Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Kabihasnan

No description
by

Jeanela Avila

on 10 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Kabihasnan

A.P. Project
Aralin 6-10

design by Dóri Sirály for Prezi
Submitted by:
Donessa Cayas
Ana Liberato
Athena Marquez
Raymond Suaiso
Jeanela Avila

Pag-usbong ng Kabihasnan sa Mundo
Kabihasanan
- “sibilisasyon”
-tumutukoy sa mataas na lebel ng pamumuhay ng tao

Elemento ng Kabihasnan
Pamahalaan
ang paglaki ng populasyon sa pamayanan ay nagbunsod ng pangangailangan sa isang mahusay na sistema ng pamamahala upang mapangalagaan ang kaayusan at katahimikan ng lugar. Ang inatasang pinuno ang siyang gumagawa ng batas na dapat sundin ng mga mamamayan.
Relihiyon
- isa ito sa mga nagsisilibing puwersa sa pagkakaisa ng mga tao sa isang pamayanan. Nag-ugat ito sa mga hindi maipaliwanag ng phenomenon na nagbigay-daan sa paniniwala sa mga makapangyarihang nilalang na may kakayahang ikontrol ang mga pangyayari.
Ekonomiya
- ang pagkatuto ng mga sinaunang tao sa larangan ng agrikultura ay nagbunga ng pagkakaroon ng kasapatan sa pagkain. Dahil dito, ilan sa mga mamamayan ang bumaling sa iba pang gawain tulad ng paggawa ng mga banga, alahas, sasakyang-pandagat at mga sandata. Dito nagsimulang umunlad ang kakayahan ng tao sa larangan ng paggawa at ang bunag nito ay isang pamayanan na sentro ng kalakalan.
Teknolohiya
- ang pagkakaimbento ng mga bagay na makatutulong sa pamumuhang ng tao tulad ng gulong, potter’s wheel, at mga sasakyang panlupa at pandagat ay higit na nagpadali sa gawain ng mga sinaunang tao na siyang nagdulot ng mabilis na pag-unlad ng kanilang pamayanan.
Sistema ng Pagsulat
- ang pagkakaroon ng kumplikadong pamumuhay sa pamayanan dulot ng organisadong pamahalaan, relihiyon, at kabuhayan ang nagbigay-hudyat sa pagkakaimbento ng sistema ng pagsulat. Natutunan ng mga sinaunang tao na itala ang mga ipatutupad ng batas at ilista ang mga magbabayad ng buwis. Mahalaga rin ang pagsulat sa mga seremonyang panrelihiyon at may kinalaman ritwal.
Kabihasnang Mesopotamia
Ang mataban lupain sa lambak ng Tigris at Euphrates River ang nagganyak sa mga magsasakang nomadiko na manatili sa lugar at magtatag ng pamayanan.

Nanggaling ang pangalang Mesopotamia sa mga salitang mesos at potamos na ang ibig sabihin ay “pagitan ng dalawang ilog”.
Matatagpuang ang kabihasnang ito sa kanlurang bahagi ng Asya. Karaniwan na kabundukan at disyerto ang nakapaligid sa Mesopotamia. Tanging ang hugis crescent na buwan sa pagitan ng Persian Gulf at Mediterranean Sea ang may mainam na lupain para sa pagsasaka. Tinawag ang lupaing ito na Fertile Crescent kung saan makikita ang Mesopotamia.

