Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Itinakda bilang pagsusulit sa FIL001 sa paaralang Malayan Colleges Laguna. Tumutukoy at naglalahad ng ideya ukol sa kasaysayang ng wikang pambansa kung paano ito nagsimula at paano napagyabong.
by

Jestoni Coson

on 13 July 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Ang wika ayon kay Gleason Henry, ito at isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
Ano ang wika ?
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Ano po ba ang wika ?
Paano at kelan naman po nagsimula ang wika ?
Ito ay mahalaga sa ating mga Pilipino na malaman kung paano nagsimula bilang Tagalog naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.

Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas."

1935--

Taong 1935 sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)

1936

Taong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."

1940--

Taong 1940, ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.


1954

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg.12 na nagpapahayag na ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon sang ayon sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang araw ni Balagtas (Abril 12) ay kabilang sa itinakdng Linggo ng Wika.

1955--

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamsyon Blg. 186 bilang pagsusog sa Proklamasyon Blg.12 serye ng 1954 upang ilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.


1967-1968

Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg.96, na nagtatadhanang ang lahat ng gusali edipisyo at tanggapin ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg..172 na nagbibigay diin na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.

1973--

noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipin


1974

Pinalabas ng Nanunungkulang Kalihim Tagapagpaganap Roberto V. Reyes ang pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa na makapagdaos ng mga lingkurang pagsasanay, seminar, gawaing kapulungan at iba pang kauring gawain tauhan ng lahat na tanggapang pampamahalaan, sa lahat ng guro, propesor, pinuno'y tagapangasiwa ng mga paaralan.


Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."



1991, Agosto

Idiniklara ng KWP (Komisyon sa Wikang Pilipino) ang gagamitin mula sa SWP (Surian ng Wikang Pilipino).

KWP- mga tao na patuloy na nagsasaliksik at nagaaral sa wika.

Dayagram ng Alpabetong Pilipino
ALIBATA---- 17 Letra
Dayagram ng Alpabetong Pilipino
ABECEDARIO---- 19 Letra
Pagdating ng Kastila.
Nadagdag ang E at U
Dayagram ng Alpabetong Pilipino
ABAKADA---- 20 Letra Disyembre 30, 1937
Pagdating ng Kastila.
Nadagdag ang R
Dayagram ng Alpabetong Pilipino
PINAGYAMANG ALPABETO---- 31 Letra
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/

/hota/ /i/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/ /ese/

/te/ /u/ /ye/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/.
/A/ /B/ /C/ /CH/ /D/ /E/ /F/ /G/ /H/ /I/ /J/ /K/ /L/

/ LL/ /M/ /N/ /Ñ/ /NG/ /O/ /P/ /Q/ /R/ /RR/ /S/

/T/ /U/ /V/ /W/ /X/ /Y/ /Z/.
Dayagram ng Alpabetong Pilipino
MAKABAGONG ALPABETO---- 28 Letra
1971
1987
Dayagram ng Wikang Pambansa
Tagalog
1897
Pilipino
1959
Filipino
1987
Wikang gamit sa Eskwelahan
Ingles (Panahon ng kastila)

Katutubong Wika (1925)

Tagalog (Wikang Pambansa)

Katutubong Wika
Paano po at bakit nagbabago ang ating alpabeto ?
Alibata

Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing-apat na katinig.

Ang direksyon ng pagsulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng di-mapag-aalinlanganang katunayan a katibayan na makapagpapatotoo hinggil dito. Gayon man, ipinapalagay na malamang na tama ang teorya ni Padre Pedro Chirino na ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan.
Alibata

Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang kanilang balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta.

Bunga ito ng mapanirang gawain ng mga unang misyonerong Kastila na dumating sa ating kapuluan dahil ipinalagay nilang ang mga iyon ay gawa ng demonyo. Ang ibang piraso ng literaturang pre-kolonyal ay naipasa sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang paraan na lamang.
Alibata------>Abecedario

Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lumang alibata ng alpabetong Romano. Itinuturing ngang isa sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga Kastila ang romanisasyon ng ating alpabeto. Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng alpabetong Romano. Ang mga titik ay tinawag nang pa-Kastila, alalaong baga’y nakilala sa tawag na Abecedario. Ganito ang tawag sa mga titik sa Abecedario
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/

/hota/ /i/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/ /ese/

/te/ /u/ /ye/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/.
Alibata------>Abecedario

Naging palasak ang paggamit ng Abeedario noong panahong iyon. Ilan lamang sa ito sa nakasulat sa palabaybayan ng kastila:

Cahinahinayang cung ito i maputi
Cucupas ang bang°, culai mauauacsi
At yaong may ibig na mangagcandili
Cusang babayaan sa pagcaruhagi.

