Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Make your likes visible on Facebook?

Connect your Facebook account to Prezi and let your likes appear on your timeline.
You can change this under Settings & Account at any time.

No, thanks

Untitled Prezi

No description
by

cristel jane jabao

on 14 August 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Untitled Prezi

Ang Wikang Filipino sa Taong 2070
Ika-2 ng Abril, 1970
Sa Iyo, Kabataan ng 2070,

Ngayo'y Araw ni Balagtas. May mga palatuntunan. May ilang pagdiriwang. May pangkat na dadayo sa pangingay, Bigaa, Bulakan at mag-aalay ng mga bulaklak at papuri sa Bantayog doon ni Balagtas. May ilang paalala sa ilang tanggapan at paaralan tungkol sa wika, tungol sa pagpapahalaga sa wikang Filipino "Tagalog" . Naka-barongs [mabilis ang bigkas] ang mga gurong lalaki at ang ilang pinunong namamahalan sa halaga ng ternong amerikana’t pantalon bukod pa sa lubhang naiinitan (Abril ngayon), barongs na yari sa telang galing sa Hongkong. At tapos na ang Araw ni Balagtas. Maikakahon na’t maitatago nang mahigpit upang ilabas na muli sa isang taon. Ang mga baro’t saya, at barongs, pati na wika.

Nagtataka ka, kabataan ng 2070?Bakit, Ang tanong mo? Bakit ganoon, ang tanong mo? Talagang ganito. Sapagkat "Status Symbol" ngayon ang makapag salita ng ingles na parang tunay na Amerikano. Wa-Klas (walang Class) ang pagsasalitang Tagalog o Pilipino o Wikang Pambansa. Iyan ay para sa mga utusan lamang. Yan ang lumitaw sa isang pag-aaral daw ng isang iskolar na may isang ekspertong Amerikano bilang tagapayo: iyan daw ang sinabi ng isang Miss Universe na Pilipina. Ni hindi para sa mga utusan sa mga aksesorya, kabataan. Hindi. Sapagkat sa mga aksesoryang katabi ng aming bahay, pagkapanganak sa bata'y iniingles na, kaya't pati utusan ay umiingles na rin, kahit pa ganito, "yu et na, Rechard... ha. Ay wil palo na yu, sige." Kaya ang wika nga, segun sa utusan ang gagamit ng Filipino.
ni Genoveva Edroza-Matute