Ang mga kabihasnan na umusbong sa Mesopotamia ay ang Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean. Ang mga pangkat ng taong ito ay nakapag-ambag ng mga mahahalagang bagay at natatanging kultura na nagpamangha sa kasalukuyang kabihasnan.
Sumerian
Ang pagdating ng mga Sumerian sa Mesopotamia noong 3500 BCE ang hudyat ng simula ng kabihasnang Mesopotamia. Nakapagtayo sila ng maunalad na pamayanan na nang lumaon ay naging mga lungsod. Karaniwang napaliligiran ng matataas na bakod ang buong lungsod.
Sa loob nito matatagpuan ang mga kabahayan na yari sa tuyong luwad. Mayroon ding Ziggurat na nagsisilbing bahay-sambahan ng mga Sumerian. Dito nila isinasagawa ang mga ritwal patungkol sa kanilang mga diyos at diyosa.
Sa tuktok ng Ziggurat ay may matatagpuan na templo. Naniwala ang mga Sumerian na sa lugar na iyon ay mas malapit sila sa diyos.
Great Ziggurat of Ur
Ang mga Sumerian ay naniniwala sa maraming diyos, kung kaya’t sila’y may tinatawag na politeismong paniniwala. Ang kanilang apat na pangunahing mga diyos ay sina:
An o Annu, ang diyos ng kalangitan
Enlil, ang diyos ng hangin
Ninhursag, ang pangunahing diyosa ng mga Sumerian
Enki, ang diyos ng tubig at katalinhagaan
Mga Ambag
• Nakaimbento ang mga Sumerian ng kahoy na gulong na ginamit bilang transportasyon.
• Gulong
• 360 degree circle
• 60-minute hour
• Cuneiform - ginagamit sa pagtala ng datos ukol sa kalakalan at mga batas ng Sumer. Nagsimula lamang ang sistemang ito ng pagsulat sa pamamagitan ng pcitograph na palaon ay naging sistematiko. It a gumagamit ng stylus at clay tablet.
Akkadian
•Nagtagumpay na mapag-isa ang mga lungsod-estado para makabuo ng isang imperyo.
•Nagapi ang Sumerian sa pangunguna ng dakilang hari na si Haring Sargon.
•Nang mamatay si Haring Sargon ay pinalitan siya ng mahihinang pinuno kung kaya’t nagkawatak-watak muli ang mga lungsod.