- Mula sa Sa May Mañga Anac na Dalaga ni Modesto Santiago
Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsulat. May mangilan-ngilang matatalinong bagama’t gumagamit ng Abecedario ay nagpasyang magsalamin ng tatak-Pilipino sa pagsulat. Isa sa kanila ay ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
Abecedario------>Abakada

Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at akiat sa gramatika ng Wikang Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik niyon. Ang abakada ay binubuo ng dalawampung titik; labinlimang katinig at limang patinig, na kumakatawan sa isang makahulugang tunog bawat isa:
Abakada

/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/ /na/

/nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/

Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng dating Abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon din ng ilang public hearings ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kumbensyong Konstitusyunal. Makalipas ang tatlong buwan, inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ng labing-isang titik ang dating Abakada.
Abakada

Iminungkahi nilang idagdag ang mga sumusunod: C, CH, F, J, N [enye] , LL, Q, RR, V, X at Z na gagamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantanging ngalan.

***Ang ilan sa mga naging problema ng mungkahing alpabetong ito ay ang magiging katawagan ng bawat titik at ang magiging kaayusan o order ng mga ito sa alpabeto. May ilang mga mungkahi ang ikinonsider kaugnay nito. Una sa mga ito ay ang sumusunod:
/ey/ /bi/ /si/ /si eych/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/

/ dobol el/ /em/ /en/ /enye/ /en ji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /dobol ar/ /es/

/ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/.
Abakada

Narito naman ang isa pang mungkahi:

/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/

/na/ /nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/ /si/

/a-che/ /jey/ /elye/ /enye/ /kyu/ /erre/ /vi/ /eks/ /way/ /zi/.
Hindi pa mang ganap na nalilinaw ang mga tanong na kaugnay ng mungkahi ng Lupong Sanggunian, inilathala ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang tuntunin sa palabaybayang Pilipino noong Abril 1, 1976. Kaugnay nito, ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong Hulyo 30, 1976 ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 upang pagtibayin ang nasabing tuntunin ng palabaybayan nito.

Maraming mga iskolar ang tumutol sa nasabing tuntunin. Ilan sa kanilang mga argumento ay ang mga sumusunod:
1. Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunud-sunurin.

2. Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR at NG, gayundin ang may kilay na n ay isang paraang di-matipid. Ang mga wika sa daigdig na may titik-Romano ay unti-unting nagbabawas ng kanilang mga digrapo upang makapagtipid at upang maging praktikal na rin. Ang pagdaragdag ng mga digrapo, kung gayon, ay isang hakbang na paurong.

Kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag-uusapan, kapag naisulat na ng isang mag-aaral ang C at H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang digrapong CH. Gayundin ang letrang LL, RR at NG. Ang letrang N naman ay may kilay lamang na N.
3. Mismong Malakanyang, sa isang liham sa Direktor ng SWP noong Enero 11, 1973, ay tumanggi sa pagsasama ng mga digrapong CH, LL, RR at NG at iminungkahing dalawampu’t pitong letra na lamang ang gamitin.

4. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alpabetong may digrapo.

Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng kalituhan lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang matutong sumulat at bumasa sa mga paaralang primarya, ang mga mungkahing pagbabago ay hindi tinanggap ng taong-bayan.
Ito ang dahilan kung bakit ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng midya at itinuro sa mga paaralan maging hanggang unang pitong buwan ng 1987.

Nagkaroon lamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alpabeto noong mga huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

Simula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon na ng dalawampu’t walong titik na tinatawag nang pa-Ingles maliban sa /enye/ at may pagkakasunud¬sunod na ganito:
Ito ang dahilan kung bakit ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng midya at itinuro sa mga paaralan maging hanggang unang pitong buwan ng 1987.

Nagkaroon lamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alpabeto noong mga huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

Simula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon na ng dalawampu’t walong titik na tinatawag nang pa-Ingles maliban sa /enye/ at may pagkakasunud¬sunod na ganito:
Mapapansing ang mga titik ng Bagong Alpabeto ay mula sa dalawampung titik sa dating Abakada na dinagdagan lamang ng walong bagong titik na gagamitin sa pagbabaybay ng mga pangngalang pantangi, salitang hiram, salitang pang-agham at teknikal, salitang may inkonsistent na baybay at mga simbolong pang-agham. Mapapansin ding ang walong dagdag na letra ay mula naman sa labing-isang iminungkahing idagdag noong 1971. Hindi na lamang isinama ang mga digrapong CH, LL at RR para sa ekonomiya o pagtitipid. Pinanatili naman ang digrapong NG dahil ito ay tatak na ng ating katutubong alpabeto.
May tatlong taon din ng mga pag-aaral at konsultasyon mula noong 2006 bago naipalabas ng Sangay ng Lingguwistika ng KWF ang 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 104, s. 2009 ng DepEd. Ang mga titik sa alpabetong Filipino ay 28 pa rin at ang pagkakasunud-sunod at tawag ay tulad pa rin sa 1987 Ang Alpabeto… Tuluyan nang isinantabi ang mga tuntunin sa 1987 at 2001 Revisyon…, maliban sa mga tuntunin noong 1987 na pinanatili sa 2009 Gabay…
Pagkilala ng Sanggunian
http://www.rabernalesliterature.com/?p=1349

http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-filipino

google.com
youtube.com
Libro: Sining sa Komunikasyon
Mga lumikha

COSON, JESTONI B.

OBIAS, JAKIELYN G.

MALABAG, NEIL JOSEPH J.
Ipinasa kay:
Ginang Dimaguila-Macascas
Full transcript