Mula sa pusod ng malalim na pag-iisa ng nakahihindik na katahimikan ng pag-iisa. sinulat ko ang liham na ito sa iyo, Kabataan ng 2070. Pinangangasahan kong kong hakdawin ang isang nuong dantaon, ng ating salinlahi upang iabot sa iyo kabataan, ang butuhan ng kamay, ang di na matatag na kamay, ang natubog na sa karumihan at katiwalian at madlang kasalanan na kamay. Upang humingi ng kapatawaran sa ibibinhi ng kasalukuyang lahi. Upang mag-apuhap, upang umamot ng anag-ag ng pag-asa sa gitna ng kalituhan ng kasalukuyang panahon.
Ngunit bakit, ang ipinipilit mong itanong, kabataan? Bakit kayo nagkaganoon sa inyong panahon sapagkat kami'y lutong-luto, ang wika nga, lutong-luto sa wika, kaya sa kaisipan man at sa pag-uugali ay banyaga. Kung ano ang pinakakain ay siyang ididighay, hindi ba? Ilang pong taong wikang banyaga ang pinakain sa amin, pagkain kasangkap. Mangyari pa nga ba ang kaisipan, kalinangan, ugali, pamumuhay ng bansang sumakop. Ngunit ngayo'y 1970 na, ang pakli mo, kabataan. Wala na ang banyangang sumakop, matagal na silang wala, dalawampu't limang taon na kayong taon na malaya riyan bakit ganyan parin ang mga pag-iisip ninyo, pag-aasal ninyo? A, Hindi mo nga pala alam, kabataan ng 2070. Maniniwala kabang dalawamput limang taon na kaming malaya ngunit hanggang ngayon ay Ingles parin ang wikang panturo sa aming mga paaralan? Naunahan na kami ng malayung-malayo ng mga kapit bansa natin, ng Indonesia at Malaysia na higit na nahuling lumaya. Katakot-takot na mga pagsubok ang ginawa sa paaralan kung dapat na ngang gamitin ang wikang pambansa.
Bakit Barongs ang tawag namin ang itinatanong mo kabataan? hindi bayan ang dating itinaguriang Barong-Tagalog? Oo. Ngunit dumami na ng dumami ang allergic, pinamamantalan ang punong taynga sa salitang Tagalog. Gaya nanga ng wikang Tagalog, hindi Wikang Filipino. Kaya, inalis na ang salitang Tagalog sa salitang Barong-Tagalog. Ginawang Barong na lamang, ngunit sapagkat sa Ingles, Kapag marami'y dinaragdagan ng titik "s", Kaya't ang Barong ay nagiging Barongs. Bakit bumilis ang bigkas? A, iyan ay sapagkat ang Pasay man ay naging Pasay (mabilis) na at ang Davao ay naging Davao (mabilis) na. Kaya bakit ang Barongs ay hindi magiging barongs (mabilis)? Paano nga pala ninyo malalaman, Kabataan ng 2070 na sa aming panahon ngayon, ang makabago't sibilisadong Pilipino (tao ito, hindi wika), ay sadyang may iba nang paraan ng pagsasalita, kahit ng sariling wika, kaysa mga kababayan nilang kinagigiliwang tawaging Bakya Crowd? Kaya ang tinatawag na Bakya Crowd na Magsaysay ay binibigkas ng sibilisadong Pilipino na magsighsigh; ang korehidor ay Koregidor; ang Romulo ay Romyulow; ang Pedro ay Pedrow; ang Mang Teban ay Meng Teyven.. At ako nga pala, minsan, ay "naparangalan" ng isang makabagong dalagang panauhin na may hawak na kapirasong papel na kinatatalaan ng pangalan ko, at nagtanong sa akin, "Are you, Mrs... Mrs... Jhey-niw-ve-ib Mechu-chey?"
Oo, pagkatapos ng dalawampu't limang taon na ng kalayaan! at gaya ng maasahan, hindi nagdarahop ang aming mga nagpapakasangkapan sa dolar-Amerikano-makapangyarihang dolar, masarap na pagllabay ng walang gugul, sarisaring Iskolarship iba't ibang paraan na pang-akit ng makapangyarihang dollar deplomacy. Oo,kabataan ng 2070, saaming panahon ay "status symbol" parin ang humingi ng paumanhin sa pagatul-gatol at pautal-utal na pagsasalita sa wikang pambansa. Kalakaran parin sa mataas na pinuno, kahit sa pinakamataas, na magsimulang magtalumpati sa wikang pambansa sa mga unang dalawang talataan, at mag-Ingles na pagkatapos. Karangalan pa ring hindi raw maisaulo ang poambansang Awit sa Filipino. At sa isang kilalang dalubhasaan ng mga nag-aaral sa pagiging guro, oo, magiging guro, napagkaisahan sa puliong ng mga mag-aaral " hindi pa panahon upang magpulong sa Filipino" Kahit noon ay Linggo ng Wika ; at isang "matalinong magiging guro ang humingi ng tuldok na ayos" (point of order) at "akin ang sahig" (I have the floor), na siyempre nama'y binili nang gayon na lamang sa pamamagitan ng di-matapos-tapos na halakhakan. At sa pasulatan ng nasabi ring dalubhasaan, ang "matalinong" patnugot ng pasulatan ng Pitak-Filipino nang lumipat na sa Ingles ay nag-iwan ng ganitong pag-aglahi sa kanyang mga kasamahan, "O, ano kayo? Hanggang diyan nalamang ba kayo sa Filipino?"
Ilang ulit nang ginawang tuntungan ng mga oppurtunista ang Wika sa sariling ikadadakila upang "kumabila naman sa lalo pang ikadadakila." Oo, sadyang kapaki-pakinabang ang sayaw na tinikling ngayon; ang bungang kahoy na napapanahon ngayon ay balimbing. Oo, Kabataan ng 2070, sa kabila ng ipinagugunita mong dalawampu't limang taon ng kalayaan, hanggang ngayo'y nakikisuno parin sa batalan ng sariling tahanan ang wikang pambansa. Ngunit ipinatanong mo, kabataan, kung bakit sa gitna ng ganitong kahihiyan at kaalipustaan ay sumusulat pa ako sa iyo? upang sa tinatamasa mong kalayaan ngayon, sa isip at diwa at salita, ay lalo mo itong mapahalagahan, magunita mong ito'y tinumbasan ng luha, siphayo, paghihimagsik, pakikipaglaban, walang sawang pagpapakasakit ng mga nauna sa iyo. Itinatanong mo; sa gitna ng mga ganyang mga kalagayang inilalarawan ninyo, di yata't buhay pa rin ang pag-asa? Manainga ka, kabataan: ako'yisinilang sa panahon ng pananakop ng mga banyaga. An wika lamang nila ang maaring gamitin sa paaralan at bakuran nito. Malaking krimen ang gumamit ng sariling wika. Ang guro ko sa unang baitang ay palaging naka baro't saya at ang huli'y may malalim na bulsa ay laging may siling labuyo. Sa tuwing may batang mahuhuli na nagsasalita ng sariling wika, mabilis ang paglapit ng guro, sabay subo sa bata ng isang sili, sinusundan ng pagkukwentas sa may-tali. Ang nakasulat sa karton: I was caught speaking the dialect.

