Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Copy of Paalam sa Pagkabata

Nazareno D. Bas
by

mark anthony anareta

on 3 March 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Copy of Paalam sa Pagkabata

PAALAM SA
PAGKABATA Maikling Kwento/Cebuano
salin ni Nazareno D. Bas
sa "Panamilit sa Kabantanon"
ni Santiago Pepito May pagkakataon ba kung saan naguguluhan ka sa iyong sariling buhay? Tinatanong mo SINO AKO? BAKIT GANITO ANG BUHAY KO? Minsan, gusto lang natin bumalik sa ating Kabataan, ang panahon kung saan WALA TAYONG NALALAMAN WALA TAYONG INIINTINDIHAN TEORYANG HUMANISMO
- nagbibigay halaga sa dignidad ng tao kabilang nito ang kanyang isip at damdamin TAUHAN
Celso - pangunahing tauhan sa
kwento. Isang bata na tila
naguguluhan sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Isidra- ang ina ni Celso na madalas makitang umiiyak Tomas-
ang mahigpit na
tatay ni Celso.Isa siyang
mangingisda. Madalas natin siyang
makitang pinapagalitan si
Celso at si Isidra
Lalaki sa bahay-pawid –
isang misteryosong lalaki
na may hawak na gitara .
Isa rin siyang magaling na
mangaawit BUOD Inilalarawan ni Celso ang takbo ng kanyang buhay. Isang buhay na tila walang pagbabago, nanatiling maginaw, tahimik, at madilim. Ito ang mundo na nakilala niya. Naririnig ni Celso na nagaaway ang kanyang mga magulang sa kabilang silid. Umiiyak na naman ang kanyang ina na si Isidra. Hindi pa rin alam ni Celso kung bakit palaging umiiyak siya

Walang malinaw sa isipan ni Celso. Mula sa kanyang pagkabata, madali siyang mainip. Pinapangarap niya na magkaroon ng isang kapatid dahil sa kanyang pagiisa Noon ay hindi pinansin ni Celso ang lambat ngunit dalawang taon ang nakaraan noong itinapon ni Isidra ang lambat at nagalit ng husto si Tomas, ang ama ni Celso.I pinabalik niya ito

Nagaway na naman si Isidra at Tomas. Ipinaliwanag ni Isidra kay tomas na wala siyang kasalanan, na dapat kalimutan na nila ang nangyari at hindi sinasadya niyang magkamali. Sabi ni Isidra na si Tomas lang ang kanyang iniibig. Hindi naiintindihan ni Celso ang nangyari. Mula noon, hindi na ginalaw ng ina ang lambat. Kahit luma na, buong buo pa sa tingin ni Isidra. Nais itanong ni Celso kay Isidra kung bakit mahalaga ang lambat, ngunit sabi ni Isidra na kailangan na niyang maglakad dahil malapit na dumating si Pedro.


Pumunta si Celso sa may dalampasigan kung saan ang mga tao ay naghihintay sa mga mangingisda. Napalingon si Celso nang marinig niya ang isang tugtog sa gitara mula sa isang bahay-pawid. Ang awit ay tungkol sa kasawian ng pag-ibig.

Hindi nakatiis si Celso. Para siyang hinila ng musika kaya pumunta siya sa bahay-pawid. Naalala niya ang utos ng ama na bawal pumunta roon. Hindi niya namalayan na kaharap na niya ang taong naggigitara. Lumuha ang mga mata ng mama. Tatakbo sana si Celso, ngunit nahawakan ng mama ang kamay niya.

Mahagpit nitong niyakap si Celso. Umiyak si Celso. Pinahid ng mama ang luha ni Celso at sabi nito “Dalawin mo ako palagi ha?”Parang nakita na ni Celso ang mamang ito, parang nakita niya ito sa salamin. Nagdatingan na ang mga mangigisda. Nakita sila ni Pedro. Sinampal ni Pedro si Celso dahil hindi ito nakinig sa utos.


Naguguluhan si Celso kung bakit ayaw ni Pedro na pumunta siya roon. Pagkatapoos bumalik sila sa bahay. Si Isidra ay nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang mata. Naalala ni Celso yung mama. Lumapit si celso sa salamin at nakita niya ang mukha ng mama.

Kumuha ng itak si celso at pinagtaga nito ang lambat. Nabigla si Isidra at Pedro sa ginawa niya. Nagaapoy ang mata ni Tomas, ngunit nilabanan Celso ang titig nito. Sinuntok ni Pedro si Celso.

Tinadyakan siya kapag tumatayo, hanggang gumagapang na siya. Iningudngod sa lupa ang mukha niya at nakatikim ito ng pawis at dugo. Nawalan ng malay si Celso. Naramdaman na lamang niya ang mainit na bisig na yumayakap sa kanya.

Nakita niya ang mukha ng kanyang tatay, puno ng pagsisisi at pag-unawa. Yinakap niya si Celso ng matagal. MGA
SIMBOLO Kabataan
Ang pagiging bata ay dumadaan lang ng isang beses sa ating buhay.
Si Celso ay hindi nabigyan ng pagkakataon malasap ang pagiging bata. Lambat- Ang lambat ay naging simbolo ng pagkakakulong ng kanyang pamilya sa isang malaking problema.

sinisimbolo ang pagtataksil ni isidra salamin--dito nakita ni celso ang pagkakahawig niya sa lalaking naggigitara
dito nalaman nya ang kanyang pagkatao langit-simbolo ng kasiyahan.. Ang lalaking nagg-gitara ay ang kanyang tunay na ama. ang kundiman ang dahilan upang magtagpo si celso at ang kanyang ama Sinira ang lambat- ayaw niya magdusa ang ina SAKIT SA LIPUNAN

> Hindi tamang pagtrato sa mga batang anak sa labas

> mentalidad na hindi nagiisip bago gawin isang bagay. ARAL

Pahalagahaan mo ang iyong kabataan dahil nagaganap lamang ito ng isang beses.

Huwag mong gawing ang isang bagay na pagsisisihan mo lamang sa huli


Ang totoong pagmamahal ay binubup ng pagpapatawad at pag-unawa PASULIT


1. Bakit pinapamagatan paalam sa kabataan ang kwento?

2 . TAMA O MALI - Totoong pinagsisihan ni Isidra ang ginawa niya

3. Ano ang aral ng kwento ?

4. Meron pa bang mga bata na kagaya ni Celso. Ano ang tamang paraan ng pakikitungo sa kanila?

5. Ipaliwanag ang teoryang humanismo?

BONUS:
1. Sino ang akda ng kwento?
2. Ibigay ang apat na tauhan sa kwento
3. Bakit pinutol ni Celso ang lambat?
Full transcript