Babylonian
•C2000BCE - sinakop ng mga Amorite, dayuhang galing sa Mespotamia ang mga nagkawatak-watak na mga lungsod ng Akkad.
•Itinatag ng Amorite ang imperyong Babylonia kung saang ang Babylon ang kabisera nito.
• Maunlad ang kanilang pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ni Hammurabi. Siya ang tinaguriang pinakadakilang hari ng Babylonia na namahala noong c1792 BCE hanggang 1750 BCE. Napalwak ni Hammurabi ang imperyo mula Persian Gulf hanggang sa mga baybaying lugar ng Mediterranean Sea.
• Si Hammurabi ay naging tanyag dahil sa kanyang kodigo ng mga batas na mailalarawan sa prinsipyong: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
• Gaya ng ibang imperyo, humina ito dahil ang dakilang pinuno ay pinalitan ng mga mahihinang pinuno.
Assyrian
•Muling napag-isa ang Mesopotamia sa pamumuno ng mga Assyrian.
•Ang mga Assyrian ang mga pinakamabagsik sa Mesopotamia pagdating sa pakikidigma.
•Sila ay nagkaroon ng mga mhuhusay na pinuno na nagpalawak at namahala sa buong Fertile Crescent:
Tiglath Pileser I
- nagtatag ng imperyo
Tiglath Pileser III
- sinakop ang Syria at Armenia
Sennacherib - sumakop ng 89 na lungsod at mahigit 800 na pamayanan
Ashurbanipal - nagpagawa ng unang aklatan sa buong daigdig.
• Hindi naiwasan ang muling pagbagsak ng imperyo dahil sa pagpalit ng mahihinang pinuno. Sila rin ay nagapi ng mga dayuhan - ang pinagsanib na puwersa ng mga Medes at Chaldean.
Chaldean
• Matapos malupig ang mga Assyrian, itinatag ng Chaldean, sa pangunguna ni Nabopolossar ang bagong imperyo kung saan muling naging kabisera nito ang Babylon.
• Tinaguriang: “Ikalawang Imperyong Babyblonian”
• Ang kanilang pinakadakilang hari ay si Nebuchadnezzar na nagsimulang mamuno sa imperyo noong 605 BCE. Naging tanyag at maunlad ang Chaldea sa panahon ng kanyang pamamahala.
• Isa sa mga naiambag ng imperyong ito ay ang “Hanging Garden”. Ipinatayo niya ito para sa kanyang asawa na si Amytis. Ang gusaling ito ay puno ng bulaklak at mga halaman. Ito’y kabilang sa Seven Wonders ng sinaunang mundo.
Kabishanang Egypt
Kalagayang Heograpikal
> Ang Egypt at matatagpuan sa
hilagang silangan ng Africa kung saan umaagos ang Nile River.
>Mahalaga ang Nile River sa mga nomadiko dahil pawang disyerto ang malaking parte ng Africa.
>Ayon kay Herodotus, historyador na Greek, ang kabihasnang Egypt ay handog ng Nile.
>Ang mga disyerto tulad ng Sahara at Libyan Dessert ay nakaiwas mula sa pagsasakop ng mga dayuhan.
Sinaunang Kasaysayan
7000 BCE
- nagsimulang magkaroo ng mga pamayanan sa tabi ng Nile River.
- natutunan nilang magtanim sa lupain malapit sa ilog.
-nag-aalaga sila ng mga hayop tulad ng tupa, kambing at baka.
c3200 BCE
- ang mga pamayanan ay nagkaisa at nakapagtatag ng dalawang kaharian:
>Mataas na Egypt
- matatagpuan sa timog na bahagi ng Nile River.
- ang hari ay may nakaputong na puting korona.
>Mababang Egypt
- nasa hilagang bahagi ng Nile River.
- ang hari ay may nakaputong na pulang korona
Pharaoh
3100 BCE
- Napag-isa ni Menes, hari ng Mataas na Egypt, ang dalawang kaharianat itinatag niya ang Memphis bilang kabisera ng napag-isang kaharian.
- nagsimula ang unang dinastiya sa Egypt na umabot sa tatlumpu't isa.
- pinuno ng Egypt na itinuring diyos na nasa pisikal na nayonna nayo ng tao; nangangahulugang "dakilang tirahan"
Mga kapangyarihan at gawain ng Pharaoh:
- mgakontrol sa ekonomiya at kalakalan
- mamahala sa mga nasasakupan
- magpatupad ng mga batas at patakaran
- manguna sa hukbong sandatahan
- magpanatili ng maayos na sistemang irigasyon
- mangalaga sa mga tao sa panahon ng
kalamidad at tag-gutom.
- manguna sa mga seremonya at panrelihiyong ritwal
-magpanatili ng katahimikan at kaayusan sa kaharian
>Vizier - pangunahing opisyal ng Pharaoh; tagapayo ng pharaoh sa mga usapin sa kaharian
Ang Lumang kaharian (2686-2181 BCE)
-"Panahon ng mga Pyramid"
- mahigit 80 ang nagawang pyramid na nagsilbing libingan ng mga pharaoh kasama ang mga personal na gamit nito.
> Zoser - ipinagawa ang step Pyramid noong c2650 BCE.
>Khufu - ipinagawa ang Great Pyramid sa Giza noong c2600 BCE
*Great Pyramid
- pinakamalaking pyramid sa buong mundo
- binubuo ng 2 milyong tableta at dinisenyo ng mga pinakamahusay na inhinyerang Egyptian
- nag-iisang struktura na kabilang sa 7 wonders of the Ancient World na nanatili hanggang ngayon.
Gitnang Kaharian
- nakilala ang Thebes bilang kabisera ng Egypt
- sinimulang ilibing ang mga pharaoh sa Valley of the Kings imbes sa mga pyramid.
- ang Nubia na nasa timog ng Egypt ay sinakop ni Amenemhet. dating vizier na naging pharaoh at pinangaunahan niya ang hukbo sa Fertile Crescent
- nakipagpalitan ng produkto ang mga Egyptian sa mga African at mga taga-kanlurang Asya.
- nagpagawa ng mga dike at kanal tulad ng kanal na nag-uugnay sa Nile River at Red Sea.
1640 BCE
- sinakop ang Nile Delta ng mga Hykso
>Hykso - nangangahulugang "dayuhang pinunong mula sa mataas na lugar.
- gumamit ng mga sandatang yari sa bronze at mga chariot o sasakyang hinihila ng kabayo.
- namahala sa Egypt sa loob ng mahigit 100 taon.
1570 BCE - napatalsik ni Kamose at iba pang Egyptian ang mga Hykso.
Ang Pammuhay ng mga sinaunang Egyptian
