Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Pamahalaang Komonwelt

No description
by

Marivie Magana

on 16 November 2013

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Pamahalaang Komonwelt

Pamahalaang Komonwelt
Alamin Natin:
Ang
Batas Jones
na ipinalabas noong maitatag ang Pamahalaang Sibil ay nagtakda ng pagbibigay ng Amerika ng kalayaan sa Pilipinas. Maraming mga Pilipino ang nagpunyagi na makipag-usap sa mga Amerikano upang ipaglaban ang ipinangakong kalayaan.

May ilang misyon ang ipinadala sa Estados Unidos upang pag-usapan ang ipinangakong kalayaan. Ang huling dalawa sa mga misyong ito ang nakapag-uwi ng mahalagang batas ukol sa kalayaan ng bansa. Ito ay ang:


Hare-Hawes-Cutting Law
- batas na pinangunahan ng
Misyong OSROX
. Ipinanukala
ito nina
Sen. Harry B. Hawes, Kinatawan Buttler Hare at Sen.Bronson Cutting
na
nagtatadhana ng sampung taon na Makasariling Pamahalaan o Komonwelt.


Batas Tydings-McDuffie
- batas na pinangunahan ni
Manuel L. Quezon
. Itinagutod ito nina
Sen. Milliard Tydings at Sen. John McDuffie
. Ito ay nilagdaan ni
Pangulong Franklin D. Roosevelt
noong Marso 24, 1934 at pinagtibay noong Marso 26, 1934. Itinatadhana nito ang kalayaan ng Pilipinas ng 10 taon matapos maitatag ang pamahalaang Komonwelt.







Ang Pamahalaang Komonwelt
Pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt noong
Nobyembre 15, 1935
matapos isagawa at pagtibayin ang isang Saligang Batas na hindi lamang para sa isang Pamaalaang Komonwelt kundi para na rin sa isang republika.
Isang pambansang halalan ang naganap dalawang buwan bago pasinayaan ang Komonwelt. Si Manuel L. Quezon ang nahalal bilang Pangulo at si Sergio Osmeña bilang Pangalawang Pangulo.



Ito ay naglalayong sanayin ang mga Pilipino sa pamumuno ng bansa. Isa sa mahalagang elemento ng mga hakbang tungo sa kalayaan ay ang pagtatatag ng Asembleya na siyang maghahanda ng Saligang Batas na gagabay sa Pamahalaang Komonwelt. Isang halalan ang idinaos para sa kumbensyon ng Saligang Batas noong Hunyo 10, 1934. Dalawandaan at dalawang delegado ang nahalal.
Programa
Ito ang mga programang ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga mamamayan:

Tanggulang Bansa-itinadhana ng Pamahalaang Asembleya ang
Commonwealth Act I
o ang
National Defense Act (NDA).
Ito ay binubuo ng Hukbong Panlupa, Pandagat at Panghimpapawid.

Pambansang Wika- itinadhana ang pagkakaroon ng pambansang wika na ibinatay sa Tagalog. Kaya't simula noong Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro ang Pambansang Wika sa lahat ng paaralan.

Katarungang Panlipunan-binigyang-halaga ang pagsigurado ng pamahalaan sa kaayusan ng ekonomiya at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan.Dito itinadhana ang Minimum Wage para sa mga manggagawa at ang 8 oras na pagtatrabaho. Binigyan din ng lupa ang mamamayan.

Pagboto ng mga kababaihan-binigyan ng karapatang bumoto ang mga babae at nang ginanap ang pangkalahatang halalan, 24 na babaeng delegado ang nagwagi kabilang si Carmen Planas.

Pagbabago ng Edukasyon-itinatag ang National Council of Education noong 1936 na pinamunuan ni Rafael Palma. Isinama sa kurikulum ang pag-aaral ng bokasyunal. Nagtatag din ng paaralang pang-agrikultura, pansining, at paaralang pang-rural.






Mga Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt
Layunin:
Ang mga nahalal na pinuno sa kumbensyon ng Saligang Batas ay ang mga sumusunod:

Claro M. Recto -Pangulo
Ruperto Montinola -Unang Pangalawang Pangulo
Teodoro Sandiko -Ikalawang Pangalawang Pangulo
Narciso Pimentel -Kalihim
Narciso Diokno -Tagapanatili ng Kapayapaan

Ang Saligang Batas ay nilagdaan at pinagtibay ng kumbensyon noong Pebrero 11, 1935 sa gitna ng marangyang seremonya noong Marso 23, 1935 na pinagtibay naman ni Pangulong Roosevelt ng Estados Unidos. Binuo ang 3 sangay ng pamahalaan. Ito ay ang:


Ehekutibo
-pinamumunuan ng pangulo at pangalawang pangulo


Lehislatibo
-binubuo ng mababa at mataas na kapulungan na siyang gumagawa ng batas


Panghukuman
-pangasiwaan ng mga Pilipino

Manuel L. Quezon (1935-1942)

Si Manuel L. Quezon ay ipinanganak sa Baler, Tayabas (Quezon ngayon)
noong Agosto 19, 1878.

Siya ang kauna-unahang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt. Nahalal
rin siya sa Asembleya ng Pilipinas at naging lider ng mayorya. Mula
1909 hanggang 1916, siya ay tumayo bilang isang komisyoner sa
Washington D.C.

Sergio Osmeña (1944-1946)

Si Sergio Osmeña ay ipinanganak sa Lungsod ng Cebu noong Setyembre
9, 1878

Siya ang ikalawang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt noong Agosto
1, 1944. Bilang Pang.Pangulo, naniniwala ang mga Pilipino sa kakayahan
niyang umakay sa ating kapalaran o tadhana bilang bansa.

Buod
Ang Pamahalaang Komonwelt ay pinasinayaan noong Nobyembre 15, 1935

Sina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña ang naging pangulo ng Pamahalaang Komonwelt

Binigyan ng pantay na karapatan ang mga kababaihan at mga kalalakihan. Isa na rito ay ang karapatang maghalal at mahalal.

Nang bawian ng buhay si Pangulong Quezon, ang pangalawang pangulo na si Sergio Osmeña ang nagpatuloy ng kanyang termino at mga programa.

Itinadhana bilang Pambansang Wika at ito ay ibinatay sa Tagalog

Layunin ng Pamahalaang Komonwelt na sanayin ang mga Pilipino sa pamumuno ng bansa.

24 na babaeng delegado ang nagwagi sa panlahatang eleksyon.
Pangkat 5
Lider ng Pangkat: Marivie Magana
Mga Myembro ng Pangkat

Ma. Sopphia Elleina Brisueño
Alleth Dupaya
Patricia Maris Polintan
Charles Joseph Evangelista
Mari Joy Nathalla Alegria
John Renz Oliveros
Full transcript