Loading presentation...

Present Remotely

Send the link below via email or IM

Copy

Present to your audience

Start remote presentation

  • Invited audience members will follow you as you navigate and present
  • People invited to a presentation do not need a Prezi account
  • This link expires 10 minutes after you close the presentation
  • A maximum of 30 users can follow your presentation
  • Learn more about this feature in our knowledge base article

Do you really want to delete this prezi?

Neither you, nor the coeditors you shared it with will be able to recover it again.

DeleteCancel

Noli Me Tangere Kabanata 2 (buod)

No description
by

Bernielle Banac

on 9 August 2014

Comments (0)

Please log in to add your comment.

Report abuse

Transcript of Noli Me Tangere Kabanata 2 (buod)

Sino ba si Crisostomo Ibarra?
Sa nobelang Noli Me Tangere, si Ibarra ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Diego. Siya ay bumalik sa Pilipinas nang kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra, na tiniwalag mula sa simbahang Katoliko dahil sa pagiging diumano'y pilibustero. Sa kaniyang pagbalik sa San Diego, muli niyang nakadaupang-palad ang kasintahang si Maria Clara.
Ano ang kaugnayan nito kay Rizal?
Noong isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere, inilahad niya rito ang mga kalapastanganang ginagawa ng mga prayle sa mga Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop. At gaya ni Ibarra, inilarawan ni Rizal ang 'di makatarungang lipunan na kinabibilangan ng pangunahing tauhan ng nobela.

Ano ang kaugnayan nito kay Rizal?
Si Ibarra, kahalintulad ni Rizal, ay nagkaroon ng karanasang makapag-aral sa Europa at mamulat sa iba't-ibang suliranin ng mga bansa roon. Karagdagan pa, maituturing na isang magandang kaugnayan kina Ibarra at Rizal ang masidhing pagpapahalaga nila sa edukasyon.

Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
“Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata.”

Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
“Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata.”

Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
“Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra.”

Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
“Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.”

Sino ba si Crisostomo Ibarra?
GOAL!
Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra

Submitted by
Bernielle Banac
Full transcript