> Antas ng mga uri sa sinaunang lipunan ng Egyptian:
1. Pharaoh - pinuno ng pamahalaan at relihiyon
2. Maharlika - opisyal ng pamahalaan at pari
3. Mangangalakal, artisano, scribe
4. Magsasaka
5. Alipin - karaniwang mga dayuhang nadakip
>Papyrus - halaman na ginagamit bilang papel
>Scribe - dalubhasa sa pagsulat ng Hieroglyphs
1799 - Natuklasan ni Jean Francois Champollion ang Rosetta Stone na naging susi upang maunawaan ang hieroglyphics.
Politeismo - uri ng paniniwala ng mga Egyptian
>Osiris - diyos ng buhay na walang hanggan
>Hapi - diyos ng ilog
>Ra - diyos ng araw
Naniniwala ang mga Egytian sa kabilang buhay.
-sinasama ang mga kagamitan ng yumao sa libingan
-sumasama ang mga alipin sa libingan ng pharaoh bilang katuwang sa susunod na buhay
Mummification - pagpreserba ng katawan ng namatay sa pamamagitan ng pagembalsamo, pagpapaptuyo at pagbalot at inilalagay sa kabaong may disenyo ng katawan ng yumao at mukha nito.
Bagong kaharian (1570-1090 BCE)
-"Panahon ng Imperyong Egyptian"
-nakapagtatag ang mga sumyunod na pharaoh ng isang imperyong kasing-husay at kasing-unlad ng sa Asya.
-sapilitang pinagbabayad ng buwis ang mga mamamayan ng mga nasakop na lugar sa pamamagitan ng produkto, teritoryo o alipin
Mga tanyag na Pharaoh ng Bagong Kaharian:
Thutmose II
- namahala noong 1512
BCE at sinakop ang Palestine
at Syria. Idinagdag niya ang Nubia sa
Egypt
Hatshepsut
- namahala mula 1472-1458 BCE
- kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan dahil hind pa kaya ng anak na si Thutmose III
- napalago ang kalakalan at nagpadala ng ekspedisyon sa Medtiterranean at Afica.
Thutmose II
- pinagtuunan ang pakikipaglaban at pagpapalabas ng hukbong militar.
- sinakop muli ang Nubia at sinama ang Palestine at Syria sa imperyo.
-1465 - nakamit ng Egypt ang pinakamalawak nitong teritoryo.
Amenhotep IV
-itinatag ang relihiyong sumasamba sa diyos na araw na si Aton
-pinalitan ang pangalan ng Akhenaton.
-maraming Egyptian ang nagalit sa kanya at humina ang kapangyarihan
-namatay noong 1362 BCE
Rameses II
-namahala ng halos 70 taon mula 1304 - 1237 BCE.
-nakiapgdigma sa mga Hittite na nasa Asia Minor ng mahigit 15 taon.
-pinakasalan ang anak ng hari ng HIttite at nakamit ang kapayapaan.
-isa sa huling dakilang pharaoh ng Egypt.
715 BCE - nasakop ng Assyrian ang Egypt
525 BCE nasakop ng mga Persiyano
331 BCE - napabilang ang Egypt Kay Alexander the Great ng Macedonia
Kontribusyon ng mga Egytian sa Daigdig
1. Arkitektura - nagpatayo sila ng mga palasyo at pyramid kung saan naipakita ang kanilang galing sa Geometry.
2. Pagtala - naimbento ang hieroglyphics kung saan gumagamit sila ng papyrus upang mapreserba ang kanilang kasaysayan.
3. Astronomiya - pinag-aralan ang araw at mga bituin. Gumawa rin ng kalendaryo na nahahati sa 365 araw.
4.Medisina - nag-aral ng estraktura ng katawan ng tao o anatomy, pagpapagaling ng karamdaman at pagbibigay ng lunas at nagsagawa sila ng surgery.
5.Pag-eembalsamo - paraan ng pagpreserba ng katawan ng tao.
6. Karangyaan - pinatunayan ng pagkatuklas ng libingan ni Tutankhamen noong 1922 kung saan naipakita ang mga relikyang natagpuan sa loob na hindi matutularan sa karangyaan.
Libingan ni Tutankhamen
Tutankhamen - pharaoh noong 1355 BCE. Namahala noong 10 hanggang 18 taong gulang.
>Natuklasan ni Howard Carter,isang arkeologo noong Nobyembre 1922
>Nakita ang purong gintong casket, gintong karwahe, royal chair, mga alahas at mga estatwang yari sa ginto
pinakadakilang tuklas ng ika-20 siglo sa larangan ng arkeolohiya
Kabihasnang Indus
Kabihasnang Indus
>Binubuo ng Mohenjo Daro at Harappa
>Ang Himalaya ay ang nasa Hilagang bahagi nito,
>Ang Indian Ocean ang nasa bahaging Timog,
>Ang Thar Desert ay nasa Silangang bahagi, at
>Ang Hindu Kush ay nasa Kanluran nito.
>May kauna-unahang mahusay na drainage system sa buong mundo
Mohenjo Daro at Harappa
>Umunlad noong c2500 BCE. May humigit-kumulang na 35000 katao na naninirahan doon.
>Ang mga kabahayan ay yari sa luwad.
>Citadel – malaking gusali na napaliligiran ng matataas na pader. Makikita sa loob nito ang templo, pampublikong palikran, at granary o imbakan ng butil ng palay.
>Humina noong c1750 BCE. Hindi matukoy ang dahilan, sinasabing dahil ito sa pagbabago ng direksiyon ng ilog Indus. Sinasabi ring dahil ito sa pagkaubos ng pinagkukunang-yaman kung kaya’t nilisan nila ang kanilang lugar
>Tuluyan nang naglaho nang dumating ang mga Aryano.
Pananakop ng mga Aryano
>Ang mga Aryano ay pangkat ng mga mandirigma na nagmula sa gitnang Asya. Naabutan nila ang mga Dravidian na naninirahan sa rehiyon at kaagad nila itong sinakop.
>Ang Vedas ay ang kanilang banal na aklat.
>Tinaguriang “Panahong Vedic” ang panahong ito. >Nakasandig ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa India sa Hinduism.
Hinduism
>Politeismong uri ng paniniwala.
>May tatlong pangunahing diyos:
1.Brahma (ang tagapaglikha)
2.Vishnu (ang tagapanatili)
3.Shiva (ang tagasira)
>Pinakamatanda sa mga pangunahing relihiyon sa daigdig.
Pamumuhay at Paniniwala ng mga Hindu
Sistemang Caste
Pagpapangkat-pangkat ng tao sa India kung saan bawat uri ay may mga gawain na dapat gampanan

