nangingiti kapag pinag-uusapang bilog ang mundo at umiikot ito sa araw
Parang ponograpo ang mga estudyante kapag pinabigkas sa kanila ang kanilang leksyon, kailangang wala itong mali kahit isang salita. Ang mga walang mali ay nakakakuha ng isang mabuting guhit at ang may talong mali, isang guhit na masama.
Tinawag ng propesor ang antuking estudyante na may buhok na parang iskoba. "Tinatawag na salamin ang lahat ng makikintab na pang-ibabaw, na maaaring makalikha ng imahe ng isang bagay sa pamamagitan ng repleksyon ng liwanag na itinapat sa mga pang-ibabaw na ito. Batay naman sa mga sustansiyang ginamit sa pagbuo ng mga pang-ibabaw, nahahati ang mga ito sa salaming bubog at salaming metal," bigkas ng estudyante.
"Hindi ba't nasa punto tayo na ang salamin ay nahahati sa metal at bubog? Paano naman kung ang makikintab na pang-ibabaw na iniharap ko sa'yo ay binubuo ng kahoy, halimbawa'y kapirasong kamagong o isang hiwang marmol, at may repleksyon ng larawan ng mga bagay sa harap ng mga ito? Papaano mo uuriin ang mga salamin?"
"Ito ba ang pang-ibabaw? o, ang materyal na bumubuo sa pang-ibabaw na ito? o, ang materyal na kainapapatungan ng pang-ibabaw, na naiba dahil sa di-sinasadyang pagbabago rito ng tinatawag na pang-ibabaw? Kung maliwanag na ang pang-ibabaw ay di -sinasadyang kabuuan ng mga materyales, hindi ito makaiiral nang wala ang mga materyales na ito."
Napagbalingan ng propesor si Juanito Pelaez, ang anak ni Don Timoteo Pelaez.


Siniko niya si Placido Penitente na ang kahuluga'y "Makinig ka't diktahan mo ako."
Tinadyakan ni Juanito ang paa ni Placido at siya'y napasigaw. Sa kanya na nabaling ang galit ng propesor.
Nasabihan siyang "Pakialamero" at pinatayo ng propesor. Si Juanito nama'y pinaupo ng propesor.
Nagkandautal si Placido sa pagsagot at tinawag pa siyang Placidong Tagadikta. Wala siyang nabigkas sa mga leksyon kaya naglagay ang propesor ng guhit kay Placido. Tumutol dito si Placido at nagpaliwanag.
Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat, tumindig, hinarap ang propesor at walang-galang na umalis sa klase.
Alamin
at
Suriin
:)

Padre Millon: Lohika at Pilosopiya
Minsan pa lamang nagturo ng Pisika ngunit kinilala na bilang isang pantas.
Kinakabisado lamang ang mga leksyon.
Hindi sila pinapagamit ng mga instrumento sa laboratoryo.
PAKITANG TAO
"Kung ano ang nasa ibabaw, iyon ang pang-ibabaw na nakikita sa ibabaw."
Nanlilito lang ang propesor, dalubhasa sa PILOSOPIYA at LOHIKA eh... :)
"Ayon po sa aklat." namilosopo rin si Placido
SALAMIN
guro
estudyante
25 dapat yung ilalagay na guhit ginawang 15
5 guhit = 1 pagliban (absent)
3 beses nahuling lumiban
Umalis si Placido nang walang paalam at naiinis
Kabesang Tales
Napuno na si Placido kaya siya ay umalis sa klase
Full transcript