Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

MABUTI AT DI – MABUTING EPEKTO NG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA

No description
by

Justine Revilla

on 1 March 2016

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of MABUTI AT DI – MABUTING EPEKTO NG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA

.
.
Panimula
EPEKTO SA MGA MAG-AARAL
Social
EPEKTO SA MGA GURO
Ang kinalabasan ng pag – aaral ay ilalahad sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kasagutan ng mga estudyante at guro sa ibinigay na survey form.
Epekto ng
Paggamit ng
Teknolohiya


May iba’t ibang uri ng teknolohiya ang ginagamit sa klase depende sa kung anong paksa ang pinag–aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ang prodyektor ay may kakayahang palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga guro. Sa pagbago ng panahon, ang kompyuter na maaaring maka - internet na ang pangunahing ginagamit sa edukasyon.
Karamihan na sa mga paaralan sa Pilipinas ay mayroong computer laboratory kung saan maaaring gumamit ng internet access. Marami na ring paaralan ang may wifi na maaaring maggamit sa pagsaliksik ng mga estudyante’t mga guro. Dahil dito ay mas napapadali ang pangangalap ng mga impormasyong kinakailangan ng mga estudyante. Mas epektibo ring naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon sa paggamit ng internet.
MABUTI AT DI – MABUTING EPEKTO NG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA
SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA PAARALAN

Inihanda nina:
Zacarias T. Gonzales III
Christopher Jay B. Malaluan
Weiah Jane B. Nogot
Pauline Jan P. Nuñez
Justine Marie U. Revilla
Bryan Rafael G. Velarde

Ayon kay Bhai–Rhema S. Marmay, (1https://www.scribd.com/doc/ 75558447/ Thesis-Reference), ang teknolohiya ay isang malaking bahagi upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Sa paglipas ng panahon ay umusbong ang iba’t ibang uri ng teknolohiya na naging instrumento upang mag–aral, tulad na lamang ng teleskopyo (ika–17 siglo) na mahalaga sa pag–aaral ng astronomiya. Sumunod naman dito ay ang pagkakaimbento ng makinalya nagsilbing daan tungo sa pag–unlad ng sistema ng pagtuturo na mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa ika–21 siglo naman ay naimbento na ang kompyuter na naging pangunahing kagamitan sa pagtuturo.
Tayo ngayon ay nabubuhay sa "Makabagong Panahon” kung saan nakadepende sa mga TEKNOLOHIYA ang mga tao sa kanilang mga gawain.
TEKNOLOHIYA - isang imbensyon ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang makatulong sa pagpapadali at sa mga pang–araw araw na gawain at sa paglunas ng mga suliranin ng tao.
Sa pag-unlad ng teknolohiya ay may kaakibat itong POSITIBO at NEGATIBONG EPEKTO sa ating pamumuhay.
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga impormasyong nakalap mula sa iba’t ibang kasagutan ng mga mag–aaral at mga guro na nasa sekondarya at kolehiyo at mula sa mga datos sa aklatan at mga tesis.
Alamin ang mga epekto ng mga makabagong teknolohiya sa patuturo at pagkatuto sa paaralan, positibo man o negatibo
Tukuyin kung mainam bang instrumento ang mga teknolohiya sa pagpapahayag ng mga guro ng aralin sa klase at kung nakatutulong ba ito sa pagpaunlad ng edukasyon
Magbigay ng kamalayan sa mga mag–aaral tungo sa epekto nito na maaring makabuti o makasama sa kanilang pag–aaral
Magbigay ideya sa kanila kung paano nila ito gagamitin sa paraang makabubuti sa kanila
Maipakita ang mga pagbabagong dulot ng teknolohiya
Makatulong sa mga susunod na mananaliksik upang maging basehan ng kanilang pag–aaral tungkol sa paggamit ng teknolohiya sa paaralan
Layunin ng pananaliksik
Lumalabas sa pagsusuri na ang pinakamabuting epekto ng paggamit ng teknolohiya sa mga estudyante ay nakakapadali ito sa pagsasaliksik at pagkatuto (36%). Pumapangalawa dito ay ang maraming impormasyon ang maaaring makuha (22%). Pangatlo naman ay nakakatulong ito sa pakikipagkomunikasyon sa mga kaklase at guro sa pamamagitan ng cellphone at social media at nakakatipid sa oras, na may parehong bahagdan (10%). Ang ikaapat naman na mabuting epekto nito ay nakatutulong ito sa mga gawaing pampaaralan (8%), at ang tatlong sumunod dito na magkakaparehong bahagdan ay ang nagiging mulat ang mga mag–aaral sa mga bagong impormasyon nagaganap sa mundo, mas nagiging malikhain, at mas maiintindihan ang mga guro sa pamamagitan ng video at powerpoint sa pamamagitan ng projector (4%).