Brahmin => Pari
Kshatriya => Pinuno at Mandirigma
Vaishya => Magsasaka at Mangangalakal
Sudra => Manggagawa
Untouchable => Tinatawag ding outcaste, maruruming gawain ang trabaho tulad ng paglilinis, pagtatapon ng basura, at paghuhukay sa mga libingan.
Dharma
Tinutukoy nito sa takdang gawain ng bawat Hindu batay sa sistemang Caste kung saan kabilang ang isang tao.
Reincarnation
Paniniwala na ang isang indibidwal ay muling isisilang at mabubuhay muli sa ibang katauhan o anyo. Magpapatuloy ito hanggang sa marating niya ang moksha o ang kaligtasan.
Karma
Paniniwala na ang isang indibidwal ay muling isisilang at mabubuhay muli sa ibang katauhan o anyo. Magpapatuloy ito hanggang sa marating niya ang moksha o ang kaligtasan.

Pag-usbong ng Buddhism at Jainism
Siddhartha Gautama
>Kilala bilang Buddha.
>Isang prinsipe at Kshatryia na ipinanganak sa Kapilavastu, Nepal. Nakamit niya ang kaliwanagan habang siya ay nagninilay sa ilalim ng puno ng Bodhi. Dahil dito, tinawag siyang “Buddha” na nangagahulugang “ang naliwanagan” at nangaral sa India.
Apat na Marangal na Katotohanan
1.Lahat ng tao ay nakararanas ng paghihirap.
2.Ang paghihirap ng tao ay dulot ng paghahangad.
3.Maaaring wakasan ang paghihirap at makamit ang nirvana o walang hanggang kaligayahan
4.Makakamit ang nirvana sa pagsunod ng tao sa “Walong Daan”

Wastong Pag-isip
Pananaw
Pananalita
Pagkilos
Pamumuhay
Konsentrasyon
Pagsusumikap
Pagninilay