Tanda ng malaking kahihiyan, malaking krimen. Ngunit ngayon ay iba na; ang tungok sa guro ko sa unang baitang ay tila isang masamang panaginip na lamang. Basahin mo ang makabagong panulatan ngayon ng ating mga kababayan sa wikang sarili-hindi lamang makapapantay, kadalasa'y nakahihigit panga sa mga akda ang wikang banyaga. Pati ang pangkat ng mga maka-Ingles ay nagsasali ng mga dula sa Filipino; alam nilang sa ganitong paraan lamang nila maihahatid ng mabisa ang anumang nais nilang ihatid sa kanilang manonood. Pati ang paanunsyo ng iba't ibang kalakal ay ginagamitan ng sariling wika sapagkat sadiyang napakabisa sa mamimili; Johnson yata iyan! Ayos na ang kasunod... at sa huling demonstrasyon ng mga kabataan laban sa kabulukan ng kasalukuyang panahon, Di naman pinag-usapan ay tila iisang tao ang mga nagsalita na pawang gumamit ng wikang sarili sa pananawagan at pagkatok sa damdamin ng bayang kanilang pinagsakdalan. Gayong lahat sila'y aral at mulat sa wikang banyaga. Ang mga pagsubok sa mga paaralang bayan sa bansa ay nagpapatunay na ang wikang sarili ang pinakamabisang paraan sa madaling ikatututo ng mga bata. kaya sa kabila ng marami pang paghadlang ay wala nang magagawa ang matataas na pinuno kundi ang "tanggapin" na rin ang wikang pambansa, ng Edukasyon. Sa mga ganitong pangyayari, kabataan, ay bakit naman hindi muling mabubuhay ang aandap-andap na pag-asa at mananariwang muli ang nauunsiyaming pananalig? Malapad ka , kabataan ng 2070, sapagkat ang bayan mo'y hindi na taliwas sa lahat ng malalayong bansa sa daigdig na gumamit ng kanilang sariling wika, may paggalang na sa sarili, may pagmamalaki na sa sariling lahi. Kami ng 1970 ay di naging kasimpalad mo, ngunit maligaya parin kami sapagkat sa abot ng munti namin kakayahan ay napaglabanan namin ang mabato-balaning pang-akip ng kariwasaan at kabantugang alay ng mga makapangyarihang kalaban ng sariling wika. Oo, maligaya pa rin kami, sa pagtanaw-tanaw sa dakong paroon ng lalong maayang araw, limampung taon mula ngayon sandaang taon mula ngayon na ang wikang sarili ay di na makikipanuluyan lamang kun di sadyang tatahan na sa bawat diwang pilipino, sa bawat pusong Pilipino.

Kami ang kasalukuyang panahon
GEM
Gintong Aral:

Sa mundo kung saan Ang Kumunikasyon ay sadyang kailangan Umunlad ang Wikang sumasalamin sa ating kultura't kalinangan.
Full transcript