Pinapakita sa naging resulta ng talatanungan na ang pangunahing di-mabuting epekto ng teknolohiya sa isang mag–aaral ay nagiging tamad (26%). Ang sumunod naman ay ito ay nagiging distraksyon na nagreresulta ng kapabayaan sa pag–aaral (16%). Pangatlo naman ay ang pagkakalulong sa mga gadyet o nagdudulot ng adiksyon (14%). Kasunod nito ay ang umaasa na lamang ang mga estudyante sa mga gadyet (12%). Panglima naman ay nakasisira sa kalusugan madalas na paggamit ng mga teknolohiyang ito dahil sa pagkakababad sa radiation (8%). Lumalabas din na magkaparehong bahagdan ang hindi paggamit ng libro at hindi nagiging aktibo sa mga pisikal na gawain (6%). Ang pinakakaunting bahagdan naman sa di–mabuting epekto ng teknolohiya sa mga kabataan ay ang nawawalan ng sigla mag–aral, hindi ginagamit ng tama (pag–aabuso, panonood ng pornograpiya), at maaaring hindi reliable ang mga sanggunian, na may magkakaparehong bahagdan (4%).
Makikita na malaki ang tulong na naibabahagi ng teknolohiya sa pag–unlad ng edukasyon. Ngunit dapat nating tandaan kung paano ito gamitin ng wasto. Huwag abusuhin ang mga teknolohiyang ito sapagkat maaaring makapagdulot ito ng mga epektong makakasama sa ating mga sarili.
Ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ay may masasamang epekto rin. Ayon sa mga kasagutan ng limampung guro, ang pangunahing di–mabuting epekto nito ay natutuon ang pansin ng mga estudyante sa teknolohiya at hindi sa paksa (30%). Pumapangalawa dito ay hindi ito mainam gamitin kapag walang kuryente (20%). Sumunod naman ay ito ay magastos at maaring makasagabal sa oras ng pagtuturo (18%). Ang panghuli naman sa resulta ay maaaring magkaroon ng aberya sa teknolohiya (14%).
Mula sa mga kasagutan ng mga guro sa talatanungan, nakikita na ang may pinakamalaking bahagdan ng mabuting pekto nga teknolohiya sa pagtuturo ay mas napapanatiling tutok ang atensyon ng mga mag–aaral (18%). Ang sumunod ay mas nagiging interaktibo ang klase at mas madaling maipaunawa ang mahirap na aralin na may parehong bahagdan (14%). Labindalawang porsyento naman (12%) ang nakatutulong magpalawak ng imahinasyon ang paggamit ng teknolohiya sa klase at nakakatulong upang lalong tumagal sa memorya ang paksa. Pinakakaunting bahagdan naman ay ang pumupukaw ito ng interes sa mga bata, nakikita ng mga mag–aaral ang kahalagaan ng teknolohiya sa pagkatuto at as nagiging malikhain ang pagtuturo (10%).



KONKLUSYON
Hindi naman lahat negatibo ang ang epekto ng makabagong teknolohiyang ating tinatamasa. Sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa paaralan, kinakailangan ng disiplina sa sarili upang mas maging epektibo ang mga ito sa pag–aaral. Gamitin ang mga ito sa teknolohiya sa wastong paraan na magiging gabay sa pagpapaunlad ng kaisipan na makatutulong ng malaki sa pag-aaral at pagtuturo. Huwag itong abusuhin upang huwag magdulot ng masamang epekto sa pag–aaral. Nakadepende sa tao kung pano niya ito tratratuhin at kung paano siya mag papaapekto sa modernong henerasyong ating tinatamasa.
Rekomendasyon
Ang mga sumusunod ay iminumungkahi ng mga mananaliksik batay sa kinalabasan ng isinagawang survey:

1. Mas mainam ang paghahanap ng mga impormsyon mula sa mga libro upang maiwasan ang makakuha ng mga maling impormasyon at mas lalong maintindihan ang nais isaliksik.
2. Bawasan ang oras ng paggamit ng mga gadyets upang hindi ito makaapekto at makasira sa ating kalusugan, lalong lalo n asa ating mga mata.
3. Alamin ang limitasyon sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang maiwasan ang adiksyon, pagiging tamad, at mabawasan ang distraksyon sa pag – aaral.
4. Gamitin ang mga teknolohiyang ito sa paraang makatutulong sa pagpapabilis ng paggawa ng mga gawaing pampaaralan upang makatipid sa oras.
5. Ang mga teknolohiyang ito ay mainam sa paghanap ng mga produktong nais bilihin sa malalayong lugar, tulad na lamang ng mga libro, kung saan makakatipid sa paggastos ng pamasahe.


Full transcript