Walong Daan
Jainism
>Itinatag ni Mahavira Vardhamana
>Pinaniniwalaan niya na ang lahat ng bagay sa daigdig ay may ispiritu at nararapat lamang na pangalagaan at iwasang masaktan
>Isinakatuparan ang ahimsa o “walang karahasan”
>Karaniwang gumagamit ng panakip sa bibig at brush upang maiwasan na makasakit sa iba.
III - Hydrogen
Kabihasnang Tsino
“Pinakamatandang Nananatiling Kabihasnan”
KALAGAYANG
HEOGRAPIKAL
•Napaliligiran ng natural na hangganan:
-Hilaga - Gobi Desert
-Timog - Indian Sea
-Timog-Kanluran - Himalayas
-Silangan - Yellow Sea, East China Sea, Pacific Ocean
-Timog-Silangan - South China Sea
-Kanluran - Tibetan Plateau at Taklimakan Desert
• Nagsisimulang dumaloy ang katubigan ng dalawang pangunahing ilog sa bansa mula sa kabundukan. Ito ay ang Yangtze River, na ang pinakamahabang ilog sa bansa, at ang Huang Ho River, na tinagurian “Yellow River”. Ang Huang Ho River ay may bansag din na “China’s Sorrow” dahil sa maraming tao ng nagbubuwis ng buhay sa tuwing umaapaw ang tubig sa ilog. Sa kabila naman nito ay nagbigay-buhay din ang sa Kabihasnang Tsino.
SINAUNANG KASAYSAYAN
•Nagsimula ang pinakaunang kasaysayan ng China nang matuklasan ang labi ng Homo erectus sa hilagang China. Tinawag silang Peking man na pinapalagay na nabuhay sa bansa sa pagitan ng makalipas na 400,000 hanggang 500,000 mga taon. Ang pagkatuklas ng Peking Man ay patunay na ang China ay naging unang tirahan ng mga sinaunang tao.
•10,000 BCE, itinatag ang dalawang pamayanan sa ilog-lambak ng Huang He. Tinawag itong Yangshao at Longshan. Ang rehiyong ito ay pinamununa ng mga hari.
•C2697 BCE - Ang China ay pinamunuan ni Emperador Huang Ti na kilala bilang “yellow emperor”.
MGA DINASTIYA
-Dinastiya - tumtukoy sa pamamahala ng iisang pamilya sa isang lugar.
Hsia (2205-1766)
- Isa itong maalamat na dinsatiya
- Nagawang kontrolin ang pag-apaw ng tubig na mula sa ilog at nakapagpatayo ng irigasyon
Shang (1766-1122)
-Unang historical na dinastiya na may kabiserang An-Yang
-Mayroon itong sistema ng pagsulat na nakasulat sa mga buto at shell ng mga hayop
-Gumamit din sila ng kasangkapag na yari sa bronze
- May pinakamahabang panahon ng pamamahala sa China na nagtagal ng 900 years
- Sinimulan ang paniniwala ukol sa Mandate of Heaven.
- Mandate of Heaven -paniniwala ng mga Tsino na ang pamamahala ng emperador ay nagmula at sinang-ayunan ng mga diyos. Mananatili ang pagsang-ayon na ito kung patuloy na magiging mabuti ang pamumuno ng emperador at uunahin nito ang kapakanan ng kanyang mga nasaakupan.
- Sa dinastiyang ito nagsimulang sumikat ang mga dakilang pilosopo na sina Confucius, Lao Tzu at Mencius.
- Confucius - ang pinakadakilang pilosopo sa China. Ang tunay niyang pangalan ay Kung Fu-Tzu na nangangahulugang “Grand Master King”. Ipinanganak siya sa Lu, kasalukuyang Shantung noong 551 BCE. Binigyang-diin niya ang wastong pakikitungo sa kapwa at pagpaahalaga sa pamilya. Sa kanya nagsimula ang Ginintuan Aral na nagsasabing “Kung ano ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba.”
Chin (256-202)
-Ang unang dakilang emperyo kung saan hinango ang pangalan ng China
-Nasakop nito ang Timog China at Hilagang Vietnam
-Naging tanyag si Shih Huang Ti bilang emperador ng bansa. Sa kanyang panahon ginawang ang Dakilang Pader na nagsilibing hadlang sa mga nomadikong tao na nais sumakop sa China.
-Naging tanyag din si Shih Huang Ti dahil sa pagpapatayo niya ng isang musoleo sa kanyang magiging libingan. Ito ay binubuo ng mga estatwang sundalo na yari sa luwad na tinawag na terra cotta. Ang nasabing mga estatwa ay kasing-laki ng tunay a tao. Natuklasan ito noong 1974 sa Xian.
