Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Bakit mas tinatangkilik ng mga Pilipino, lalo na ng mga kaba

No description
by

Mikhaila Paraiso

on 4 October 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Bakit mas tinatangkilik ng mga Pilipino, lalo na ng mga kaba

Bakit mas tinatangkilik ng mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon, ang musikang mula sa ibang bansa at paano ba nito naaapektuhan ang mga tagapakinig nito?
Methodolohiya ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay kumuha ng 40 (apatnapu) respondents na may edad na 16-21 (labing-anim hanggang dalawampu’t isa) taon gulang at pinasagutan ng online sarbey na sasaklaw sa kanilang opinyon tungkol sa madalas nilang pakinggang musika, bakit at ano ang epekto nito sa kanila.
Pangangalap ng Datos
Layunin naming mga mananaliksik na matukoy ang opinyon ng mga kapwa naming Pilipino, lalo ang mga kabataan, patungkol sa kung ano nga ba ang pinakapatok na musika na kinahihiligan sa aming henerasyon at ano nga ba ang epekto nito sa amin. Hangad rin naming mailahad sa inyo, mga mambabasa, ang mga dahilan kung bakit ito ang kinahuhumalingan namin.

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang malaman natin kung bakit mas kinahuhumalingan nating Pilipino ang musikang banyaga kasya sa sarili nating musika, na mas kilala sa tawag na OPM. Ano nga ba ang madalas na musikang banyaga ang madalas natin pakinggan at ano ang epekto nito sa atin.

Konklusyon ng Pag-aaral
Sa dami ng kanta pinatugtog gamit ang iba’t-ibang mediyum, hindi na natin napapansin na may mga kantang kahit hindi naiintindihan ay atin paring pinakikinggan at nagiging paborito. Ito ay ang mga kantang mula sa banyaga, mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ilan sa mga uri nito ay ang America Billboard, Korean Pop at Japanese Pop. Sa sobrang dami ng tagapakinig ng mga musikang galing sa mga dayuhan, maraming artistang mula sa iba’t ibang bansa na ang nagpunta sa ating bansa upang magtanghal. Ilan sa mga hindi natin makakalimutan mga kanta mula sa mga banyaga ay ang Baby ni Justin Bieber, Love Story ni Taylor Swift, Oppa Gangnam Style at Gentleman ni PSY. Kung tatanungin ang kabataan ngayon, may mga dahilan sila kung bakit mas tinatangkilik ito ng mga kabataang Pilipino. Ilan sa mga dahilan nito ay ang mga sumusunod.
Konklusyon
Pangangalap ng Datos
(a)
Ano nga ba ang pinakapatok, pinakagusto at pinakasikat na musikang kinahihiligan at kinahuhumalingan ng mga tao sa henerasyon na ito?
(b)
Ano nga ba ang mga dahilan sa likod ng pakikinig sa musikang ito?

(c)
Mas patok nga ba talaga sa panlasa ng pinoy ang KPOP, JPOP at American Billboard kaysa OPM songs na sarili nating musika?

(d)

May epekto nga ba ito sa ating mga Pilipino? Kung meron, ano-ano ang mga epektong ito sa atin?
Ang pagsikat ng mga kantang dayuhan ay parehong may magandang at masamang epekto na naidudulot sa bawat isa sa atin, indibidwal man o pangkalahatan. Magandang pansinin ang magagandang epekto nito sa atin pero mas kailangan nating pansinin ang mga negatibong epekto nito sa ating bansa. Ang paghina ng OPM Industry ay isa lamang sa mga negatibong epekto ng pagsikat ng mga dayuhang kanta sa bansa.
Konklusyon
Ang mga kabataan ay nahihilig sa musikang banyaga dahil sa pag-uugali ng mga iniidolo nilang artista.Nahihilig din sila sa dayuhang musika dahil sa kultura lang isang bansa dahil ang musika ay isang bintana sa kultura sa isang bansa. Isa pa sa mga dahilan ng pagkahilig ng kabataan sa musikang dayuhan ay ang napakalakas na colonial mentality na taglay ng mga kabataan dahil sa pananakop noon ng iba’t-ibang bansa sa Pilipinas. May ibang mga kabataan na nahihilig sa musikang banyaga dahil sa uso ito at para makasali sa usapan ng mga kaibigan, at iba pa.
Konklusyon
Sa resulta na aming nakalap sa sarbey at hit charts ng istasyong pang-musika na MYX, higit na mas sikat ang mga kantang banyaga kaysa sa OPM na sariling atin. Sa sobrang dami ng mga artistang dayuhan na bumibisita sa ating bansa para magtanghal, dumarami din ang mga kantang banyaga na ating napapakinggan sa iba’t-ibang midyum na ating nagagamit sa araw-araw. Sa ganitong paraan, sumisikat ang mga kantang mula sa mga dayuhan at natatabunan na ang sariling atin dahil dito.
Konklusyon
Sa ating pagkahilig sa musika ng ating mga karatig bansa, nagkakaroon ito ng iba’t-ibang epekto sa ating pamumuhay. Una, lalong lumalakas ang ating taglay na colonial mentality. Pangalawa, ang ating sariling musika ay nakakalimutan na ng paunti-unti dahil sa paglabas ng iba’t-ibang bagong genre at kategorya ng mga kanta. Pangatlo, naapektuhan ang ating pananamit at pananalita sa ating bansa.

Mas mabuti pa ding tangkilikin ang sariling atin kaysa ang mga bagay na mula sa ibang bansa. Ang ating musika ay napakaganda, kaya dapat lamang itong pangalagaan. Maari pa din naman tayong makinig ng mga musikang banyaga pero sana, huwag nating kakalimutan na ang ating musika ay mapayayabong pa natin at maaring maging laganap din sa ibang bansa.
Full transcript