- Isa sa mga pinakamahahalagang naiambag ni Shih Huang Ti sa kasaysayang Tsino ay ang pagpapatayo niya ng Dakilang Pder ng China. Ito ay may haba na 4,000 kilometro at libo-libong manggagawa ang pinilit na gawin ang pader. Ang Dakilang Pader ay itinuturing ngayon bilang pinakamahabang estruktura sa daigdig at gusaling gawa ng tao na makikita mula sa buwan.
Han
(202 BCE-220 BCE)
-Pinapalagay na naging pinakamaunlad na imperyo sa Asya at katumbas ng Imperyong Roman sa Europe noong mga panahong iyon.
-Ang Xian ang kabisera ng dinastiyang ito.
-Ang relihiyong Buddhism ay nakarating sa China sa unang pagkakataon.
-Ang pinakadakila sa mga pinuno ng Han ay si Emperor Wu Di na sumakop sa Korea, Manchuria , Pamir, at HIlagang Vietnam.
-Naimbento ang lunar calendar, seismograph, papel, tinta, at brush.
- Naging maunlad ang kalakalan sa Silk Road.
Sui (589 -618)
-Isang maikling dinastiya na nagtagumpay na muling pag-isahin ang china.
-Ang dakilang ambag nito ay ang pagpapagawa ng Grand Canal na nagdurugtong sa mga ilog ng Huang He at Yangtze. May kabuuang distansiya ang kanal na umaabot sa 2,500 kilometro.
Tan (618-907)
-Itinuring ang dinastiyang ito bilang “Ginintuang Panahon” ng China kung saan ang kabiserang Chang’an ang pinakamataong lungsod sa buong mundo.
-Nailimbag ang Diamong Sutra, ang kauna-unahang aklat. Lumaganap sa China ang mga relihiyon tulad ng Islam, Buddhism, at Kristiyanismo.
Sung (960-1297)
-Ang kabisera nito ay Kai-feng.
-Isa ito sa mga natatanging panahong ng China at pinapalagay na 500 taon na maunlad kaysa sa Europe.
-Binigyang tuong ang kalakalang pandagat ng mga Tsino. Ang pakaka-imbento ng compass at paggawa ng mga malalaking barko ang nagpaunlad sa kalakalang pandagat ng China.
Nakapaglayag ang mga Tsino sa malalayong lupain tulad ng Egypt at Sicilly sa Europe.
-Isang manlalalakbay na si Marco Polo ang nagtungo sa china noong 1271 sa pamamagitan ng pagdaan sa Silk Road. Pagkarang ng 17 taon, bumalik siya sa Venice, Italy kung saan ipinagmalaki niya ang kayamanan at kapangyarihan ng China.
-Ang kahuli-hulihang dinastiya na pinamahalaan ng mga Tsino.
-Isinaayos ng mga emperador ang Great Wall.
-Naging tanyag si Zheng He dahil sa kanyang ekspedisyon sa iba’t ibang lugar tulad ng India, Arabia, at silangang bahagi ng Africa. Sa mga pnaahong ito nagawa ang Forbidden City na matatagpuan sa Beijing.
Ming (1368-1644)
Manchu (1644-1912)
-Ang huling dinastiya na ito ay tinatawag din na Qing.
-Sa kabila ng pagiging dayuhan ng mga Manchu, tinanggap nila ang kultura ng mga Tsino kabilang na ang pilosopiya ni Confucius.
-Naging maunlad ang China sa ilalim ng pamamahala ng mga Manchu sa loob ng 105 taon. Ngunit naging panahon ng kaguluhan at pakikialam ng mga Europeo ang mga huling siglo nito. Si Puyi ang huling emperador ng China.
KONTRIBUSYON NG CHINA SA DAIGDIG
• Mahusay na estruktura tulad ng great Wall, Grand Canal, Forbidden City at ang mga terra cotta ni shih Huang Ti.
• Ang pilosopiya at paniniwala nina Cofucius, Lao-Tzu at Mencius ukol sa wastong pamamahala at pakikipag-ugnayan sa kapwa ay nagsilibing gabay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw ng pamumuhay.
•Ang pagkaimbento ng mga Tsino ng lunar calendar, seismograph, papel at tinta, kailang na ang mga produktong tulad ng telang seda at porselana ay nagpaunlad sa kultura ng tao.
• Nagwakas ang mahigit 3,00 taong pamamahala ng mga dinastiya sa bansa nang mapatalsik ang kahuli-huliang emperador ng China na si Puyi dahil sa matagumpay na rebolusyon ng mga Tsino noong 1911. Naitatag ang Republika ng China noong 1912 kung saan idineklara si Sun Yat Sen bilang pangulo ng bagong tatag na pamahalaan.
Chou (1122-256)
Full transcript